NAKATINGIN si Yuno sa nakapikit at nagsa-soundtrip na si Joon. Hindi naman n'ya ito ma-istorbo dahil baka magsungit na naman ito at baka mapalayas pa siya sa bahay nito.
Oo, na-amaze din siya dahil nakalabas siya sa School nila for the very first time after his eight months of lockdown inside the Music room. Nakailang subok din siyang umalis sa lugar na 'yon pero hindi talaga siya makalabas. Parang may invisible gate na nakaharang sa daraanan n'ya.
At si Joon lang pala ang sagot sa lahat ng mga dasal n'ya na makaalis doon. Hindi n'ya alam kung papaano 'yon nangyari at kung ano ang koneksyon nilang dalawa? Ngayon ay sobrang special nito sa buhay n'ya dahil naranasan uli n'yang mamuhay na tulad nang dati minus the fact that he isn't visible to anyone anymore, exclusive lang talaga ang visibility n'ya kay Joon.
Gayunpaman, masaya pa rin siya dahil may nakakausap at nakukulit siya. At kahit hindi n'ya makain ang mga pinabibili n'yang cravins tulad nang double cheese burger, crispy pata at milktea, masaya pa rin siya at iniisip na lang n'yang nakakain n'ya ang mga 'yon.
Kung alam lang n'ya na ang araw na 'yon noon ang huling araw n'ya sa mundo, dapat nagpakalunod na siya sa milktea at nagpakasawa na siya sa double cheese burger at crispy pata.
Muli siyang nalungkot sa kaalaman na kailanman ay hindi na siya muling makakabalik sa piling ng mga mahal n'ya sa buhay. 'Di man lang siya nagka-chance na makilala si Joon ng personal, palibhasa ay ahead siya ng isang taon dito.
May isa lang siyang pagsisisi sa naging buhay n'ya, 'yon ay dahil sobrang naging sensitive at pasaway siya sa mga magulang n'ya, kahit alam n'ya na gusto lang din naman ng mga ito ang pinaka-the best sa kanya. Palibhasa kapwa mga Corporate Lawyers ang nga ito kaya gusto din ng mga ito na Pre-Law ang kunin n'yang kurso.
He took up Political Science but he wasn't happy at all kaya sinabi n'ya sa mga magulang n'ya na magshi-shift siya sa Conservatory of Music ngunit tumutol ang daddy n'ya.
At sang huling alaala n'ya ay nag-walkout siya at masama ang loob na nag-maneho ng sasakyan para makalayo sa bahay nila, wala siyang destinasyon sa kung saan siya pupunta.
At ang huli n'yang naaalala ay may lalaking nakasaklay noon at patawid sa kalsada ngunit hindi ito nakatingin sa paparating na sasakyan na nasa kabilang lane—nasa kabilang lane din siya noon, nakaharap siya sa kotseng makakabangga sa lalaki.
Bumusina siya nang bumusina pero hindi naging attentive ang lalaki na laman ng sasakyan kahit sumisenyas pa siya at hindi naman agad makakabalik ang lalaking nakasaklay sa safe road dahil hirap itong maglakad kaya mabilis n'yang pinaandar ang sasakyan saka ihinarang 'yon sa kotseng makakabangga sana sa lalaking pilay.
Malakas ang naging impact nang pagkakabangga ng kotse sa sasakyan n'ya ngunit bago siya nawalan nang malay ay nakita n'yang walang nangyaring masama sa lalaki. At doon na ang huli n'yang naging alaala.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Joon sa kanya, hindi n'ya namalayan na nasa tabi na pala n'ya ito sa malaking sofa sa kuwarto nito kung saan siya pumuwesto habang ito ay nakahiga kanina sa malaking kama nito.
"Naalala ko lang 'yong mga huling sandali ng buhay ko."
Tumango ito. "At least you were a hero and you saved a life. The guy must have been thankful to you."
Tumango din siya. "I hope so."
Inilabas nito ang isang kuwentas na may maliit na piano na pendant. "This necklace was from my hero who also saved my life," kuwento nito. "Sadly, I wasn't able to thank him becaise he went abroad for intesive hospital care. And I hope he's okay now."
Napatitig siya sa magandang necklace nito. "Wow! It's cute, but you know what, I also have that kind of necklace."
Nagkibit-balikat ito. "Baka pareho kayo nang pinagbilhang store." sabi nito.

BINABASA MO ANG
TLWS 7: YxY (Finished)
Teen FictionWhen a lonely soul named Joon meets a real soul named Yuno and falls in love but will they become soulmates?