CHAPTER 12
Ako nga siguro ang may mali sa aming dalawa. Siguro tama s'ya, masyado akong demanding sa kan'yang atensyon na hindi ako mapakali kung ano ang pinaggagawa n'ya habang wala ako sa kan'yang tabi.
Sinisisi ko ang lahat sa aking sarili habang nilalabas ko ang sakit sa pamamagitan ng pag-iyak ko. Kasalan ko siguro ang lahat kung bakit magulo na ang relasyon namin.
But I was deeply hurt when he left me in that place. Hindi n'ya man lang ako nilingon. Hindi n'ya ako tinext o tinawagan hanggang sa sumapit na ang tatlong araw.
Nasasaktan ako dahil hindi n'ya man lang inalam kung nakauwi na ba ako dahil pagabi na no'n. Tinanong ko tuloy sa aking sarili kung may pakialam ba s'ya sa akin. Kung masyadong nagalit s'ya sa akin kaya natiis n'ya ako.
So maybe, ako talaga ang mali sa aming dalawa.
Sinusubukan kong kumapit sa relasyon na ito dahil sa ilang taon na rin ang pinagsamahan namin. But I knew to myself that I'm slowly losing myself. Minsan sumasagi sa aking isip na buwagin na lamang ang ano mang mero'n sa amin.
“Ma, saan ka na naman pupunta?” pagod kong tanong sa kan'ya at pabagsak na umupo sa sofa.
She was busy compiling some papers when she saw me. Ngumiti s'ya nang malapad.
“Babayaran ko ang mga pinag-utangan ko anak. Madami na kasi ang pera ko,” aniya na ikinasalubong ng kilay ko.
“Kanino galing ang pera?” I seriously asked her. Nawala tuloy ang malapad n'yang ngiti nang makitang nagdududa ako sa pinaggagawa n'ya.
“Anak, naman.”
Iniwas ko ang tingin sa kan'ya. Palagi na lamang namin ito pinagtatalunan. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako na hindi n'ya magawang iwan ang lalaking naging dahilan ng pagkasira ng pamilya namin.
I almost felt my tears forming in the side of my eyes. Just now, I realize that because of love, I was deeply hurting. . . emotionally hurting.
P'wede bang hilingin na sana isang araw lang akong masaktan? Napapagod na ako na sa tuwing naaalala ko ang mga iyon ay winawarak ang puso ko, na minsan hindi ako makatulog ng mahimbing sa gabi.
My boyfriend left me without trying to fix our problems and then this. . . patuloy pa rin nakikipagkita si Mama sa lalaking naging kabit n'ya.
Ang Papa ko. . . nasasaktan ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko kung paano namatay si Papa. Saksi ako kung paano lumaban si Papa sa kan'yang sakit para sa aming dalawa ni Mama.
Minahal lang naman n'ya si Mama pero bakit gano'n ang sinukli ni Mama. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng galit ngunit kinikimkim ko lamang dahil kahit ano pa man, mahal ko si Mama.
“Anak, h'wag kang umiyak.” Umupo si Mama sa aking tabi at pinunasan ang aking luha sa pisngi.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang bumabalik sa aking isipan ang mukha ni Papa. Hanggang sa memorya na lamang s'ya at hindi ko na s'ya mayayakap pa.
“M-Maiintindihan ko po naman kung may iba ka nang mahal ngayon, Mama. Tatanggapin ko na magkaroon ka ng panibagong lalaki na mamahalin mo,” umiiyak kong saad at umiwas sa kan'yang haplos. “Ngunit hindi ko matatanggap na s'ya pa rin ang lalaking kinikita mo.”
Nasasaktan naman n'ya akong tinignan.
“Anak naman, intindihin mo ako kahit sa ganito lan—”
Mariin akong napailing at tumayo sa pagkakaupo. Hindi ko nakayanang marinig ang kan'yang sinabi.
“Hindi. Hindi ko maiintindihan kung bakit umaasa ka pa rin sa kabit mo, Ma. Mahal mo ba s'ya na hindi mo kayang bitiwan? Tuluyan na bang nawala ang pagmamahal mo kay Papa no'ng mga panahon na nakikipagkita ka sa lalaking iyon?” I painfully asked her, still afraid that she maybe love that man more than her family.
BINABASA MO ANG
His Deadly Charm (Caddel Brothers Series #3)
Romance(ONGOING) (CADDEL BROTHERS SERIES #3) ZAHIRO AMO CADDEL He's almost perfect to everyone eyes, except to the only woman who became his obsession. He became interested to her, but he can't have her. The woman who became his obsession has other man. He...