제 8 장 : Over A Cup of Coffee

92 0 0
                                    

Author's Note:

>> Sorry po sa late update. nalulusaw po kasi yung idea kapag nasa harap na ko ng computer haha! anyways, enjoy reading na lang muna po. ayaw mag-paste ng multimedia. pero sa mga curious.... CAN WE JUST STOP ANG TALK AWHILE po yung song by Gary V. and Kyla.

>> yey 180 reads!! thank you ^^

ANYA’S POV

- DAY 3 -

At first I was afraid 

I was petrified 

I kept thinking I could never live without you 

By my side 

But then I spent so many nights 

Just thinking how you've done me wrong 

I grew strong 

I learned how to get along 

Nagising ako sa kantang I will survive na ni-revive ng bandang Cake. Alarm ng ipod ko mag-mula ng maghiwalay kami ni Alvin. Time Check: 4:30AM 

Today’s another day at exited na ‘ko. Kagabi habang nagdi-dinner kami, nag-suggest si Mr. Park na magpunta na lang daw kami sa Han River kinabukasan. At least daw doon hindi ko naman kailangan maglakad ng maglakad. Pwede naman daw kasi kaming mag-picnic doon. Mae-enjoy na raw namin ang bakasyon namin, hindi pa kailangan ma-stress ng paa ko. Na-sobrahan yata ako ng pagkasabik gumala at 12AM na kami nakatulog ni Carley.

“Uy! Gising na pala ang babaeng tatlo ang paa.” Katatapos lang maligo ni Carley.

“Naks, klaseng mas excited ka ‘sa kin at ang aga mo ‘ata nagising?”

“Eh syempre gagala na uli tayo eh. Saka di ba isa naman talaga sa pinapangarap nating puntahan eh yung Han River? Kaya … excited much!”

Nag-decide kaming pumunta ng madaling araw sa Han River. Sabi kasi ni Mr. Park maganda doon mag-abang ng sunrise syempre pa, sariwa ang hangin. Type na rin ‘ata nina ate Ellaine ang mag-bawas ng taba sa katawan at mag-jogging. Yung mahiwaga kong paa medyo nagsu-subside na rin yung maga. May mga pagkakataon na nakakalakad na ko ng walang saklay pero minsan kapag inaatake ng kirot kailangan pa ring gamitin.

Medyo mahaba-mahaba ang traveling time namin pero hindi ko na yun napansin dahil inabala ko ang sarili kong matulog para makabawi kahit paano.

“Ate Anya, ‘lika na baba na tayo.” Excited pa naman kami bumaba. Pero ‘pag labas namin ng minivan, tae na…. ang lamig!!!

Sina Ate Ellaine at ang asawa nitong si kuya Noel at si Carley lang ang nag-jogging. Hindi nakasama si Soo Jae dahil may pasok daw sya. Sina Tito Bert at Tita Mayeth naman mas ginusto na lang samahan ako maiwan dahil nakakahiya naman daw kay Mr. Park kung maiwan ako sa pangangalaga nya.

And at last, sunrise! Bongga sa ganda! Maganda naman talaga ang sunrise sa kahit na anong lugar yata. Pero ‘eto sa tingin ko ang isa sa pinaka-the best para sa kin sa ngayon dahil nasa Han River ko sya na-good morning. Sana bago kami umuwi yung Light Show naman sa Han River Bridge ang makita ko.

6:30AM natapos mag-jogging sina ate Ellaine. Panay ang kwento ni Carley tungkol sa experience nya at kung gaano kaganda at kasarap ng feeling na mag-jogging sa Han River. Nang matapos kaming mag-almusal, sinamahan naman ako ni Carley maglakad-lakad sinubukan kong hindi gamitin yung saklay ko pero binitbit na rin ni Carley. Baka bigla raw sumakit ang paa ko eh magpa-karga pa ‘ko kanya. Busy-busy-han ang drama namin sa mga mangilan-ngilang nagba-bike at nagpi-picnic doon ng mag-ring ang phone ko. Napa-ngiti ako. Si  kuya Romeo. At kung may kuya Romeo, may Heechulssi sa tabi!

My Super BebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon