CHAPTER 08
I couldn't stop myself from laughing at him hanggang sa nakalabas kami ng Mall. Sinusundan nga n'ya ako dahil sumabay na naman s'ya sa akin sa pag-uwi.
Hindi tuloy maipinta ang mukha n'ya dahil sa nangyari kanina. Hindi s'ya makatingin sa akin. Namumula ang leeg at tainga n'ya.
Dumaan muna kami sa milktea shop para bumili. Magbabayad na sana ako pagkatapos naming makuha ang milktea nang s'ya mismo ang naglapag ng isang libo sa cashier.
“Do you have a special flavor of milktea?” seryosong tanong ni Zahiro at saka binigay sa akin ang choco milktea na hindi ako tinitignan.
He's talking to a man which is the cashier. Kasing edad yata ni Zahiro ang cashier. Baka nagpa-part time job.
“Yes, Sir,” kabadong sagot ng cashier at tinignan ako saglit sa tabi ni Zahiro saka umiwas din ng tingin. “I-Ito po ang menu, Sir... Ma'am.”
Ibinigay naman ng lalaking cashier ang menu sa akin kaya nagtaka ako at nagulat na rin. Eh, hindi na ako bibili at si Zahiro dapat n'ya binigay dahil s'ya itong nag-order.
Kukunin ko na sana para ibigay ulit kay Zahiro ngunit naunahan na n'ya ako. Hinablot n'ya ito at tila hindi n'ya nagustuhan na sa akin mismo nilahad ang menu. Hindi naman ako ang bibili dahil kanina pa binayad ni Zahiro ang milktea ko saka naman s'ya bibili ulit.
Sinilip ko tuloy ang mukha ni Zahiro. Lumala lamang ang kaseryosohang mukha n'ya. Nagdugtong ang mga kilay n'ya habang tila kinikilatis ang lalaking kaharap namin.
“Bakit sa kan'ya mo ibibigay ang menu? Ako ang nag-o-order dito,” inis na sambit ni Zahiro na ikinataranta ng lalaki.
“R-Right! S-Sorry, akala ko bibili si Ma'am.”
“Ako ang bibili para sa kan'ya,” magaspang na pagtatama ni Zahiro.
Hinampas ko tuloy s'ya ng mahina dahil mukhang kinabahan din ang lalaki sa mga titig pa lang n'ya. Hindi lang pala nakakamatay sa kilig ang titig n'ya, mukhang nakakamatay rin sa kaba.
Inis pa rin ang kan'yang mukha nang lingunin ako. “What?”
Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata. “H'wag mo s'yang tinatakot. Anong what-what ka d'yan?”
Napaasik lamang s'ya at mabilis na nag-order ng milktea ulit. Mukhang binabantayan pa n'ya ang cashier kung sakaling magkamali ulit ito hanggang sa nakuha na ni Zahiro ang supot ng milktea.
“C-Come again sir and Ma'am. ”
“Tsk. Hindi na kami babalik,” bara ni Zahiro sa lalaki na wala namang ginagawang masama at tuluyan na akong hinila para makalabas sa milktea shop.
Hindi ko talaga maintindihan si Zahiro. Gusto ko tuloy s'yang sabunutan sa pinakita nitong ugali. Hinampas ko na lamang ulit ito at umilag lamang s'ya pero natamaan pa rin s'ya.
“Hey, what's wrong, Baby?” Hinarang n'ya ang braso sa kan'yang dibdib para sanggaan ang iilang hampas ko rito.
Napatigil ako sa aking ginagawa at sinamaan ito ng tingin. Naiinis ako. Bakit parang may kakaiba sa boses n'ya nang sinambit n'ya ang nickname ko?
Unti-unting tumaas ang sulok ng labi nito na tila namamangha sa kan'yang nakikita ngayon.
“Nasasanay ka na, ah. Inaaway mo na ako ngayon. Magiging kawawa na pala ako nito.”
Kahit kating-kati na ako hampasin ito sa kalokohan n'ya ay mas maiging pigilan ko at baka lumala lamang ang inis ko sa kan'ya. At saka, close ba kami para hampasin ko s'ya?
BINABASA MO ANG
His Deadly Charm (Caddel Brothers Series #3)
Romance(ONGOING) (CADDEL BROTHERS SERIES #3) ZAHIRO AMO CADDEL He's almost perfect to everyone eyes, except to the only woman who became his obsession. He became interested to her, but he can't have her. The woman who became his obsession has other man. He...