Ilang araw na din ang nakakalipas at hanggang ngayon, hindi pa rin bumababa ang fighting spirit level ko. Sunod pa rin ako ng sunod kay Danroe.
Mas lalo pa nga akong motivated na magpapansin sa kanya ngayon dahil alam kong may matindi akong karibal sa atensyon nya. Kahit pa kasi sabihing hipon lang yun at dyosa ako, di ko naman maiwasang magselos at mathreat.
Panung hindi eh nang sundan ko minsan pauwi si Danroe, nalaman ko na lang na dinadaanan nya pala muna yung malanding hipon na yun sa school nila. AT araw-araw yun hah! Jusmeee! May mas tatanga pa ba sa labidabs ko na to?
Ay! Oo, meron nga pala.
AKO. T.T
*sigh*
Ito ang mahirap pag nagmamahal ka ng tanga eh. Kasi pati ikaw nagmumukhang tanga sa kakasunod sa kanya. =_______=
Pero ano bang magagawa ko? Eh talagang gusto ko si Danroe eh. At naniniwala akong kami ang para sa isa’t-isa.
Kaya bahala nang magmukhang tanga sa mata ng iba. Ok lang naman ako.
Masakit, oo. Pero ok lang ako.
Alam kong nagpapakamartir na ako, pero gaya ng sabi ko, OK LANG AKO.
Natigil ako sa paglalakad nang bumangga ang mukha ko sa pader- I mean sa likod pala ni labidabs ko. Hehehe.
Sabi ko naman senyo eh, sinusundan ko sya kahit san sya magpunta. As in, LITERAL na sinusundan ko sya. Hahahaha!
Nung isang araw nga nagpunta sya ng c.r, nagulat na lang sya paglingon nya, nandun din ako at abala sa harap ng salamin. Hehehe. ^_______^
Ang pervert ko ba? Nakisalamin lang naman ako ah. >3<
“Ano ba! Bat ka ba sunod nang sunod?!”
Foundation Days ng school namin, kaya naman libreng-libre ako para sumunod sa kanya buong araw. ;)
“Trip.” ^_______^
“Pwede ba, tigilan mo na nga ako!”
“Hindi pwede.”sabi ko na iiling-iling pa.
“Bakit?!”
“Dahil sumisigaw ka! Ilang metro ba ang layo ko sayo hah?”pasigaw ko ding sagot.
“So?”
“Ah basta! Yun na yun! Wag ka nang magtanong. Tinatamad akong mag-explain.”
“What the--?!”he shook his head. “Pag sumunod ka pa sa ken ibibitin na talaga kita---“
“---nang patiwarik sa flagpole? Ow come on Danroe. Wala ka na bang ibang baong panakot jan? Yung mas bago at makatotohanan naman oh.”nakangiti kong putol sa sinsabi nya.
“You’re mad.” ( --. )
“Yes. I’m madly in love with you. And you perfectly know that.”
“Tss.” ><,
Yun lang at tinalikuran nya na ulet ako.
Hehe. Ang kulet ko din eh. Kaya ayan lagi syang badtrip sa ken.
Kung panu ko sya mapapa-ibig gamit ang strategy na to? Hindi ko din alam. Basta, naniniwala ako na tutulungan ako ni Lord. ^_____^
Sinundan ko lang ulet si labidabs. Pahum-hum pa nga ako ng ‘lalalalalala’ kahit wala naman akong sinusundang tono. Hehehe.
Hindi ko alam kung san sya papunta pero nang malapit na kami sa auditorium, dun sa bandang wala masyadong tao, bigla na lang tumigil sa paglalakad si Danroe at hinarap ako.
“HINDI KA BA TALAGA MAKAINTINDI?!”
Natigil ako sa paglalakad nang biglang sumigaw si Danroe.
Nagulat ako kasi parang nag-iba na yung itsura nya.
Ngayon ko lang napansin, nangingitim pala ang ilalim ng mga mata nya. Mukha syang pagod, nahihirapan at… nasasaktan?
“Bat ba lagi kang buntot nang buntot sa ken? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ko dahil HINDI KITA GUSTO!”
Saglit akong natunganga dun.
Masakit pala sa dibdib pag harapang sabihin sayo ng taong gusto mo na hindi ka nya gusto.
Pag si Mommy Dana naman kasi ang nagsasabi sa ken ng ganun naiinis lang ako eh.
Pero ito iba. Gusto ko tuloy maiyak.
“Eh bakit ikaw? Matalino ka, kaya alam kong alam mo na pinaglalaruan ka lang ni Alice pero bakit hanggang ngayon umaasa ka pa rin? BAKIT HANGGANG NGAYON SYA PA RIN ANG MAHAL MO?! BAKIT HINDI MO MATANGGAP ANG KATOTOHANANG KAHIT KELAN HINDI KA NYA MAMAHALIN! PINAPAASA KA LANG NYA DANROE!”
PERO AKO, MAHAL NA MAHAL KITA!
“Mahal nya ako!”
I shook my head in disbelief.
“Oh please Danroe! San na napunta ang talino mo hah?! Hindi ka nya gusto—“
“OH SHUT UP!”
“NO! YOU, SHUT UP!”
Naikuyom ko ang mga palad ko at malayang naglandas sa mga pisngi ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.
“Kung tutuusin pareho lang naman tayo ng sitwasyon eh. Pareho tayong may gusto sa mga taong iba ang laman ng puso. Pwede na nga nating palitan ang title ng kwentong to ng ‘Palimos ng Pag-ibig’ eh.”
Hanep. Kahit sa gitna ng drama nagawa ko pang magjoke. U.U
“Pero kung gusto mo talagang lumayo ako sayo, sige. Gagawin ko. Basta ba lalayuan mo din yung Alice na yun.”
“You can’t tell me what I have to do.”
“Well, I’m sorry but you can’t dictate me either.”I countered.
“Alright. Go ahead. Do whatever you want to do. Pero sana sa susunod, wag mo nang pakialaman pa ulit ang mga desisiyong ginagawa ko. Magpakatanga ka hangga’t gusto mo.”
“At yun din ang gagawin mo? *sniff* Dan, bakit kelangan ipilit mo ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto?”
“Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo nyan?”yun lang at tinalikuran nya na ko.
Sobrang sikip na ng dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga. Nasasaktan na ako ng sobra-sobra.
“Dan… Dan andito naman ako eh… kalimutan mo na lang sya… Please…”
Tumigil sa paglalakad si Danroe, pero hindi nya ako nilingon.
*sigh* “Im sorry. I love her.”
Ganun na lang ba yun?
Dun na ba nagtatapos ang pinapangarap kong lovestory naming dalawa?
Talaga bang wala akong lugar sa puso nya?
Hindi nya ba talaga kayang bitiwan si Alice?
Hindi nya ba talaga ako kayang mahalin?
Hindi pwede!
Hindi ako papayag na mawala sa kin si Danroe!
HINDI KO KAYA…
Nagpahid ako ng mga luha, inayos ang sarili ko at sinundan si Danroe sa loob ng auditorium.
BINABASA MO ANG
The Martyr's True Love
Short StoryMartir. Yan ang pinakamagandang word na pwedeng isulat sa “Describe Yourself” section ng slumbook kung si Rian ang papipirmahin mo. Lagay mo na din ang mga salitang “baliw”, “topakin”, “abnoy”, “may tililing” at “masokista” para kumpleto ang descrip...