One

16 1 0
                                    

- One -

*PAAAKK* Aba ! Bwisit to huh ? Batukan ba naman ako.

" ARAYY !! NAMAN ! BWISIT KA !! " sigaw ko sakanya. Nagpoker face lang sya , nangalumbaba at tinititigan ako.

" Ano nanaman ? Makatitig ka parang lalamunin mo na ako ng buhay ! Tsk ! " inismiran ko sya at kumain na ng sandwich.

" Kasi kanina pa kita kinakausap, parang tanga ka lang na nakatitig sa kung saan ? Parang eng-eng lang-- "

" Grabe !! Eng-eng ? Agad-agad ? " inubos ko na yung sandwich at nilagok yung coke na nasa harapan ko.

" Oo kulang na lang tumulo na yung laway mo ! Sino ba tinitignan mo ? " sabi nya at nilingon yung kaninang tinitignan ko ' daw '. Tinignan ko rin , kaso lumingon sya dun sa kanan , samantalang sa bandang kaliwa ako nakatulala kanina.

" Kaya palaaa !! " sigaw nya at nagpitik pa ng kanyang mga daliri.

" Anu nanaman ? Tigil-tigilan mo ko ! " niligpit ko na lang yung mga gamit ko.

" Crush mo sya noh ? Umamin ka !!! " sabay hawak nya sa balikat ko para pigilan ako sa pag-alis.

" Sino nanaman ? Alam mo kanina ka pa tanong ng tanong ng ganyan ? Kapag tulala ako ? Hindi ba pwedeng bangag lang ako ? Hindi yung crush agad-agad ? Anu yun miya-miya may crush ako ? Wow ! Edi Woow !! " Hindi ko nga kilala yun kung sino man yung tinutukoy nya.

" Chill ! Relax ! PMS ? " ngiti-ngiti ka pa sya tapyasan ko yang pisngi nya eik !!

" Ewan ko sayo ! Una na nga ako sa room !! Kulit mo ! " naglakad na ako.

" W-Waaiitt !! Beebb !!! " niligpit nya yung gamit nya at tumakbo. Ang bagal pa takbo na bayan ? Parang zombie sa sobrang bagal!! Kainis talaga tong Babae na toh !!

" Badtrip agad ? Peace na tayo Beebbb ! Pretty please !! " kumapit pa sya sa braso ko at nagpout pa ang bruha !

" Ewan ko sayo ! First day na first day ang lakas ng trip mo ? Sigurado bang nagshift ka talaga kasi ayaw mo nung una mong course o nagshift ka lang para may mapagtripan ka lang ? "

" My God ! Ngayon palang binabalaan na kita lubayan mo ko maawa ka naman saakin ayoko mastress ! " yaw-yaw ko sakanya.

" ~Hmm,Hmmmm,Hmmm Laaaa~ " ay tignan mo tong bruha na to naghuhum pa. Di pala nakikinig saakin. Tsk.Tsk ! Childish.

Dumaretso na lang kami sa classroom namin tutal malapit na ring magStart yung klase namin.

Pagkapasok namin ng room.

Wow !! As in Wow !!

Ang daming bagong mukha. Tsk. Tsk.

Ang daming Shifters katulad nitong bruha na kasama ko.

Siguro dami nanaman nalaglag sa ibang course esp. EDUCATION.

Yeah! May nireretain kasi silang GWA(Grade) ang kailangan ay hindi bababa sa 1.75 yun. Tapos may mga test pa yun katulad nalang ng Battery na kahit pasa ka sa GWA pero pag di mo napasa yung test malalaglag ka parin. Grabe ! Nakakastress at nakakapressure sa EDUCATION Dept. Kaya alam na ?

" Wui !! Tahimik mo dyan ? " yan nanaman sya kundi batok kalabit.

" May iniisip lang. " Ang tagal naman nito !!

" Kanina ka pa, ang lalim ng iniisip mo buti di ka pa nalulunod nyan ! " sasagot pa sana ako kaso nilabas nya lang yung dila Childish ! dinilaan nya ako. Inismiran ko lang sya. Inirapan nya lang ako at iginala na ang mga mata nya sa paligid ng biglang lumaki ang mata nya at wari nagtakip pa ng kanyang bibig.

" O.M.G !! Look girl !! Yung crush mo nandito rin ? ! Di mo ko inimform ? " naguluhan naman ako sa sinabi nya. Ako ? May Crush ?

" YAAHH !! Shuttup !! Ha.Ha.Ha ! " sabi ko at nagpeke pa ng tawa. Wala naman akong crush eik. Mangtritrip nanaman sya.

" Sya Oh !! " hinawakan nya ang ulo ko at pinilit ilingon sa kaliwang bahagi ng classroom. Ok ? Tinapik ko ang kamay nya at humarap ulit sa blackboard. Tagal naman mag10 am.

" Tsk ! Bessy ! Makinig ka huh ! " sabi ko sa mahinang boses pagtingin ko sakanya ay gusto kong matawa. Ang efic ng muka nya. Alam mo yung bata na may pinapabili sayo kaso hindi pwede tapos ipapaliwanag mo sakanya yung dahilan. Kulang na lang sakanya luha at uhog.

" Una sa lahat Hin.di ko sya ki.la.la "

" Pangalawa wa.la a.kong pa.ki.e.lam "

" At Pangatlo Hin.di ko sya CRUSH. Okay ? Maliwanag ba ? " iniisa-isa ko sa pagbigkas sakanya yan na may diin. Tinap ko pa ang ulo nya  at nginitian sya. Sumimangot lang sya. Magsasalit pa sana sya ng dumating na sa wakas ! ang aming professor.

" Good Morning Everyone! " Masiglang pagbati saamin ng aming Prof.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Author'sNote : Pasensya Slow Update xD Poor kasi kami ngayon Walang Kuryente xD Pasenysya na talaga.

- Annyeong :)

What is Love ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon