제 7 장 : Feeling Rapunzel sa haba ng Hairlalu

104 0 0
                                    

Author's Note: 

>> Sori po natagalan ang update. Anyway... hope you still going to enjoy reading. Di ko alam kung swak yung song pag pasensyahan nyo na hehe.

>> Yey 120 reads!! 

ANYA’S POV

- DAY 2 -

“Ate Anya…” Nagising ako sa kalabit ni Carley. Time check: 8AM. Hindi daw sana nya ‘ko iistorbohin sa pagtulog ko para makapahinga ‘ko lalo pero kailangan ko ng kumain para maka-inom ng pain reliever. Isa talaga sa mga ipinagpapa-salamat ko ang pagiging generous ni Carley sa pag-aalaga sa ‘kin. Simula pag-uwi namin nung gabi sya ang Attending Nurse ko. Nagkatuwaan kaming i-post sa Facebook yung picture ng disgrasyada kong paa. Kaya ang ending, sangkaterbang “ouch!” at “anyare sa’yo” ang nabasa namin sa loob lang ng five minutes. Si Mama nga sobrang worried tumawag agad sa skype. Pumunta lang daw ako ng Korea para ma-aksidente. Syempre kung ano-ano pang talak ang inabot ko. Naasar sya, natatawa naman ako. Si Alvin nung tumawag worried na worried. Feeling daw nya kasalanan nya kung bakit ako nagkaganon. I told him not worry to much. Na-distort na nga yata yung mukha ni Carley kaka-make-face the whole time na magka-usap kami ni Alvin.

Sabi ni Carley nag-decide na rin sina Ate Ellaine na wag na lang muna kami umalis today para makapahinga ‘ko. Two weeks naman daw kami dun kaya may time pa para bumawi. Sabi nga ng papa nyang si Tito Bert: “Wag daw akong magmadali magpagaling; basta bilisan ko lang daw.” Kung sino mang-praning ang nagturo sa kanya ng joke na yon, eh hindi na namin sinubukang alamin.

 “Bakit nag-dala ka pa ng food dito? Pwede naman akong bumaba eh. Kakahiya na sa’yo.”

“Ano ka ba, okay lang yun noh. Saka may bayad naman ‘to eh.”

“Thank you ha. Sabi ko na nga ba hindi ‘to libre eh.” I made a face. Sinimulan kong kainin yung dala nyang pagkain. Pero nakakailang subo na ‘ko nun nang mapansin kong nakatingin pala sya sa kin. Akala ko gutom pa sya kaya inalok ko pero tumanggi.

“May sasabihin ka ba, iku-kwento, o itatanong?” tanong ko sa kanya sabay subo uli dun sa ginawa “daw” yang sandwich.

“Ate Anya… Sino yung kuya Romeo? Bakit sya ang kasama mo kahapon? Saka hindi ako naniniwala na naka-convoy kayo kahapon kasi sabi ni Soo Jae narinig daw nya dun sa mga fans sa labas na isinakay ka dun sa kotse na sinakyan ni Heechul!”

Eto na naman po kami. Dear Batman, hulugan nyo po ako ng excuses… huhu!

“Hi -- Hindi ba na-kwento na ni kuya? Bakit tinatanong mo pa ‘ko?”

“Tiningnan nga namin sa TV kung nakuhanan ba yung paglagapak mo kahapon pero walang balita eh. Wala din naman fans na naka-video nung nangyare. Himala noh? Na-shock din siguro sila. First time kasi siguro nila maka-kita ng babaeng doormat.” Saka nya pinasingkit nya yung singkit na nyang mata. “Ate Anya, meron kang hindi sinasabi sa ‘kin noh?”

“Tse! Doormat ka jan. Wala nga. Bakit naman hindi ko sasabihin sa’yo kung meron man? Naka-convoy nga kami kahapon. Tapos nag-part ways din kasi may pupuntahan nga daw si Heechul. Si kuya Romeo lang talaga ang kasama ko sa hospital. Kahit i-check mo pa dun sa hospital record ko.”

Alam kong hindi pa rin sya 100% naniniwala sa mga isinagot ko pero thankful ako hindi na nya ‘ko kinulit. Pagkatapos nya kong painumin ng gamot iniwan na nya ko uli mag-isa sa kwarto. Gigisingin na lang daw nya ko uli kapag kakain na ng lunch.

Carlierisa sorry. Hindi ko rin alam kung bakit ayoko pa malaman mo pero promise hindi tayo uuwi ng Pinas ng di mo ‘to alam.

My phone rang.

My Super BebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon