CHAPTER. 3

6 1 0
                                    


Napatingin ang lahat sa señoritang nawala sa pag iisip. Hindi sila makapaniwala na may ginawa pala itong plano labing dalawang taon na ang nakakalipas. Minabuting lapitan ni Jen ang kaniyang anak at hinawi ang luha sa mga mata.

" Princess, " at bahagyang hinawakan ang mga palad ng kaniyang anak. " Hindi namin alam kung anong plano mo noon pero pakiusap lumaban at magpagaling. Hinihintay ka ng anak mo. Nangungulila na siya sayo. Tama na ang pagluha mo. " Wika pa niya.

" Ako na ho sa kaniya Mama Jen at kailangan na niyang magpahinga. Kung sakaling humingi ako ng pabor, pwede niyo ba akong tulungan?" Aniya Leandro IV at tinitigan ang mga De la Vega at Fuentaverdes na nakaupo sa sofa.

Nagkatayuan sila ng bahagya at umuling na tila sumasang ayon sa pakiusap niya.

" Papa, naalala niyo ba yong sinabi namin ni Alex bago sumabog yong kotse sa tapat ng simbahan?" Usisa ni Maria Charllotta.

Napakamot bahagya si Señore Carlos at tumugon. " Oo, at nangyayare na ngayon yon. Noong isang araw ay may natagpuang bangkay ng dalaga at nawawala ang laman. Nakakatakot na talaga kapag may anak kang dalaga. Leandro IV, napaturuan mo na ba si Ally ng self defense?" Usisa nito.

" May ensayo siya kapag umuuwi sa bayan ko. Doon muna siya pansamantala at natatakot din ako. " Tugon niya at paakyat na sa hagdan.

Maririnig na lamang ang mga ingay mula sa labas. Papasok na ito ng pintuan.

Bubungad sa kanila ang tatlong binata na galing ng pitasan. May dala silang basket na puno ng mga pinamitas nilang prutas.

" Good morning ho. Hi papa, " bahagyang lapag ng basket na dala nito at bumati.

" Ryllex, nandito si Ally, hindi mo ba siya kakamustahin?" Panimulang asar ng papa Athane niya .

Kakamot ng bahagya ang binata at lilingon sa paligid. Mapapansin naman niya ang mga envelop sa mesa.

" Ano pong mayroon at mukhang may nangyareng kakaiba?" Usisa ng binata.

" Papa, si Sabel ay nag chat sa akin. Gusto niya raw tumungo rito. " Paalam naman ni DJ sa papa Diego Yhune.

" Pa, may mangyare ho ba?" Usisa naman ni Kyllex.

Nagsialisan ang mga De la Vega sa sofa at tanging si Mang Jeno at Herrovanni ang naiwan. Kasama nila ang ilang Fuentaverdes.

" May impormasyong dumating at sinasabing buhay sina Thallia at Malea. Hindi pa rin matukoy kung saan ito nagmumula. Ang tanging hiling ko lang ay bumalik na si Athena para malaman niya ang nangyayare. " Wika ni Sir Athane.

" Talaga, papa?" Pagkasabik ng mga binata.

Tumayo sina Mang Jeno at ang kambal nito. Dumiretso sa bandang pool ang magkambal dala ang envelop na pinadala kay Leandro IV.

" Hindi ko siya makuntak. Hindi rin online sa social media accounts niya. Nag aalala na ako kay Athena. Nakakakain kaya siya ng maayos? Saan kaya siya tumuloy?" Pag alala na naman ni Sir Ethane.

Lalapit si Sir Yjune na noo'y sinusubukang kuntakin ang asawa kung saan man ito naroroon.

" Nagpadala na ako ng voice email sa kaniya. Hindi ko alam pero umaasa akong nasa malapit lang siya. " Pananambitan naman niya.

" H'wag kang mag alala Yjune at sabi ng entel ko ay nasa San De la Vega pa rin siya. " Sabat ng ginoong si Herrovanni kasama si Mang Jeno.

Bumalik sila sa sala at hawak na nito ang laptop nila. Mapapansin ang pagka abala ni Mang Jeno at sabay na ititiklop ang hawak sa pagkagulat.

THE GANGSTER'S AND THE TWO LOST HEREDERA'S Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon