CHAPTER 38
Sumandig si Zahiro sa headboard ng kama. Hinila niya ako papalapit sa kanya, kaya napaupo ako sa kanyang kandungan. He kissed my forehead.
“It's an engagement proposal, baby, and you don't have to say sorry. Bukas sana magpopropose ako, but it's no longer a surprise since you already saw the ring,” aniya habang napakamot sa batok.
“Ask me.”
“Huh? Bakit?” takang tanong ni Zahiro.
“Magpropose ka na kaagad sa akin ngayon, kaya tanungin mo na ako,” sabi ko at ibinigay ang kanan kong kamay.
His flushed lips parted slightly as he nervously gulped. I could see the nervousness in his eyes, but they sparkled with excitement and joy.
“Pero bukas pa ang venue kung saan sana ako magpopropose, sweetie," he slowly said, as if processing what was happening right now. "I want you to feel special tomorrow. Gusto kong maranasan mo kung paano ako humingi ng pahintulot na pakasalan ka.”
My heart raced uncontrollably, as if it had a mind of its own. Even after all this time, he still had the power to drive me wild. I leaned in, pressing my lips softly against his, and when I pulled away, a sweet smile lingered on my face, the warmth of the moment wrapping around us both.
“Pero gusto kong magpropose ka na kaagad sa akin. Hindi naman ganon kaimportante ang lugar kung saan yayain mo akong magpakasal. All I need is your sincerity, at kung gaano mo ako kagustuhing pakasalan,” I slowly said to him and reached for his hands.
“You already proved yourself to me for a long time, at nagawa mo na akong pahulugin sa 'yo ng sobra, Zahiro. I don't think I could marry someone other than you. You are so precious to me, Zahiro."
Iyong mga mata, ilong, at mga labi ni Zahiro; saulado ko na yata ito sa ilang minutong nakatitig ako rito habang sinasabi kung gaano ko siya mahal at kung gaano siya kahalaga sa akin.
Pasalit-salit ang kanyang tingin sa aking mga mata at labi hanggang sa unti-unting namumula ang kanyang mga tainga. Tuluyang kumurba ang kanyang mga labi sa isang ngiti habang kinakagat-kagat ang ibaba ng kanyang labi.
"Really, sweetie? I'm the only husband that you want, right? I'm the only one for you," bulalas pa niya na parang nawawala sa sarili. Ang mga sinabi ko sa kanya ay tila hindi kinaya ng kanyang sistema.
"Oo na, Zahiro. Tanging ikaw lang at wala nang iba pa," ani ko upang bigyan siya ng katiyakan, nang sa ganoon ay hindi siya mag-isip na may papantay sa kanya.
Namumula na ang kanyang mga labi sa ilang ulit na pagkagat niya rito. Yumukod ang kanyang ulo, nakatagilid habang ngumiti siya sa akin.
"I only want you too, baby. No one can replace you, even in our lifetime. I'd still love you eternally."
Ang mga kamay kong hawak niya ay dinala niya sa kanyang mga labi, at isang masuyong halik ang pinapatak-patakan niya.
Parang lalabas na ang baby namin dahil sa kanyang pinapakitang mukha ngayon. Nagwawala ang puso kong kanina pa kumakabog ng mabilis dahil sa aking mga narinig.
Pigil ang hininga ko habang dahan-dahan niyang isinusuot ang singsing sa aking daliri; bawat galaw ay maingat, parang gusto niyang damhin ang sandaling ito at siguraduhing hindi ito malilimutan.
Hindi naman ako nasaktan o nalungkot, ngunit namalayan ko na lamang na tumutulo ang mga luha ko papunta sa aking pisngi.
Doon ko lang din napagtanto na sumisikip ang dibdib ko sa saya. I looked at him with my teary eyes, but with a smile on my lips. He chuckled while wiping my tears away.
BINABASA MO ANG
His Deadly Charm (Caddel Brothers Series #3)
Romansa(ONGOING) (CADDEL BROTHERS SERIES #3) ZAHIRO AMO CADDEL He's almost perfect to everyone eyes, except to the only woman who became his obsession. He became interested to her, but he can't have her. The woman who became his obsession has other man. He...