6- Huwag kang aalis

3 1 0
                                    

NAGULAT si Joon nang makita ang mga magulang sa loob ng kanilang tahanan. Nakita palang n'ya ang sasakyang na nakaparada sa garahe nila ay kinabahan na siya.

And what are they doing here? Hindi pa ba sapat ang stress na ibinigay ng mga ito sa kanya? Kuntento na siya sa tahimik n'yang pamumuhay pero nagulo dahil sa rebelasyon ng mga ito.

Nakita n'yang nakaupo sa sofa sa living room ang mga ito at nang makita siya ay agad siyang sinalubong ngunit mabilis siyang lumihis at akmang aakyat na siya ng hagdan nang hawakan ng Mom n'ya ang braso n'ya.

"Ayokong mas lalong mapagulo ang buhay mo, anak, kaya sinabi ko na ang katotohanan." pauna nito. "For sure, kapag galing sa iba ang balita ay baka madagdagan pa at mas lalong maging malaking problema."

"Son, listen to us, we didn't mean to hurt you by telling to the whole world about your existence, we kept you for privacy dahil ayaw ka naming masaktan pero dumating na ang tamang oras para i-reveal ang katotohanan dahil sa mga paparazzi. Please, understand us." sabi naman ng Dad n'ya.

"'Di n'yo pa nga naaayos ang meron sa unang pamilya n'yo, then this..."

"Who told you that I'm not okay with my family? Adelaida and I are friends at kaya ka lang namin itinago ay for privacy mo lang talaga ang iniisip namin hindi dahil sa kung anupaman, you are a legal Solomon, son, and your siblings wanted to meet you soon, kapag nag-bakasyon sila dito sa 'Pinas." paliwanag ng Dad n'ya

"Sorry kung wala kaming masyadong time for you, hijo, but we are always thinking of you. And you don't need to be embarassed because you felt that you were an illigitinate child, you are a real Solomon and your sisters would want to meet their handsome brother even your tita Ade," lumapit ang Mom n'ya saka nito hinaplos ang kanyang pisngi. "I know, magulo ang buhay mo with this sudden revelations but don't worry, we'll fix this, okay?" Hindi siya sumagot.

"I need to rest." sagot n'ya, na tinanguan na lang ng mga magulang n'ya.

Tuluyan na siyang umakyat papunta sa kuwarto n'ya. Tahimik lang na nakasunod si Yuno sa kanya. Nang makarating siya sa kuwarto ay napabuga siya ng hangin at humiga sa kama.

"Give them a chance, Joon, and I think, they didn't mean to hurt you." tumabi ito sa kama at naupo. Hindi siya sumagot. "Isipin mo na masuwerte ka pa rin dahil kasama mo pa ang mga magulang mo, hindi tulad ko." nalungkot ang hitsura ni Yuno. Naawa din tuloy siya sa kaibigan. "Isipin mo na ginawa nila ang lahat nang 'yon dahil may mabigat silang dahilan at ginagawa nila ang lahat para mabigyan ka nang magandang kinabukasan, intindihin mo na lang sila. Nabuhay ka at nagkaroon nang magandang buhay dahil sa kanila, so be thankful. Always see the bright side of the story.

"Hindi naman ikaw ang nasa kalagayan ko."

"'Yon na nga, e, kung nasa lugar kita, gagawin ko ang mga sinasabi ko dahil alam ko na ngayon kung paano pahalagahan ang mga tao sa paligid ko at ang pagmamalasakit nila sa akin. Dahil kung alam ko lang na maaga akong mawawala sa mundo, 'di na ako nagpasaway pa." nakita n'yang tumulo ang luha sa mga mata nito kaya agad na tumalikod sa kanya at nagpunas. "If I would be given a chance again, I won't be careless again."

Akmang hahawakan n'ya ang balikat nito ay nakita n'ya itong nagiging blurry sa paningin n'ya. Mabilis siyang napaupo sa kama. What is going on?

"Are you even listening?" mayamaya ay tanong nito.

"You are—" hindi na n'ya itinuloy ang sasabihin dahil nakita n'yang normal na uli ito sa paningin n'ya.

Hindi n'ya alam kung mga mata n'ya ba ang nagka-problema dahil mukha namang walang nangyaring kakaiba dito.

"What?" tanong nito.

"Wala."

Napabuga ito ng hangin. "Gaya nang sinabi ko, forgive and forget. Everyone deserves a second chance and never close your heart and mind to them, after all, they're your family."

"I'll sleep." sagot n'ya saka muling nahiga at nagtalukbong ng kumot. Ngunit lahat ng mga sinabi ni Yuno ay tumatak sa isipan n'ya and he said well enough.

MUKHANG tulog na si Joon. Napabuntong-hininga si Yuno at napailing na lang bago tumayo sa kama.

Akmang maglalakad siya para magtungo sa sofa nang biglang napansin n'ya na parang naglalaho ang mga braso n'ya. Kinabahan siya. What is going on with him?

Ito na ba ang oras na kukunin na siya ng langit? Nalungkot siya dahil kung ganon ay iiwan na n'ya si Joon, gusto pa sana n'ya itong makitang magkaayos kasama ng pamilya nito.

Gayunpaman, kung magkataon mang ito na talaga ang oras n'ya, nagpapasalamat pa rin siya dahil kahit multo na siya ay nagkaroon pa siya ng kaibigan sa katauhan ni Joon.

Mami-miss n'ya ito at ang nabuon nilang friendship. Bumaling siya sa natutulog na si Joon. "If ever mawala man ako anytime, masaya akong maging kaibigan ka, Joon. Sana ay lagi kang maging masaya."

KINABUKASAN ay nagulat si Yuno dahil pagkagising palang ni Joon ay nagmamadali itong lumapit sa kanya saka siya niyakap nang mahigpit.

"Bakit? Masama ba ang naging panaginip mo?" tanong n'ya.

Tumango ito. "Akala ko tuluyan ka nang nawala at naglaho, Yuno." kumalas ito sa pagkakayakap saka hinawakan ang magkabila n'yang balikat. "Hindi ka pa naman aalis, 'di ba?"

Ayaw n'yang ikuwento kay Joon ang tungkol sa nakita n'yang pagbabago sa sarili kagabi dahil baka mas lalo lang itong malungkot.

"Hindi pa hangga't hindi pa kayo nagkakaayos ng pamilya mo." nakangiting biro n'ya.

"Kung gano'n 'di na ako makikipag-ayos sa kanila."

"Sira!" magaan n'yang tinuktukan ang ulo nito.

"Naliwanagan ako sa mga sinabi mo kagabi, and I'm willing to give them a second chance." sabi nito na ikinatuwa n'ya.

"That's good!"

"Pero huwag ka munang aalis, ha, Yuno, promise me..."

"Hindi pa nga, kulit!" natatawang sabi n'ya.

TLWS 7: YxY (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon