Seven

5 0 0
                                    

- Seven -

" BEEEBB!!! " Nagitla ako ng may sumigaw ng pangalan ko. At kahit di ko na tignan kung sino man yung taong yun, kilalang-kilala ko na agad kung sino yun.

Miya-miya pa ay nakarinig ako ng yabag na tumatakbo palapit saakin. Nandito ako magisa sa classroom namin at tahimik na nagbabasa lang ng libro nagaadvance reading lang ng guluhin ako ng bruhang ito.

Nilapag ko muna yung librong hawak at tumingin kay Rizty na nasa harapan ko na nakatungo habang ang mga kamay nya naman ay nasa tuhod nya take note!  hinahingal pa sya.

" Anu ka ? Galing Fun Run ? Bakit ka ba humahangos ? " patanong ko sakanya agad naman nyang inangat yung ulo nya at tumingin saakin.

" Tao ako ! Kita mo naman diba ? May kamay at paa at higit sa lahat nakakapagsalita ! " pambabarang sabi nya saakin. Huminga muna na sya at nagsalita ulit.

" Oo ! Galing akong Fun Run CHAMPION nga ako eik! Ang saya diba ? " dagdag nyang pambabara. Wengya talaga! Hinihingal pa yan pero inuna pa ang pambabara.. Ibang klase! Inirapam ko lang sya dahil sa tinuran nya ginantihan nya lang din ako ng irap.

Nagtataka na talaga ako minsan ? Kaibigan ko ba talaga toh ? Kailan nangyari yun ? Nakakabuno sya!

" Anu ba kasi yun ? Umayos ka babatukan kita! Istorbo ka alam mo ? Nagaaral kaya ako. " sabi ko sakanya at inambahan sya ng batok nakaiwas naman sya saakin at napairap.

" Ang sasabihan ko lang naman PO sana ay Wala tayong Prof. nagkaEmergency si Sir. Hmmpp.! " pabalang nya na sabi at umirap nanaman agad naman akong napataas ng kilay.

" Yun na yun ? Yun lang ? NakipagFunRun ka para lang dun ? " tanong ko sakanya habang nakataas ang isa kong kilay.

" OPO ! Bwisit ! Si Papa Crush ko dumaan kanina sa Corridor di ko nakawayan ng maayos nawalan pa ako ng poise dahil nagmamadali akong pumunta dito para ipaalam sayo. Kainis ka! " sabi nya sabay cross arms sa harapan ko.

" Rizty on Earth. Anung silbi ng teknolohiya sa mundo kung di mo lang gagamitin. " sabi ko sakanya with 'duh-tone' sabay irap sakanya. Tinignan naman nya ako na parang ako na ang napakawerdong taong nakilala nya habang nakakunot noo.

Ang lakas makanisi nito uso naman text o kaya call di ba ?

Miya-miya nakita ko na hindi na sya nakakunot-noo .

" Ay ? Oo nga noh ? " sabi nya ng magsink-in sa utak nya yung sinabi ko.

" Pero kahit na ! Atleast nasabi ko sayo Personally di mo ba naappreciate yung ginawa ko ? Ang Bad mo talaga! " sabi nya na akala mo talaga naiirita.

" WhatEveeerr~ " sabi ko sakanya. Ayaw ko syang patulan dahil hahaba ng hahaba yun.

-*-*-*-*-*-

" Punta tayong Mall Cream! Rain! " Rizty scream from the top of her lungs napatalon naman ako sa gulat.

" Nakakagulat ka naman Riz! Maaga akong mapapa-6th feet below the ground sayo nito eik. " kung nagulat ako sa sigaw ni Rizty mas lalo akong nagulat at bumilis yung tibok ng puso ko na marinig ko yung reklamo ni Rain dahil sa pagsigaw ni Rizty. Shoot! It's happening again. This strange feeling make me sick.

" W-what the hell ? " mahinang sabi ko na lang. Hindi ko talaga maipaliwanag yung nararamdaman ko. At anu daw ? 6th feet below the ground ? Pfftt.

" Huh ? 6th feet below the ground ? " rinig kong tanong ni Rizty. Napatawa naman ako sakanya hindi nya nagets ?

" Bakit ? Anung nakakatawa ? " takang tanong saakin ni Rizty.

" Pfftt. Wala. Wala. " sabi ko sakanya ng natatawa Wengya.. Ang slow poke nga ngayon ng Bestfriend ko. Binato nya lang ako ng crumpled paper kaya napatawa na lang ulit ako. Inayos ko na lang yung mga gamit ko.

What is Love ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon