제 9 장 : Is this love? Agad, agad???

83 2 2
                                    

 Author's Note:

>> Ssssuuuuppppppperrrrr late ang update. Sobrang napahinga yata ang utak ko at every time na mag-attempt akong mag-update nalulugaw ang utak ko. Sana magustuhan nyo pa rin yung story. enjoy reading and listening sa multimedia. ^^

Yey! 243 reads!!!

 ---------------------------------------------------------------

- Day 4 -

Nag-mulat ako ng mata ng may ngiti sa labi. After 3 long months ng breakup namin ni Alvin ngayon lang ako uli gumising ng ganito. Past 12AM na kami dumating at natulog kagabi, pero ang ganda pa rin ng mood ko kahit ala-sais pa lang ng umaga. Oo na nga, dahil na rin siguro 'to kay Heechul. Ewan ko ba. Pero nung sinabi ko na ie-enjoyin ko ang bakasyon ko dito sa Seoul, hindi ko rin inakala na ganito ko sya mae-experience.

I looked at Carley. Naka-position sya paharap sa kin. Tiningnan ko rin ang bedside table namin kung saan nya nilagay ang tumbler na bigay ni Yesung sa kanya bilang souvenir ng pagpunta namin sa Mouse Rabbit. Masaya rin ako para sa kanya. Alam ko na ang isa sa Super-Grandest-Ultimate-Dream ng isang fan ay ang maka-close encounter ang idol nya. Kahit si Yesung at si Heechul pa lang ang nakita at nakausap nya, alam ko naguumapaw na ang saya nya. Sana makita naman nya ang future husbands nyang sina Kyu at Sungmin bago kami umuwi ng Pinas. Wala eh. Matakaw 'to sa aasawahin eh. 

Lumapit ako sa glass sliding door ng mini-veranda at hinawi ko ang kurtina.

"Good morning star shine the earth says hello!" Pangga-gaya ko pa sa line ni Johnny Depp sa movie nyang Charlie and Chocolate Factory. Lumabas ako sa mini veranda para magpa-araw.

Ewan ko ba, pero parang ang saya-saya ko talaga. Ang laki ng ngiti ko. Parang nakikisabay sa mood ko ang ganda ng panahon ngayon. Hay.....

"Ay kabayo!!" nahawakan ko pa ang dibdib ko sa sobrang gulat. Si Carley talaga hanep sa galing manira ng moment.

"Wow ha, klaseng napaka-saya mo ngayon at may pa-star-shine-star shine ka pang nalalaman." maaga nyang pang-aasar sa kin habang inaalis nya isa-isa ang mga naka-kulapol nyang muta.

"Ganda mo naman mang-good morning kailangan talaga mang-gulat?"

Lumapit sya at sabay naming tinanaw ang ganda ng umaga. Pareho kaming naka-pangalumbaba sa veranda.

"Ate, alam ko masaya ka dahil sa event kagabi. Masaya ka kasi bukod sa naka-date mo na si Heechul, tumawag pa sya para lang mag-good night." naka-look up pa sya habang naglilintanya.

Tiningnan ko sya. "Ano ka ba? Anong date? Hindi date yun. Sabi ko nga di ba, pambawi lang nya yun kasi sya ang dahilan kung bakit ako nagka-sprain. Ok... I admit masaya ko dahil sa event kagabi. Kasi isipin mo ah, dati napapanood ko lang sya o sila sa Youtube o kaya sa mga DVDs mo. Nakikita ko lang ang Superjunior upclose sa picture. Kung gusto ko pa ng mas malapit, zoom in lang ang peg. Pero ngayon tignan mo, kasama sya sa nagdala sa kin sa hospital. Nung nakausap ko sya sa phone first time, alam ko nag-worry sya. Tapos eto na, coffee. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Parang napaka-sureal. Di ba?"

Naningkit ang mata nya. "Sabi mo di mo sya kasama sa hospital? Sinulaleng ka!"

Napatawa ako. Ano ba yan, sa sobrang saya ko nabubuko na ko. "Hindi naman. Ewan ko rin. Siguro kasi iniwasan kong tanungin mo ko ng tanungin tungkol don. Wala naman akong maku-kwento. Ewan ko ba. Basta ang punto non iniwasan ko lang magtanong ka. Makulit ka kasi magtanong eh para kang grade one."

"Ewan ko sa'yo." she said between laughs. Naputol ang kwentuhan namin ng tumunog ang message alert tone ko. Halos alam namin ni Carley kung sino ang ang-text kaya naman nag-unahan kami sa bedside table.

My Super BebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon