Tapos nang klase ko ngayong araw. At dahil desidido talaga akong i-date ang labidabs ko, kaya heto ako’t paikot-ikot sa buong school campus para hanapin sya.
“Umuwi na yun. Asa ka namang idedate ka ng kapatid ko.”
Tinignan ko ng masama si Mommy Dana at binitiwan ang braso nyang hila-hila ko.
Sabi na eh, wala akong mapapala kung isasama ko ang bruhang to sa paghahanap sa labidabs ko. Ano ba kasing pumasok sa kukute ko at tinext ko ang sang to para hingan ng tulong? Psh. Nababadtrip lang tuloy ako. >______<
“Pede tumahimik ka na lang kung wala kang magandang sasabihin?”-____-++
“Tatahimik lang ako kung ititigil mo na tong kagagahan mong to. Kahit naman kasi makita natin yung lalaking yun hindi ka naman papansinin nun noh.”nakataray na sabi ni Mommy.
“Papansinin nya ako! Close na kaya kami noh!” >w<
“Anak, hindi ka nya gusto.”
SIGE LANG. PAMUKHA MO PA. -____-++
“Magugustuhan nya din ako.”pamimilit ko.
“Believe me, he won’t.”
“Parang siguradong-sigurado ka ah. Ano? Gusto mo pustahan pa tayo eh!”
“Wag na.”
“Takot ka noh? Kasi matatalo ka lang! hahahahaha!” XD
“NO.”
“Eh bakit nga?”
“Kasi alam kong mananalo ako at masasaktan ka lang.”
Natigilan ako sa sinabi ni Mommy. Ngayon ko lang napansin, masyadong seryoso ang expression ng mukha nya habang diretso ang tingin nya sa ken.
At hindi ko maintindihan kung bakit biglang sinalakay ng takot at kaba ang puso ko.
Hindi kasi ako sanay na nakikitang seryoso si Mommy. Oo, madalas tinatarayan nya ko, lalo pag si Danroe ang topic. Pero sa huli lagi na’y tatawa sya habang ipinangangalandakan sa buong mundo kung ganu ako kabaliw.
Ngayon hinihintay ko ang tawang yun.
PLEASE MOMMY, DI AKO SANAY. WAG KANG GANYAN. KINAKABAHAN AKO EH.
Yun sana ang gusto kong sabihin sa kanya, kaso ayoko namang ipakita sa kanya na natatakot ako o nababahala ako. Malay ko ba kung pinagttripan lang din ako ng baklang to? Malakas din kasi ang saltik nito eh. Baka dinadramahan lang ako.
Pero nanatili lang nakatingin si Mommy sa ken.
Tae talaga. Bat ba ganto sya makatingin? Di kaya natomboy na to sa ken?
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Incest yun! Incest! TT______TT
“Mmy… wag ka ngang ganyan. Ano bang ibig mong sabihin?”
Napakurap si Mommy nang ilang beses at parang sandaling nag-isip ng sasabihin.
“Ahmm… Ah…”
“Ah? E? I? O? U?”pang-aasar ko sa kanya.
He smiled. Pero halata namang pilit.
“Tara na nga.” Nauna na syang naglakad. “San ba natin hahanapin yung lalaking yun? Anong places bang hindi pa natin napupuntahan?”
Papalayo nang papalayo si Mommy. Pero ako, andito pa din sa kinatatayuan ko.
May pakiramdam akong may SOMETHING na mali kay Mommy eh. Hindi ko nga lang mapinpoint kung ano yun.
Pero kung wala syang balak sabihin yun sa ken, igagalang ko ang desisyon nya. Parang sensitive ata yung bagay na yun eh. Hihintayin ko na lang siguro yung time na ready na syang mag-open up sa ken.
BINABASA MO ANG
The Martyr's True Love
Short StoryMartir. Yan ang pinakamagandang word na pwedeng isulat sa “Describe Yourself” section ng slumbook kung si Rian ang papipirmahin mo. Lagay mo na din ang mga salitang “baliw”, “topakin”, “abnoy”, “may tililing” at “masokista” para kumpleto ang descrip...