제 12 장 : May time ka ba? Savor na!

76 0 0
                                    

Author's Note:

Ang bilis ng update ng Chapter 12 iba talaga kapag tagalog ang tina-type hahaha! Pahinga muna sa POV ni Hee Bebi sakit sa bangs eh. Enjoy reading while listening sa multimedia ^^.

>> Yey! 369 reads!

---------------------------------------------------------------------------

Day 6

Anya's POV

Ahh shet… another sakit ng ulo! Langyang soju yan hindi na talaga ko iinom nyan kahit kelan!

Kasalukuyan akong nagpapahinga sa kwarto after ng lunch. Nakahiga ako ngayon sa kama at pinipilit kong ipahinga yung sakit ng ulo ko when Carley walked in.

“Oh…” inabot nya sa kin yung pain reliever at ininom ko. “Masakit din ulo ulo kanina at alam ko ganun ka din. Di ka nagsabi kanina para nabigyan agad kita ng gamot?”

“Thank you. Uhm… Carley, about last night. Sorry kung medyo na-offend kita. Ayoko lang talaga isipin yun sa ngayon.”

“Sorry din ‘te. ‘Di ko naman meant na maging makulit. Gusto ko lang naman aminin mo sa sarili mo yun. Wag mo na i-deprive yung sarili mo na maging crush sya, wala naman masama saka sayang ang kilig. Sabi nga nila eh, savor the moment while it last. ‘Pag umuwi na tayo ng Pinas wala ng ganyan. Kaya feeeeel the moment. Si Siwon nga na hindi mo pa nakikita gusto mo ng painumin ng Atiban ‘eto pa ang hindi mo pansinin?”

Tss… Oo na, oo na. I admit. Crush ko nga sya. At tama ka, sayang ang kilig. Kelan kaya mauulit yung makita ko sya? Kaso… may ka-date na eh.”

“Wew ayan ka na naman sa drama mo.”

My phone beeped.

“Si Hee? Anong sabi?”  sabay nakitingin sa phone ko.

“Nagsabi lang na on the way na daw sila sa scheduled shows today. Kaninang umaga pa yan nagte-text. Good morning daw.”

“Talaga? Ayee!!! O di ba tulad ng sabi ko kagabi, Paano kung meron ng tama yan sa’yo? ‘Yan ba ang walang gusto? Kahit di na kailangan, nagsasabi ng lakad? Tulad kahapon, sa text nya parang ayaw ka nya magalit kaya nag-explain pa sya kung bakit hindi sya naka-text.”

“Di ko na nga nasagot yung tawag nya. Tinext ko na lang na may ginawa ako. When in truth ayoko sya makausap kasi nga nagtatampurorot ako. Okay lang ang sagot nya.”

Then my Ipod beeped.

“Si Alvin nag-message sa Skype.” Sabi ko kahit na alam kong di sya interesado kapag si Alvin na yung topic.

“Ano na naman problema ng ex mo this time?” Nakatutok sya sa phone nya at busy ka-chat ang jowa.

“Sorry daw for not being able to communicate these past few days. Busy daw sya sa work. Na-promote na nga daw kasi sya.”

She looked at me sabay irap.

“Sorry na naman? Sa two years nyo ilang beses mo na ba yan narinig sa kanya? Hanggang ngayon ba naman na wala na kayo sorry pa rin? Saka kelan ba yan ‘di naging busy pagdating sa’yo?” saka nya kinuha sa kin yung Ipod.

“Hoy hindi na nya need ng sorry mo no! In fact, she doesn’t need you anymore. May jowa na sya dito. ‘Yon kahit busy sa pagka-hallyu star nakakagawa ng paraan makausap lang sya. Eh ikaw? Sino ka ba ha? Ni wala ka nga sa kalingkingan ng jowa ni Ate Anya dito eh. Saka ano naman kung na-promote ka? Hindi na nya yan kailangan dahil mayaman ang jowa nya! At Anong karapatan mong magsabi ng sorry? Dyos ka ba ha, dyos ka ba?!” parang praning na inaway-away nya yung ipod na parang si Alvin yung kausap nya. Tawa kami ng tawa sa huling sinabi nya na ginaya pa nya sa movie ni Ate Vi.

My Super BebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon