제 4 장 : Unwind, unwind din!

118 0 1
                                    

Author's Note:

>> Mejo luma na yung background music pero yung shorus kasi nito ang madalas namin kinakanta ng kapatid at mga pinsan ko every time nae-excite kami. Please vote and comment po ^^ salamas!

It has been two 2 weeks… two weeks pa lang and yet it seems like hell of a lifetime for me. Simula nung unang gabi ng break up, halos hindi ako maka-usap. I told mama about it but I also told her that I am not yet ready to tell her the reason why. I spent my first week baking and baking and baking at wala na yatang katapusang baking. I kept myself busy. Kung anumang pursige ko noon sa business namin, dinoble ko na para lang hindi ko masyado maisip yung pain… at oo, regret. Naisip ko, kung pinagbigyan ko pa kaya yung relationship, could there be any difference? Baka ang solusyon lang naman kay Alvin eh takutin na mawala ako bilang gifrlfriend. Pero naisip ko rin, paano kung binigyan ko nga ng isang chance pa yung mokong at ganun pa rin ang mangyari?

“Hay! Utak ko nga naman parang buhay ko lang eh. Ang gulo!”

Nasa ganoon akong pagmo-moment when mama barged in at my room. “Anya…” she said na medyo may konting pag-aalala. Sa two weeks kasi na yun, halos nasa kwarto lang ako kapag wala na kong ibe-bake. Lalabas na lang uli kapag kakain, maliligo at kung ano-ano pang necessity sa buhay.

“Hhmm?” I ask na walang kasusta-sustansya.

“Si Carley nasa salas. Pinapasok ko na’t gusto ka raw kausapin.”

“Paki sabi next time na lang Ma. Gusto ko magpahinga katatapos ko lang gumawa ng dalawang orders ng Strawberry Shortcake.” Saka ko binuksan ang laptop ko para maghanap ng mga recipe ng cookies na gusto kong i-try.

“Xrystana.” She said full of frustrations. Si mama never akong tinawag sa buong pangalan ko kung hindi yan nagwo-worry o kaya naman galit.

I just looked at her waiting for everything she’s going to say.

“Dalawang linggo ka ng ganyan anak. Sana hindi mo na lang hiniwalayan kung ganyan lang din naman ang ginagawa mo sa sarili mo. At bakit kasi hiniwalayan mo pa? Sta. Maria Bulacan, (favorite expression ni mama) kung kelan kayo tumagal ng dalawang taon saka ka pa nagka-ganyan? Nag-desisyon kang humiwalay tapos yung sarili mo naman ang pinarurusahan mo.”

Umayos ako ng pagkaka-upo sa kama. “Ma…” ‘ba ‘yan, ‘ma pa lang nasasabi ko naiiyak na agad ako!

“Hayaan mo muna ko. Masakit pa eh. Ayoko naman lumabas at mag-pretend na okay lang ang lahat. Na okay lang ako kahit hindi. Ayokong lumabas kasi ayokong magtanong sila sa ‘kin, dahil alam ko yung break up lang naman ang magiging topic. Nung binuksan ko nga yung account ko sa Facebook kanina, halos puro “anyare?” ang nasa wall ko eh.”

“Sa tingin mo ba matatakasan mo yan? Ginusto mo yan hindi ba? Desisyon mo yan. Ang akin lang, ‘Wag mong parusahan ang sarili mo. Nakakulong ka lang dito sa bahay. Makipag-kwentuhan ka naman. Kung ayaw mong mag-kwento sa mga nagtatanong eh di huwag. Maiintindihan naman siguro nila kung yun ang gusto mo. Maghanap ka ng outlet para hindi mo naman masyado maisip yan. Sa tingin mo ba makaka-move on ka kapag andito ka lang sa kwarto mo?”

I was crying the whole time she’s talking. Pero naisip ko, tama sya. Bakit ko nga ba ‘to ginagawa sa sarili ko? Kung ako nagmu-mukmok sa kwarto, ano kaya ginagawa ni Alvin? Masaya siguro yun wala ng inaalalang jowa. I told mama to tell Carley to come at my room. She nodded and left.

After a knock, Carley let herself in. “Girl!” By the sound of her, parang masaya sya kahit nakita naman nya kong malungkot.

“Anek? [ano?] ” sagot ko habang nakatingin pa rin sa laptop.

My Super BebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon