5- What would I do without you?

4 1 0
                                    

KAHIT sinabihan si Joon ng tita at pinsan nito na huwag pumasok sa School ay pumasok pa rin ito nang umagang 'yon. Wala naman itong kasalanan sa mundo, bakit ito magtatago?

At gaya nang ini-expect ni Yuno, ginawang usap-usapan si Joon ng mga estudyante sa School. May narinig pa siyang nagsabi na kabit ang mom nito at ang kaibigan n'ya naging bunga.

Gusto man n'yang takpan ang mga tainga ni Joon mula sa mga naririnig na chismis sa paligid ay hindi n'ya magawa. Ayaw nya itong masaktan pero wala siyang magawa para sa kaibigan.

"Come with me!" hinila n'ya ito at dinala sa music room, thank God at walang tao noon doon. Pagkapasok nila ay agad nitong ni-lock ang pintuan. "Can you please play a song for me? It's my birthday." pakiusap n'ya.

Bumaling ito sa kanya. Ayaw pa sana nito tumugtog dahil wala ito sa mood pero mukhang naawa ito sa kanya kaya sa huli ay tumugtog ito ng isa sa mga paborito daw nitong classical love song.

He suddenly wanted to hug and make him feel better. He wanted to shout to the world to shut up and stop gossiping about his best friend. If only he could...

Nang matapos itong tumugtog ay malakas siyang pumalakpak.

"Happy birthday." bati nito sa kanya.

"Ay 'yon na 'yon? Walang regalo o pakain?" nakangiting tukso n'ya. Hindi ito sumagot. "May absent ka na ba sa klase n'yo?" tanong n'ya na inilingan nito. "Um-absent ka ngayon, isang beses lang naman, e, pagbigyan mo na ang multong naghahanap ng birthday treat." nakangiting sabi n'ya.

Mabilis n'ya itong nilapitan saka hinila palabas ng music room at mabilis na naglakad at pagkalabas nila ng Campus ay inutusan n'yang pumara ng taxi si Joon pagkatapos ay nagpadala sa isang lugar kung saan malayo sa ingay at chismis.

SA TOP Hills dinala ni Yuno si Joon, isang magandang lugar 'yon sa Manila na tahimik, presko, relaxing at effective na lugar kung saan puwedeng makalimot ng problema.

Bumili muna sila ni Joon ng foods sa nakitang maliit na grocery store na malapit sa top hills pagkatapos ay dumiretso na sila sa lugar.

Sa tuwing nalulungkot siya noon ay doon siya nagmumuni-muni. Na-diskubre lang n'ya' yon nang gusto n'yang magpakalayo-layo sa bahay nila para makahinga.

Dumipa siya saka dinama ang preskong hangin sa paligid, pero syempre ay sa isip na lamang ny'a nararamdaman ang ginagawa dahil hindi na siya tao para gawin ang mga bagay na 'yon ngayon.

Nang balingan n'ya si Joon ay gumaya pala ito sa ginagawa n'ya, nakapikit ito habang dinadama ang preskong hangin na yumakayap sa katawan nito. Kanina ang stressed ng mukha nito ngayon ay naging payapa na.

Napalingon ito sa kanya nang mag-hum siya ng isang magandang kanta na for sure ay tinutugtog din nito sa piano. Naupo ito sa bangko na di-kalayuan sa kinaroronan nila nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Mayamaya ay sumabay na rin ito sa pag-hum. Tinabihan n'ya ito sa bangko habang sabay na silang nagha-hum ng magandang melody.

Nang matapos silang mag-hum ay napangiti siya. "Ang sarap sa pakiramdam dito, 'no?" sabi n'ya na mabilis nitong tinanguan. "How are you feeling?"

Bumuga ito ng hangin. "I feel a lot better." Saglit itong tumayo at may kung anong kinuha sa damuhan pagkabalik nito ay may dala na itong isang piraso ng wishing flower, 'yong hihiling ka tapos hinihipan.

"Happy birthday, Yuno." bati nito sa kanya saka ito tipid na ngumiti.

"Salamat." sagot n'ya saka siya nag-cross fingers, dahil ang totoo n'yan, gawa-gawa lang n'ya 'yong birthday na sinasabi n'ya, gusto lang n'yang tulungang makalimot si Joon sa mga iniisip nito. Saka na lang siya magtatapat kapag hindi na mabigat ang inisiip nito.

TLWS 7: YxY (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon