CHAPTER 04
Maaga akong nagising para makaabot ako sa practice nila Jericho at makapag-review na rin sa quiz. Mas maiging maaga magising para maraming oras ang gagamitin ko.
Naabutan kong nagluluto si Mama sa kusina. She always cooked for us. Sabay naman kami minsan kumakain kung hindi lang ako nagmamadali.
I could see her tired eyes, tila namamaga rin ang mga mata n'ya. Ngunit nagagawa pa rin n'yang mag-asikaso ngayon sa akin. Alam kong gusto n'yang magkaayos kami at kahit papaano makabawi s'ya.
She felt guilty because she knew very well that she's one of the reason why her husband left us, iyong hindi kailanman babalik pa.
Naging dahilan din ito kung bakit humantong kami sa ganito. Kung bakit medyo nagiging malayo na ako sa kan'ya.
Lumapit ako hapag-kainan, malapit sa kan'yang kinaroroonan. Hindi pa n'ya ako napansin no'ng una dahil tila malalim ang iniisip n'ya ngunit nang humarap s'ya sa akin doon na s'ya nagulat sa aking presensya.
Agad din naman s'yang nakabawi at ngitian ako nang malapad. Acting like we didn't argued yesterday.
“Nand'yan ka na pala, anak, hindi mo ako tinawag.” Hinango n'ya ang niluluto n'yang sunny side up egg sa kawali at inilagay sa malinis na babasaging plato. “Sakto at tapos na ako sa pagluluto. May fried rice na rin akong niluto para sa atin. Kain ka na, anak.”
Tinignan ko ang pagkain na niluto n'ya sa lamesa. Maingat akong umupo sa upuan at inangat ang tingin sa kan'ya.
Wala pa ring nagbago kay Mama. She's still looked young and her beauty didn't fade. But her eyes are telling me that she's suffering. At hindi ko naman s'ya natiis dahil do'n.
“Sabay na po tayong kumain, Ma,” aya ko na rito at iniwas ang tingin. I couldn't stand seeing her like that. I started to eat my meal.
“Sige, anak.” Umupo na rin s'ya sa harapan ko.
Nahuli kong tumaas ang dalawang sulok ng labi n'ya at kumuha na rin ng pagkain sa harapan. Her mood suddenly lightened in just a snap. Para bang nawala na ang pagod n'ya dahil sa sinabi ko.
Tinatanong n'ya ako tungkol sa school at sinasagot ko naman s'ya. Hindi ko nga lang kayang i-express na nagustuhan ko rin ang pag-alala n'ya sa akin. Matagal na rin kasi akong hindi nakikipag-usap ng ganito katagal. Mas gugustuhin ko kasi na magbasa at manood ng pelikula.
Lumayo ang loob ko sa kan'ya. Gusto kong balikan ang pinagsamahan namin pero sa ngayon, hindi ko pa kaya. But I hope it won't take too long for me to getting close with her.
Batid kong iniiwasan din n'yang pag-usapan ang nangyari kagabi. At hindi ko rin alam ang gagawin ko kapag inungkat pa ang tungkol do'n.
Dumating ako ng maaga sa eskwelahan at unang pumasok sa isipan ko ay makikita ko ang banda. Sigurado akong nasa music room na si Jericho kasama ang mga kabanda n'ya. Lalo na si Zahiro.
Sinubukan kong kalimutan ang mga kakaibang kilos kahapon ni Zahiro. I'm uncomfortable with his stare but I knew to myself that he had an effect to my system. And it's not good.
Mahaba ang lalakarin ko kaya naman naglalakad ako, nagre-review na rin ako sa quiz namin.
Medyo mahirap ang lesson pero sinusubukan kong intindihin ng mabuti. Napabuntong hininga ako nang makaramdam ng pagod sa paglalakad.
Naiinitan na rin ako dahil bukod sa kaliligo ko lang, nakalugay ang mahaba kong buhok. Ayaw ko namang itali na basa pa ang buhok ko.
Sinuklay ko na lamang ang buhok kong humaharang sa mukha ko. Inilagay ko sa kanang balikat ko ang mga buhok ko para hindi sagabal.
BINABASA MO ANG
His Deadly Charm (Caddel Brothers Series #3)
Romance(ONGOING) (CADDEL BROTHERS SERIES #3) ZAHIRO AMO CADDEL He's almost perfect to everyone eyes, except to the only woman who became his obsession. He became interested to her, but he can't have her. The woman who became his obsession has other man. He...