Ako si Rianne Ashley Rosales. Sabi ni Mommy Dana baliw daw ako. Minsan abnoy din ako sa mga mata nya, o di kaya sintu-sintu or worse MARTIR. Kainis nga ee. Ganda-ganda ng name ko tas tatawagin nya kong kulang-kulang? Adik na bakla talaga yun. =.=
Anyway, Rian ang tunay kong nickname. Ganda noh? Haha! Ganda ko din kasi eh kaya yun… Hehehe. Kapalmuks talaga ako. Ahuhuhu! ^O^
Dito ako ngayon sa may corridor sa labas ng library building at inaabangan ang pagdaan ng Greatest Love Of My Life.
My one and only labidabs. *_________*
Yun tawagan namin. Pero ako lang ang may alam. Anong magagawa ko eh sa talagang creative ang utak ko? Sa isip ko boyfriend at future-husband ko sya kaya dapat lang may tawagan kami diba? ;)
And speaking of my Labidabs… Here he comes!!
“Hi Danroe!” ^________^ *kaway-kaway*
Binati ko na sya agad kahit dalawang metro pa ang layo nya sa ken. Mahirap na. Baka maunahan peh. Andami pa namang girls na nakatambay din malapit sa ken at kagaya ko ay inaabangan din ang pagdaan ni Danroe. Pero sorry na lang sila dahil di hamak na mas maganda naman ako sa kanilang lahat noh! Hohohoho!
3rd year higschool ako nung magtransfer sa school namin si Danroe Costejo. Nang una kong masilayan ang kagwapuhan nya, grabeh! Parang sinipa ng kabayo ang dibdib ko. Lakas ng tama! As in tulo-laway at laglag-panty ang drama ko nun! Hahahaha! XD XD
Si Danroe kasi ang ideal guy ko. Gwapo, matangkad, maputi, neat tingnan, matalino at tahimik. Nga lang saksakan ng suplado eh, daig pa ko pag dinadatnan ng monthly bisita ko. At ang mahal-mahal pa ng kanyang smile! Juskoo! Di ko afford! Ako’y isang hamak na dukha lamang. T.T
Pero ewan, baliw nga ata talaga ang brain and heart cells ko dahil imbes na mangilag at lumayo kay Danroe mas na.attract pa ako sa kanya. Like that of a bee to a flower. (Char! Umi-english oh! Hahaha!)
Yun ang dahilan kung bat gusto akong itakwil ng mga friends ko. Abnoy daw ako dahil nag-aaksaya ako ng effort sa pag-aalay ng aking wagas na pag-ibig sa isang taong hindi naman ako nakikita. Bat daw ba ako nagpapakahirap na manglimos ng kahit konting pagtingin mula sa taong halata namang ayaw sa ken, eh kung tutuusin marami naming iba jan na nagkakandarapa sa ken. (Ang awesomeness ng mga words ko hah. San ko ba napulot ang mga to? Hahahaha!)
Hindi tumigil sa paglalakad si Danroe pero bago nya ako lagpasan, he tilted his head at nagkatinginan kami…
( O////////////////////////////////////O )
… nang mga 1.5 seconds… And…
And then he’s gone.
OMG!
O_________O
DID HEJUST LOOK AT ME?
HE DID LOOK AT ME, DIDN’T HE?
KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!
TININGNAN AKO NI DANROE MY LABIDABS! LALALALALALALA~~~
( ^__________________________________^)V
Ang O.A ng smile ko, I know. Eh ano ba magagawa ko? Sa masaya ako eh!
Mi ghaad! Sa loob ng apat na taon ni hindi pa ako nilingon ng labidabs ko na yun! Tas ngayon biglang… Uwaaaaaaaaaaaah! Basta! Kinikilig ako dito! At dahil first time to sa history ng buhay ko isusulat ko to mamaya sa diary ko!!! *u*
Ay tae. Wala nga pala akong diary. =_____=
O sige susulat ko na lang sya sa puso ko. Eeeeeeee! ^_________^
BINABASA MO ANG
The Martyr's True Love
Short StoryMartir. Yan ang pinakamagandang word na pwedeng isulat sa “Describe Yourself” section ng slumbook kung si Rian ang papipirmahin mo. Lagay mo na din ang mga salitang “baliw”, “topakin”, “abnoy”, “may tililing” at “masokista” para kumpleto ang descrip...