CHAPTER 07
Hanggang sa natapos ang klase ay hindi s'ya nawala sa isipan ko. Gusto ko s'yang alisin sa utak ko dahil nadi-distract ako lalo no'ng nag-t-take ako ng quiz kanina. Kahit papaano hindi ko nakalimutan ang ni-review ko kaya lahat nasagutan ko.
“Susunduin ka na ba ni Jericho, Baby?” tanong ni Ronah sa akin at sumabay sa akin maglakad.
Umiling ako sa aking naging kaibigan at kaklase na rin. Nakaraan lamang kaming nagkakilala pero magaan na kaagad ang loob ko sa kan'ya at gano'n din s'ya. That's why we became close to each other.
“Bakit?” hindi n'ya maiwasan na itanong iyon.
“He's busy with his school works and he's already part of the band, kaya ngayon magiging busy na s'ya lalo dahil sa practice n'ya.”
Nakalulungkot manna kaunti lang ang oras namin ni Jericho para magkita, iintindihin ko pa rin s'ya. Ayaw kong humadlang sa gusto n'ya.
“Oh?” Gulat s'yang napabaling sa akin. “Pero nakita ko s'ya nakaraan kasama ang babae na may kasing haba ng buhok mo. Nasa isang restaurant sila kumakain.”
Napahinto tuloy ako sa paglalakad at hinarap s'ya. “Sigurado ka na may kasama s'yang babae? Restaurant?”
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Ayaw kong mag-isip kaagad ng negatibo ngunit hindi ko maiwasan.
“Baka kaibigan n'ya iyon, si Narra,” sagot ko sa aking katanungan sa aking isipan. Mahaba raw ang buhok gaya ko at gano'n din naman kahaba ang buhok ni Narra.
“Pero bakit naman sila magkasama sa gabing iyon? At hindi lang isang beses,” dagdag pa n'yang sambit na mas lalong ikinagulo ng utak ko.
“Gabi?” Bakit wala namang sinabi si Jericho tungkol dito?
Kahit hindi kami nagkikita ni Jericho palagi n'yang tini-text sa akin kung saan s'ya pumupunta at sino-sino mga kasama n'ya. Wala akong alam na nagkikita pala sila ng kan'yang kaibigan.
“Hindi mo alam? Nakalimutan ko lang sabihin sa 'yo dahil nawala iyon sa isipan ko,” kunot-noong paliwanag ni Ronah na para bang naguguluhan din sa sitwasyon at sa kan'yang nakita.
Napatulala ako roon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Napansin siguro n'ya na nawawala ako sa sarili kaya iniba na n'ya ang usapan.
Ngunit bahid naman sa mukha n'ya na tila nalilito kung tama ba talaga ang nakita n'ya at kung tama ba na sinabi n'ya ito sa akin.
“Magiging maayos ka naman, ''di ba?” alanganin na tanong sa akin ni Ronah nang nakasakay na s'ya sa kan'yang kotse.
Tumango naman ako. “Don't worry about me. Kaya kong maglakad mag-isa.”
“Sabi mo iyan, ah. Ayaw mo kasing magpahatid.”
“It's okay, Ronah. Sige na at baka nagmamadali kayo,” natatawa kong ani dahil kanina pa n'ya ako pinilit na sumabay sa kan'ya.
Gusto kong maglakad-lakad ngayon para mahaba ang oras na makapag-isip-isip sa nangyayari sa akin ngayon.
Tuluyan na s'yang umalis kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. I don't feel lonely right now. It doesn't mean that if you're alone, malungkit at nakakaawa ka na kaagad. Minsan kailangan mo rin na napag-isa para makapag-isip ng maayos.
I like being alone sometimes, mas naiintindihan ko ang aking sarili sa tuwing may mga maling bagay akong ginagawa.
Tahimik at may pagkakataon pa akong damhin ang sariwang hangin at tignan ang kalikasan. Kaya gustong-gusto ko talaga rito sa San Jose. May malapad na dagat, gano'n din sa bundok at mga palayan.
BINABASA MO ANG
His Deadly Charm (Caddel Brothers Series #3)
Romance(ONGOING) (CADDEL BROTHERS SERIES #3) ZAHIRO AMO CADDEL He's almost perfect to everyone eyes, except to the only woman who became his obsession. He became interested to her, but he can't have her. The woman who became his obsession has other man. He...