CHAPTER 10
Buong magdamag kong inisip si Zahiro dahil sa ginawa n'yang pag-stalk sa aking facebook at pati rin sa pag-amin ng nararamdaman n'ya sa akin.
Karapatan ko 'bang magsaya ngayon sa pinapakita n'ya? Bakit nararamdaman ko ang saya kapag kasama s'ya instead of Jericho? Si Jericho ang boyfriend ko pero si Zahiro ang laman ng isip ko hanggang sa lumapit BG madaling araw.
Buti na lang alas-diyes pa ang klase ko kaya hindi ako late bago ako nakarating sa school. Anong oras na rin akong nagising.
Sa sobrang occupied ng utak ko, hindi ko na nagawang nag-text ng good morning kay Jericho, bagay na palagi kong ginagawa.
I stared at my phone. In my previous messages, he no longer replying. Dinadahilan kasi n'ya na magkikita rin naman kami sa school. Why do I feel that I look like a petty woman right now?
Ngayong taon pabawas ng pabawas ang reply ni Jericho. Hindi na s'ya katulad ng dati na s'ya palagi ang unang nagme-message kahit gaano pa s'ya kabusy. Tipid na s'ya mag-reply na feeling ko sawa na s'yang gawin ang kadalasan n'yang gawain noon sa akin.
Ganito ba talaga ang relasyon kapag tumagal na? I don't know. Kahit tatlong na kaming magkasintahan ay may mga bagay pa akong hindi naiintindihan tungkol sa relasyon. Dapat ko 'bang baliwalain ang kaba na nararamdaman ko sa kan'ya? Dapat ba kabahan ako sa relasyon namin.
Ang malamig na pagtungo sa akin ni Jericho ay hindi lamang ang kinatatakutan ko sa aming relasyon. Natatakot ako na baka hindi na ako magiging masaya sa relasyon na ito. Natatakot ako na baka nagkagusto na talaga ako sa ibang lalaki.
I'm in front door of music room right now. Nagdadalawang isip pa kung papasok ba ako dahil baka nando'n si Zahiro.
Ngunit ano naman kung nando'n s'ya? Si Jericho ang pinunta ko rito. Bukod sa gusto kong kumustahin si Jericho, I have something to tell him.
Hindi ko tuluyan nabuksan ang pinto nang may ibang bumukas dito. Napatitig ako nang matagal sa kan'ya.
“Narra.”
Mukhang gulat din s'yang makita ako rito. Nanlaki kasi ang mga mata n'ya at tila nakakita ng multo. I don't know if it was me or not, para s'yang kinabahan.
Agad n'yang isinara ang pinto saka ako ngitian. “Nandito ka pala, Babykel. Si Jericho ba punta mo?”
Matagal akong napatitig sa kan'ya. Her lips was quivering in fear. And I don't think her smile was genuine. Why she's forcing herself to smile at me?
Tumango ako nang dahan-dahan. “Nandiyan na mga kabanda n'ya?”
Medyo kinakabahan din ako na baka silang dalawa lamang nasa loob. Hindi ko alam kung bakit ito kaagad ang pumasok sa utak ko.
“Oh, yes, nand'yan na sila,” aniya at napatawa pa. Siguro napansin n'ya na masyadong awkward ang nasa pagitan namin.
Tumango lamang ako at hinintay na umalis s'ya. She slightly smiled at me.
“Alis na ako.”
“Okay,” I only responded at her and I only stared at her back as she walked away.
There's something on her behavior. Kaya naman agad akong pumasok sa music room.
Nasa mahabang sofa ang mga kabanda ni Zahiro. Abala sila sa kanilang mga cellphone at mukhang nagpapahinga.
Nakahiga si Kertian sa mahabang sofa habang nakaupo sa nagkabilang arm rest si Addan at Allen. Hindi ko nakita si Jericho at Zahiro.
“Babykel!” tawag bigla ni Kertian nang makita ako, agad s'yang napaupo sa pagkakahiga. Nilahad pa ang sofa sa kan'yang tabi para paupuin ako. “Manonood ka ng practice namin?”
BINABASA MO ANG
His Deadly Charm (Caddel Brothers Series #3)
Romance(ONGOING) (CADDEL BROTHERS SERIES #3) ZAHIRO AMO CADDEL He's almost perfect to everyone eyes, except to the only woman who became his obsession. He became interested to her, but he can't have her. The woman who became his obsession has other man. He...