- Eight -
Mahigit isang linggo na ang nakakalipas nung pumunta kami sa Mall at maglaro sa Arcade. Normal lang ang mga lumipas na araw para sa karamihan at sakanila,pero para saakin Hindi. Bakit ? Iniiwasan ko sila, lalo na sya. Anong dahilan ? Ang hirap ipaliwanag, pero ito lang alam ko iniiwasan kong magkasakitan kami. Oo di ko pa naman sigurado kung tama ba yung iniisip ko na may something sakanilang dalawa.
Sa ngayon di nila ramdam at pinapansin pero ako kasi ramdam at pansin ko masyado silang close at masyado silang masaya kapag magkasama sila. Hangga't maaga gusto ko sila-- siya iwasan lalo na tong umuusbong na pakiramdam saakin para kay Ulan. Kung dati di ko alam kung anu yung pakiramdam ko sa tuwing nandyan sya at malapit saakin, ngayon alam ko na. Kahit isipin ko lang sya di ko maiwasang mapangiti, makaramdam ng saya at marinig ang pintig ng puso ko.
OA? Ganun talaga ? Dumadating tayo sa punto na yan. At ngayong narating ko na ang puntong iyon. Tsaka namang hindi pwede.
" Beeb~ back on earth~ " sabi nya sabay kaway sa harapan ng mukha ko.
" Anu ba yun ? Rizty ? " tanong ko sakanya at nagkunwaring nagbubuklat-buklat ng librong hawak ko.
" Naman eik! Kanina pa ako nagsasalita dito lutang ka! Pansin ko huh ? Buong linggo ka ng ganyan ? May problema ba ? Magkwento ka makikinig ako ? " sabi nya at iniusog ang upuan nya palapit saakin. Kung pwede ko lang ikwento pero hindi. Hinding-hindi. Tinignan ko lang sya ngumiti at umiling.
" Wala namang problema marahil wala lang ako sa mood buong linggo na rin kasi ako wala sa wisyo matulog, Ganun. " sabi ko na Half True at Half False. Mukha namang naniwala sya at tumango-tango saakin. Pasensya na, Rizty for the first time naglihim ako sayo. Nasabi ko na lang yan sa utak ko kasi sa unang pagkakataon ay naglihim ako sakanya.
" Alam mo kasi Besty, wag ka kasi masyadong stress. Iwas-iwasan mo yun. Dapat enjoy lang. Like me hahaha. " sabi nya at tumawa ng malakas na ikot sa apat na sulok ng aming silid-aralan. Iiling-iling lang ako sakanya. Pero nagulat na lang ako ng hampasin nya ako sa balikat.
" Aray!! Para san yun ? " takang tanong ko sakanya habang hinihimas yung pinalo nyang balikat ko ang bigat naman kasi ng kamay nito ! May bakal -_-.
" Where's the real Cream Storm ? Tell me where she is ? Who-- Oucchyy~ " ang ingay talaga kahit kailan nitong babae na to kulang ata ang isang batok dito para manahimik.
" Pinagsasabi mo ? " tanong ko sakanya ng nakakunot-noo.
" Kasi naman hindi talaga ikaw yan dun pa lang sa pagpalo ko sayo ang kilala ko kasing Cream Storm ganito dapat ang reaksyon dun. Aherm~ Aherm~ " sabi nya nagfake cough pa. Balew.
" Ittaii~ Nani~ ? Waeyo ? Waeyo ?~ " sabi nya at nagmamake-face.
" Ganun ! Ganun ang alam kong reaction mo sa pagpalo ko sayo hindi yung ' Aray! Para san yun ? ' Hindi talaga ikaw yun.. May problema ka talaga ayaw mo lang sabihin nakakatampo~ " sabi nya at nagpout..
" Kabaliwan mo alam mo yun ? Wala lang talaga ako sa mood okay ? Tsaka nagrereview ako wag ka manggulo, Shoo~ magreview ka na lang. " pagpapaalis ko sakanya.
" Not Convincing Cream Storm~ " sabi nya bago umayos ng upo at nagreview inirapan ko na lang at tinuon ang aking atensyon sa review kahit ang totoo hindi naman talaga ako nagrereview.
Totoo hindi ko nakonbinsi si Rizty sa dahilan ko kilalang-kilala talaga nya ako. Hayyts! Alangan naman sabihin ko sakanya tong pagdradrama ko dito mamiya tawanan pa ako nito.
" Guys~ "
Napatigil ako sa pagbubuklat ng pahina ng libro ng marinig ko yung boses na yun. How i miss that voice. Hindi ako tumingin kahit gustong-gusto ko. Kahit isang linggo ko ng ginagawa ito feeling ko laging kakaumpisa ko lang na gawin na di ko siya pansinin, kausapin at kahit tignan. Hangga't maaari.
BINABASA MO ANG
What is Love ?
RandomAnu nga ba ang kahulugan ng salitang " Pag-Ibig " . Anu ? Bakit ? Sino ? Paano ? Saan ? At Kailan ? Ito dadating saatin. Sa panahong bang masaya, malungkot, o walang magawa ba ? Sa panahong bang masaya, malungkot, o walang magawa ba ? Sabi nila bast...