CHAPTER 14

764 33 8
                                    

CHAPTER 14

My lips parted when I heard that. Damn, totoo? And looks like he wasn't joking around.

I'm so speechless, really. He just wrote a song for me. Para sa akin sobrang special na iyon. Hindi madaling gumawa ng kanta kaya nagulat ako na naglaan s'ya ng oras para gumawa ng kanta para sa akin.

Hindi makapaniwalang napailing ako at natawa s'ya sa naging reaksyon ko. Hinintay n'ya ang magiging komento ko.

"No way. Bakit ginawan mo ako ng kanta? At sa chorus banda. . ."

Napatulala na lamang ako sa mukha n'ya nang napagtanto na iyong kan'yang ginawang kanta ay iyong mga confession n'ya sa akin. Hindi ko man tanda ang ibang lyrics ay may ilang line naman na tumaga sa aking isipan.

"I already told you that I'm going to make this day special for you. Na itatrato kita na mahalaga ka kahit ano man ang negatibong bagay ang tumatakbo sa isipan mo. That there's someone who cares about you kahit iniisip mo na walang nagmamahal sa 'yo."

Hindi ko magawang iwasan ang kan'yang mga titig. Ang mga choice of words n'ya ay tila tumatak sa isipa't puso ko.

I knew from this moment that whatever I felt right now wasn't right. I shouldn't felt this way towards him because I have a boyfriend. This can't be.

Susulitin ko na lang ang pinaparamdam n'yang pagmamahal sa akin, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal n'ya. Hindi p'wedeng sumobra ang nararamdaman ko dahil hindi tama. Hindi ko kayang magloko dahil alam kong masakit iyon.

"T-Thank you for loving me, Zahiro. Pero alam mo naman na may karelasyon ako, I love him," malumanay kong saad, sinisigurado ko na hindi s'ya masyadong masasaktan sa sasabihin ko.

Ngunit kahit gaano kadahan ang pagkakasabi ko, sinaktan ko pa rin s'ya. Nakikita ko iyon sa mga mata n'ya at masakit din para sa akin na mag-reject ng isang tao.

Kaya naman mas gugustuhin kong h'wag nilang aminin ang nararamdaman nila sa akin dahil ayaw kong may masaktan sa sasabihin ko.

Hindi s'ya kumurap at tumango ng ilang beses sa akin. "I already expected that. Hindi ako magsisisi na sinabi ko ang nararamdaman ko sa iyo dahil kahit masakit, masaya ako na nakaramdam ako sa unang pagkakataon na mahal kita. You're the only woman I love."

This man deserve a woman who will love him unconditionally. S'ya na iyong klaseng lalaki na pinapangarap ng babae. I could feel the way he loves me, I couldn't explain it thoroughly. He doesn't deserve to felt pain.

Hindi ko alam kung panghihinayang ba ang nararamdaman ko dahil maling babae ang minahal n'ya o dahil hindi ko s'ya p'wedeng mahalin dahil may boyfriend na ako. Magulo na ako.

"Dito lang," saad ko kay Zahiro nang maihatid n'ya ako sa harapan ng bahay.

We did a lot of things. At sa isang araw na kasama s'ya, napasaya n'ya ako ng sobra. Hindi lamang n'ya ako napasaya sa mga lugar na pinuntahan namin, kundi dahil na rin sa mga kuwentuhan namin. He even sang for me.

"I hope na-enjoy mo ang araw natin," aniya na ikinangiti ko.

"Salamat at pinasaya mo ako ngayon. Sana maging maayos na ang lahat ngayon na nakapag-usap tayo."

Matagal s'yang napatitig sa akin bago tumango. I don't know if it was just me, but he just weakly smiled at me.

"Yeah, h'wag mo na akong iwasan 'cause I bring no harm. You two should talk, totoo kailangan n'yo iyon para malinawan na kayo sa inyong relasyon," suhestiyon n'ya.

I'm also thinking about that, but I don't think na kakayanin ko kaagad iyon. Maybe it takes time.

"I will," I smiled as I said that. He was taken aback but he immediately beamed at me.

His Deadly Charm (Caddel Brothers Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon