4- Illegitimate child

4 1 0
                                    

SOBRANG attentive ni Yuno sa pakikinig sa pagkanta ni Joon, na noon ay naliligo sa loob ng banyo. Sumunod siya sa bahay nito pagkaalis sa restaurant. At ayon nga siya parang nagsa-soundtrip sa magandang boses ni Joon.

Hindi na nakakapagtaka na maganda ang boses nito dahil music lover din ito, siya man ay gumawa din noon ng boyband sa school nila nong High school siya. Siya bilang pianist at vocals, pero nang gr-um-aduate sila ay nabuwag din dahil nagkahiwa-hiwalay na silang magkakaibigan.

Palabas na noon sa CR si Joon nang malakas n'ya itong pinalakpakan kaya sa gulat nito ay na-out of balance ito, mabuti na lang ay agad n'ya itong nasalo.

Napatitig siya sa mga mata nito. Ngayon lang n'ya natitigan 'yon at may pagka-brownish pala ang magagandang mga mata nito.

"Yuno!" malakas na sigaw nito saka mabilis na umayos ng tayo. "Hindi talaga ako natutuwa sa biglaang pagsulpot-sulpot mo sa kung saan!" inis na sabi nito.

"Sorry." natatawa n'yang sabi.

"Saan ka ba galing?"

Naglakad ito papasok sa kuwarto nito at naupo sa kama habang naglalagay ng hydrating cream at lotions sa mukha at katawan nito. Aliw siyang pinapanuod ito.

"'Di naman ako nawala, nasa tabi mo lang ako, 'di lang ako nagpakita para 'di nila isiping nagsasalita kang mag-isa at nababaliw."

Pagkatapos nitong magpahid nang kung anu-ano ay niyaya siya nito sa sala nila kung nasaan ang grand piano.

"Gusto sana kitang marinig tumugtog nito, kaso mukhang imposible." sabi nito. "Kaya ikaw muna ang tagapanood ko."

Nag-thumbs up siya dito saka naupo sa sofa na malapit sa piano para panuorin itong tumugtog.

Inalay nito ang musika ni Beethoven na Moonlight Sonata para sa kanya. Nagsimula na itong tumugtog.

Sobrang galing nito dahil kahit nakapikit pa yata ito ay kaya nitong tugtugin ang piece na 'yon, napakaganda, napaka-flawless at swabeng-swabe.

Sumasali siya noon sa mga piano contest at siguro kapag isa si Joon sa mga katunggali n'ya ay baka mahirapan siyang makamit ang tagumpay.

Nagkatinginan silang dalawa, nakita n'ya itong tipid na nguniti sa kanya kaya nginitian din n'ya ito.

He looks so appelaing while playing the piano. And his heart began to beat oddly. What the heck? Napailing-iling siya. Kinalma n'ya saglit ang sarili dahil masyado siyang na-amaze sa pagtugtog nito.

Nang matapos itong tumugtog ay tumayo siyang pinalakpakan nito. Agad siyang nakalapit dito.

"Superb!"

"Thanks." tipid itong ngumiti. Napatitig siya sa mukha nito at naging erratic na naman ang heartbeat n'ya. Muli ay kinalma n'ya ang sarili and thank God dahil bumalik din sa dati ang tibok ng puso n'ya. What the ehck was that?

"I've missed playing the piano." nasambit n'ya. Hinawakan n'ya ang keys ngunit tumagos lang siya.

Nalungkot siyang muli dahil inire-remind lang n'yon na hindi na siya kailanman makakatugtog n'yon. Sana sa next life n'ya ay pianista pa rin siya.

"I think; you can use me as a medium to play the piano." mayamaya ay suhestyon ni Joon.

"How?"

"Since nahahawakan mo ako, you can direct my fingers to the keys and press it like your playing on your own."

"Puwede ba?"

Ibinigay nito ang kamay sa kanya, siya naman ay sinabihan ito na tutugtugin nila ang paborito n'yang River flows in you.

TLWS 7: YxY (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon