제 17 장 : D-Day

49 1 0
                                    

Authors Note:

>> Kung anong bagal ko nung last update medyo mabilis ngayon. sayang ang creative juice baka mawala pa. kung may mabasa man po kayo na maling info, pagpasensyahan nyo na hindi ko na ata na-research ng maayos (kung meron man). sana magustuhan nyo pa rin yung chapter. enjoy reading while listening sa multimedia ^^

yey 845 reads!!!

                                               -----------------------------------------------------------

ANYA’S POV

DAY 11

            Awtomatiko akong napangiti ng marinig kong tumunog ang message alert tone ng celphone ko. Yup, it was Hee at ang walang patid nyang Good Morning message. Ewan ko ba pero kahit panay ‘good morning’ at ‘eat on time’ lang naman madalas ang message nya, hindi ako nagsasawa na basahin yun.

            Tumunog ang message tone ng Skype ko. And yes, it was Alvin.

AlvinniAnya: hi honey, good morning ^^ muah! Andito na po ako sa office. 3 days na lang uwi kna.                           Excited na ‘ko!

Ano daw? Excited? At nagpalit pa ng pangalan sa Skype ah! From itsmealvin to AlvinniAnya? Anong drama nito at nagpapa-good shot yata?

Matapos ko syang replyan ng ‘good morning din’, humarap ako sa side ni Carlie. Pero wala pala sya sa tabi ko. Tiningnan ko kung anong oras na.

6:00 AM

Wow ha, ang aga naman magising ni Carley. Ano bang meron sa araw na ‘to at uso ang pa-good shot?

Matapos kong mag-stretching, ginawa ko na ang morning rituals ko saka ako bumaba para mag-almusal.

“Good morning po Tita.” Bati ko ng madatnan ko silang nag-aalmusal.

“O Anya, upo na. Tamang tama lang ang gising mo at kakaumpisa lang naman naming kumain.” Nang mapansin nyang panay ang linga ko, sinagot na ni Tita Mayeth ang tanong ng isip ko.

“Wala si Carley nag-jogging. D’yan lang naman daw sa malapit. Ka’ko baka anong oras na naman s’ya makauwi.”

Napatawa ‘ko. “Si Carley? Naisipang mag-jogging? Anong meron?”

“Baka nagpapakabait. Di ba matagal na s’ya sinasabihan ni Mama na mag-diet, ayaw nya? Pinagbibigyan siguro si Mama kasi napagalitan kagabi. Pabalik na rin siguro yun. Di naman yun makakalayo mapapagod yun agad.” Nagkatawanan na lang kami sa sagot ni Ate Ellaine.

“Speak of the devil here comes Carley! Aga mo ah.” Bati ko.

“Hay, grabe! Napagod ako. Akala ko hindi ako pagpapawisan dahil medyo malamig naman ang hangin pero grabe talaga. Ayoko na!” saka sya nagiyak-iyakan na akala mo inapi ng kung sino.

“O wag kang kakain ng kanin! Ano pa at nag-exercise ka kung babanatan mo naman ng kain?” saway ni Tita Mayeth ng kunin ni Carley yung fried rice sa tapat ko.

“Eh hindi pa ‘ko kumakain. Gutom na ko.” Saka sya nag-puppydog face.

“Eto kainin mo. Hinanda ko talaga yan para sa’yo.” Saka nya inihain kay Carley yung tuna sandwich na wheat bread ang gamit na tinapay.

“Ma, ano ‘to? Wala naman lasa ‘to eh.”

Pero kahit na anong protesta nya wala din sya nagawa dahil alam nyang isa yon sa parusa sa kanya ni Tita Mayeth dahil sa ginawa nya kagabi.

My Super BebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon