CHAPTER 05
Natahimik si Naroah sa sinabi ni Zahiro, kahit ako hindi makapagsalita. Mukhang silang dalawa lang ang nakakaintindi no'n at ako naman ay walang kaalam-alam.
Hindi na lamang akong nag-abalang tanungin sila. Sa klase pa lang ng tingin ngayon ni Zahiro ay tila hina-hypnotize na ako. Nagbigay iyon ng nginig sa aking katawan at parang katapusan ko na ang lahat.
I shouldn't feel this way towards him. It's not right, at natatakot ako na lumala pa ang nararamdaman kong ito.
My mind already warned myself that once I involve myself to him, I wouldn't be able to escape from him.
Nilunok ko ang laway na nakabara sa aking lalamunan at umiwas ng tingin sa kan'ya. Naroah keep on asking him some random questions, and I think ginawa n'ya lang iyon para iwasan ang seryosong usapan. Naroah doesn't like serious topic that much.
Magiging uncomfortable ako kung hindi kaagad ako tatakas ngayon. But why it is hard to escape from his stare?
Huminga ako nang malalim para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko sa kan'ya. Ayaw kong isipin kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa kan'ya. In order to stop this tension, I should stay away from him.
Nagbilang ako ng limang segundo bago hinarap si Naroah. Ayaw ko s'yang tignan at baka manginig lang ako sa nerbyos.
“Pasensya na, Naroah, mauuna na ako. Let's talk some other time.”
Iyong wala nang sagabal.
Hindi na nagtaka pa si Naroah at tumango. He even smiled at me like cheering me up that I could make it passed the quizzes later.
“Kaya mo iyan, Bab— aray!” Napangiwi at napabaluktot ang tagiliran n'ya nang may ginawa si Zahiro sa gilid ng baywang n'ya.
Pinanlakihan s'ya ng mga mata ni Zahiro at hindi pa rin inaalis ang kamay sa tagiliran ni Naroah.
He was so obvious right now, and that makes me scared. Ayaw kong mapansin n'ya ako at tignan ng kakaiba. Kailan man hindi ko nabalitaan na may hinahabol s'yang babae.
Ayaw kong manatili roon at gusto ko nang tumakas. Kaya nang makakita ako ng tricyle na papunta sa itaas kung saan ang mga departments ay agad akong pumara.
Rinig ko pa ang pahabol na pagtawag ni Naroah sa aking pangalan. I didn't mind him.
Hindi na ako lumingon at nag-aksaya ng panahon. Mabilis akong pumasok sa tricycle sa likuran banda at kasabay no'n ang pagharurot ng sinasakyan ko.
Hawak ang taas-baba kong dibdib, pinakalma ko ang dibdib kong gusto lumabas na sa sobrang lakas ng pagkabog nito.
Tinignan ko sa salamin sa itaas kung saan makikita ang mga estudyanteng naglalakad. Ngunit isa lamang ang agaw pansin sa mga mata ko, hindi na sila naglalakad ni Naroah at nakatingin lamang sa papalayo kong tricyle.
Seryoso s'yang nakatanaw sa akin. Kahit sa malayo, nagagawa pa rin n'yang bigyan ako makahulugang tingin.
It was like he's telling me that I couldn't escape from him. Na kahit saan man ako magpunta, hahanapin pa rin ako.
Buti na lang hindi gano'n kagrabe ang intensidad ang binibigay n'ya sa akin. Muntik na akong mawala sa reyalidad at buti na lang sakto ang binayad kong pamasahe sa driver, at nakarating ako sa music room na hindi naliligaw.
Really, I should stop thinking about him. I felt like I'm cheating on my boyfriend if I kept on thinking some other man.
Ine-expect ko na madadatnan ko si Jericho rito dahil nasabi n'yang mauuna s'ya rito. At nandito nga s'ya, nakaupo sa harapan ng piano na tinutugtog n'ya. Ngunit kaagad akong natigilan sa aking kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
His Deadly Charm (Caddel Brothers Series #3)
Romance(ONGOING) (CADDEL BROTHERS SERIES #3) ZAHIRO AMO CADDEL He's almost perfect to everyone eyes, except to the only woman who became his obsession. He became interested to her, but he can't have her. The woman who became his obsession has other man. He...