"WOW fresh fruits and my other favorite foods, thanks, Mom!" masayang kumagat si Yuno sa pulang mansanas at sunod ang sa double cheese burger na hawak n'ya.
Niyaya ng Mom n'ya na mag-dinner si Jiraya sa bahay nila kaso may dinner din itong pupuntahan kasama ng boyfriend at dumalaw lang daw ito sa kanya dahil may isang taon na din simula nang huli silang magkita at hindi nga daw siya nadalaw no'ng nagpapagamot siya sa States, kaya ngayon lang ito nakabisita.
Mas masaya talaga ang samahan nila ni Jiraya ngayong friends na lang sila kaysa no'ng naging "sila", na puro away at misunderstanding. Naging magkasundo din naman sila at masaya pero mas okay talaga sila as friends.
"No, hindi sa akin galing ang mga 'yan, hijo, it was from your friend named Joon, he was here a while ago but he already has left. Hindi ba kayo nagkita? I thought umakyat siya sa music room kanina?"
"Joon was here?"
Tumango ang Mom n'ya. "Yeah, the tall, handsome guy with fair flawless skin? Yes, he was here and he brought those foods for you."
He was speechless for a moment. Nagpunta ba ito sa bahay nila para suyuin siya katulad nang mga nakalipas na araw?
Oo na, inaamin na n'yang sobrang affected siya sa mga ginagawa nito sa kanya, sobrang hindi n'ya ma-explain ang nararamdaman n'ya kung anuman ang tawag sa kasayahan at pagtibok nang mabilis ng puso n'ya pero epic lang dahil imbes na magpasalamat siya ay nilalayuan pa n'ya ito. Hindi lang kasi siya sanay.
Kilala n'ya ang sarili na medyo makulit pero natatahimik siya kapag nand'yan si Joon. Lantaran ang pagpapahayag nito nang damdamin sa kanya at hindi n'ya alam kung paano siya magre-react dahil first time na may lalaking nagpapahayag ng damdamin sa kanya.
"Hijo, are you okay? Aren't you gonna call your friend to say thank you?" sabi ng Mom n'ya.
Tumango at tipid siyang ngumiti sa ina saka dinala ang ibang mga pagkain sa kuwarto n'ya. Naupo siya sa kama at hinawakan ang phone n'ya para i-text si Joon kaso naalala n'yang wala nga pala itong number sa kanya kaya sa lunes na lang.
Napahiga siya sa kama at napabuntong-hininga. Bakit hindi nagpakita si Joon sa kanya samantalang ang lapit na nga nito sa kanya? Saglit siyang napaisip hanggang sa nag-pop up sa isipan n'ya si baka dahil nakita siya nito kasama si Jiraya?
Baka na-misunderstood silang dalawa ni Jiraya? Oo, baka kaya ito hindi nagpakita sa kanya dahil ang akala nito ay may "something" sila ng kaibigan n'ya.
Napa-face palm siya at napailing. Bakit bigla siyang na-bother sa iniisip ni Joon sa kanila ni Jiraya? Ginulo-gulo n'ya ang buhok at nagpagulong-gulong sa kama. Matagal pa ang lunes!
"Yuno, you are one crazy man!" naiiling na sabi n'ya sa sarili.
HININTAY ni Yuno si Joon sa isang bench na nadadanan papunta sa building nila. Gusto kasi n'yang magpasalamat sa mga pagkaing dinala nito no'ng sabado sa bahay nila at para makapag-explain na rin sa kung anumang hindi pagkakaunawaan sa nakita nito.
Sa buong buhay n'ya, ngayon lang siya nalito nang gano'n. May gusto na rin ba siya kay Joon? Nahulog na ba siya nang tuluyan dito? How would he know?
"Are you waiting for someone?" sina Lee at Car ang nalingunan n'yang naupo sa tabi n'ya. Tipid lang siyang tumango sa dalawa. "Hulaan naming kung sino? Si Joon?" si Car ang nanghula. Hindi siya umimik.
"And silence means yes." sabi naman ni Lee.
"Masasabi mong in love ka na sa isang tao kapag nakikita mo siya ay natutulero ka, kapag nakatitig siya sa 'yo ay naco-concious ka, kapag nakangiti siya sa 'yo ay ang bilis ng tibok ng puso mo, kapag wala naman siya ay gustong-gusto mo siyang makita." sabi ni Lee.
BINABASA MO ANG
TLWS 7: YxY (Finished)
Roman pour AdolescentsWhen a lonely soul named Joon meets a real soul named Yuno and falls in love but will they become soulmates?