CHAPTER 01

2.3K 39 2
                                    

CHAPTER 01

'Susunduin kita, wait for me.'

Malawak akong napangiti nang basahin ko ang text n'ya. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap dahil sa busy s'ya sa banda at pag-aaral. Kaya masaya ako na susunduin n'ya ako ngayon.

Inangat ko ang tingin at nakita ang repleksyon ko sa salamin na nasa aking harapan. I have this chubby cheeks and straight long brown hair. Medyo mataba ang katawan ko pero para sa akin maganda ako. Lalo na kung nagsusuot ako ng mga dresses.

Confident ako sa aking sarili na maganda ako. Everyone is beautiful in their own way. Mas lalo lamang nadagdagan iyon dahil alam kong minahal ako ni Jericho sa anong mero'n ako ngayon.

Pinakawalan ko ang nakabarang hangin sa aking dibdib.

Hindi ko maiwasan na isipin ang relasyon namin ni Jericho. Tatlong taon na kaming magkarelasyon at sa tatlong taon na iyon, naging mabait s'ya sa akin. Wala kaming pinag-awayan kaya kailanman hindi kami naghiwalay.

May parte sa akin na nakukulangan. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito simula no'ng pumasok s'ya sa banda. Minsan mas pipiliin n'yang sumama sa barkada kaysa sa akin.

Hindi ko magawang pigilan s'ya dahil ayaw kong harangan ang kasiyahan n'ya. I'm just his girlfriend.

Hinintay ko s'ya sa loob ng boutique kung saan sinusukat ko ang bibilhin kong dresses. S'ya dapat kasama ko ngayon pero may lakad sila ng kaibigan n'ya.

“Far.”

Napalingon ako nang marinig ang kan'yang boses sa aking likuran. Dali-dali naman akong lumapit sa kan'ya at niyakap s'ya.

Niyakap din n'ya ako pabalik dahilan ng pagkapikit ng mga mata ko. Sobrang sabik na akong makasama s'ya at masaya ako na nandito na s'ya. I felt so lonely without him.

Ako rin ang kumalas sa yakap. “I miss you, Jer.”

He genuinely smiled at me and tucked the strand of my hair at the back of my ear. Sandali akong napapikit sa malumanay n'yang paghawak sa aking pisngi.

“I miss you, too. I'm sorry kung ngayon lang tayo nagkausap ng ganito,” aniya at hinawakan ang isa kong kamay. “Naging busy lang talaga sa banda.”

“I understand,” mahina kong tugon at tinignan ang pinamili ko. “Babayaran ko muna ang binili ko. Tapos pupunta tayo sa peryahan.”

Hindi maiwasan na titigan s'ya ng mga mata ko. His black hair was long fringes, dahilan ng bahagyang pagtakip ng bangs sa kan'yang mata. He's also tall, not too tall. Sakto lang ang katawan n'ya ngunit may muscles naman sa katawan.

Napakagat s'ya sa sariling labi at napabuga ng hininga. He slightly squeezed my hand.

“Far... Pupunta ako ngayon sa bahay ng kabanda ko. Gusto ko sanang isama ka para ipakilala sa kanila.”

Akala ko tuloy hindi na kami magkakaroon ng time na magsama. I'm happy to know that he wants me to introduce to his band mates.

“Sure! Basta kasama ka, okay na ako,” ngiti kong ani na ikinahinga n'ya ng maluwag, ginulo n'ya ang buhok ko.

Ayos na ang ganito kaysa naman na tanggihan n'ya ang alok ko na makasama s'ya. It's been a week since our last conversation. Hindi rin kami masyado nag-uusap sa phone, kahit text. Minsan lang mangyari iyon.

Gaya nga sa palagi kong ginagawa, inintindi ko s'ya. Ayaw kong dumating sa punto na mairita s'ya sa akin. Though hindi pa naman s'ya nairita sa akin ever since na naging kami. Tatahimik lamang s'ya at yuyuko sa aking harapan.

His Deadly Charm (Caddel Brothers Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon