Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Nakangiti si Danroe.
Nakangiti sya dun sa babaeng papalapit sa kanya.
Bakit ganun, tinawag lang sya nung girl nangiti na agad sya? Tas sa ken, pinagdadamot nya yung smile nya.
Bakit ganun? T.T
May SOMETHING akong nararamdaman sa dibdib ko. Parang sumisikip at hindi ako makahinga.
Ito ba yung tinatawag nilang SELOS?
“Mmy… Mmy, sino yun?”tanong ko sabay hawak sa braso ni Mommy Dana.
Pero hindi nagsalita si Mommy.
Naramdaman ko na lang na humigpit yung pagkakahawak ko sa braso nya.
“Mmy naman eh. Hindi nya naman siguro g-girlfriend yan diba? Hindi naman totoong may girlfriend na si Danroe diba? Gawa-gawa mo lang yun eh. Diba mommy? Please, sagutin mo ko.”
*sigh*”No. She’s not her girlfriend, anak.”
Bigla akong nabuhayan ng loob.
“I knew it! Sabi na eh. Huuu! Kinabahan ako dun hah! Hahahaha! Pero sino sya Mommy?Anong name nya? Maganda ba sya?”
“She’s Alice. And yes, maganda sya.”
“Owww..”tatango-tango kong sabi.
Pang-mabait ang pangalan nya. Pero pang-bida naman ang name ko. Hmp!
“Eh ano namang papel nya dito sa kwento ko hah? Bat nakiki-epal sya? Kung gusto nya bat di na lang sya gumawa ng sarili nyang kwento? Tss.” >.<
“Sya ang dahilan kung bat paulit-ulit kitang pinagsasabihan na kalimutan mo na ang kapatid ko.”
“Hah? Malabo ata yun mmy. Paki-elaborate mo nga.”
*sigh*“Anak, matagal nang gusto ni Danroe si Alice.”
“Ay naku. Mga gawa-gawa mo na naman. Hahahaha!”
Tumawa ako pero ang totoo hindi na maganda ang nararamdaman ko. Bigla akong kinabahan eh. Di ko maintindihan.
Isa lang ang alam ko. Kung may sasabihin man si Mommy ngayon, pakiramdam ko hindi ko yun magugustuhan.
“Matagal nang gusto ng kapatid ko si Alice, anak. Sya yung childhood friend ni Danroe na sinasabi ko sayo. Sya ang first love ng kapatid ko.”
Napatingin ako sa kinaroroonan nina Danroe and Al- ‘that’ girl.
Nag-uusap sila. At hindi ko matanggap na nakangiti si Danroe habang nakikinig sa kung ano mang sinasabi nung girl na yun.
Biglang nanikip ang dibdib ko. Nararamdaman ko na din ang unti-unting paglalabo ng mga mata ko dahil sa nagbabantang mga luha.
“Alam mo bang marami nang ginawang poems yang kapatid ko para kay Alice? And I tell you, his poems are written well. May isa akong nabasa nun eh, palihim nga lang. And you know what, andun yung emotion sa bawat letra at salitang isinulat nya. Naramdaman ko yun. Kaya nga ayoko sana na mas lumalim pa ang nararamdaman mo para kay Danroe. Kasi hindi nya masusuklian ang nararamdaman mo Rian. Si Alice ang laman ng puso nya noon… at si Alice pa din hanggang ngayon.”
I bit my lower lip para sana pigilan ang bugso ng damdamin ko. Pero taena lang, talagang di na papa-awat pa ang mga luha ko eh. Tuluyan na akong naiyak.
Kaya pala ganun na lang syang makangiti sa girl na yun. Kaya pala hindi nya ako pinapansin kahit na ang dami ko nang ginawa para lang makuha ang atensyon nya…
BINABASA MO ANG
The Martyr's True Love
Short StoryMartir. Yan ang pinakamagandang word na pwedeng isulat sa “Describe Yourself” section ng slumbook kung si Rian ang papipirmahin mo. Lagay mo na din ang mga salitang “baliw”, “topakin”, “abnoy”, “may tililing” at “masokista” para kumpleto ang descrip...