****
MARTIR KA KAPAG:
-Lagi kang nagpapapansin sa crush mong masunget kahit alam mong never ka nyang papansin. Yung tipong hina-hi at hello mo sya parati pero ni hindi ka nya tinitingnan kasi naiirita sya sayo. At tuwing kinakausap mo sya para ka lang nakikipagdaldalan sa pader, na habang ikaw todo effort sa pagkukuwento, sya naman walang reaksyon.
-Tinetext mo sya halos araw-araw pero kahit isang beses hindi pa sya nagreply sayo (maliban na lang nung una kang nagtext sa kanya at nagreply sya ng “hu u?”. Oo kinilg ka ng todo pero nang sabihin mo ang pangalan mo, hindi na sya nagtextback pa.) Pero kahit ganun, wala ka pa ring palya sa pagsesend ng Good Morning, Happy Lunch, Good Afternoon, Good Evening at Goodnight and Sweet dreams, I love you mwahmwahchupchup! messages sa kanya tuwing araw at gabi kahit malaki ang posibilidad na nakablock na ang number mo sa phone nya at magkaiba pa ang network na gamit nyo kaya lagi kang may baong extraload na dahilan naman kung bakit lagi kang nagtitipid kaya halos mapurga ka na sa babanaque.
-Ipinagpipilitan mong kayo ang nakatadhana para sa isa’t-isa. Naniniwala ka na ang pagsasabi nya sayo ng “Go to hell!”o ng “Will you just disappear?” at ang threat nyang ibibitin ka nya ng patiwarik sa flagpole at ang pagmumurder nya sayo sa isip nya ay paraan nya lang ng pagtatago ng tunay nyang nararamdaman para sayo. Pero sigurado kang sa happy land din ang tungo ng lovestory nyo.
AT IYO NA ANG KORONA AT SASH NG “BINIBINING MARTIR 2013” KUNG:
Rianne Ashley Rosales ang pangalan mo at deds na deds ka sa number one snob ng school nyo na si Danroe Costejo, na kapatid ng bff mong bakla na nagmistulang evil stepmother and evil stepsisters mo rolled into one dahil sya ang numero unong panira at kontrabida sa imaginary loveteam nyo ng ultimate crush mo. -_-
BINABASA MO ANG
The Martyr's True Love
Short StoryMartir. Yan ang pinakamagandang word na pwedeng isulat sa “Describe Yourself” section ng slumbook kung si Rian ang papipirmahin mo. Lagay mo na din ang mga salitang “baliw”, “topakin”, “abnoy”, “may tililing” at “masokista” para kumpleto ang descrip...