Gaya nang sinabi ko, hindi na ako makapapayag na mabale-wala ulet ni Danroe. Kaya naman simula nang araw na yun, nagmistulan na akong buntot ng labidabs ko.
Pag vacant time ko, hinahanap ko sya at BINABANTAYAN. Aba! Mahirap na. Baka masulot ng iba eh. Sa dami ba naman ng mga haliparut na pusit sa tabi-tabi, nanganganib ang puri ng aking labidabs.
Tsaka possessive ako eh. Ayoko nang nakakakita na may mga malalanding froglets na kumekerengkeng sa labidabs ko. Buti sana kung matatalbugan nila ang BEAUTY, BODY AND BRAINS ko, kaso hindi eh. Ni hindi sila umabot maski sa talampakan ko lang, kaya pasensya na lang sila. Isa pa, hindi naman kasi ako charity institution noh. Hindi uso sa ken ang sharing. ^_______^
Malapit na ako sa library nang makita kong palabas ng building si Danroe…
HAYYYY… HETO NA ANG LALAKING KUMUKUMPLETO SA ARAW KO… *u*
Nga lang papunta sya sa kabilang side nung building kaya siguro hindi nya ako nakita. Pero oks lang yan dahil nakita ko naman sya. Kaya ako na lang lalapit sa kanya. ^_^
Oh well, lagi nga namang ako ang lumalapit sa kanya. Hehehehe.
“Danroe! Wait!”
Binilisan ko ang paglalakad para makahabol sa kanya. Pero ang guapo mukhang walang balak na lingunin ako ah. Patuloy lang sya sa paglalakad nang mabilis kahit alam ko na alam nyang tinatawag ko sya.
AH GANUN HA? TIGNAN LANG NATIN KUNG DE-DEADMAHIN MO PA RIN TO. *evil smile*
“Labidabs ko! Yuhuuuu! Danroe, my Labidabs! Hintayin mo naman ako! San ka ba pupunta?”
Napangiti ako nang biglang tumigil sa paglalakad si Danroe at nilingon ako.
SABI NA EH. LILINGON KA DIN. MWAHAHAHAHA! XD
“Hi!”bati ko nang nasa harapan nya na ko. “Ang bilis mo maglakad hah.”
“I told you to quit calling me like THAT.” ( --. )
“Like what?” :3
Painosente naman kunwari ang drama ko. Pero alam ko kung ano ang tinutukoy nya.
Yun yung pagtawag ko sa kanya ng LABIDABS. Ewan kung bat di nya trip yung endearment ko na yun. Cute naman diba? Hehehe.
Nung unang beses na tinawag ko syang ganun sabi nya sa ken ibibitin nya daw ako ng patiwarik sa flagpole pag ulitin ko pa yun. Nang ulitin ko sabi nya papatayin nya ko. Nang ulitin ko na naman, nasabi nya na lang na abnormal daw ako.
Kaya malakas ang loob kong tawagin sya ng ganun kahit pa maraming tao kasi alam kong hanggang sa salita lang naman yung mga pananakot nya. Siguro gusto nya din talaga ako kaya hindi nya ako kayang saktan. Ayiiiiii. Wag ganyan, kinikilig tuloy ako. *____*
At isa pa nga palang dahilan kung bat di ko tinatantanan ang kaka-labidabs ko sa kanya ay dahil nag-eenjoy ako pag nakikita kong napipikon sya at nahihiya. Maputi si Danroe, kaya pag tinatawag ko syang labidabs sa harap ng maraming tao, laging halata ang pamumula nya. Hahahaha! At tuwing ganun hitsura nya, ang cute-cute nyang tignan. Kahit alam kong sa isip nya gumugawa na sya ng plano kung panu ako mapapaslang agad-agad.
Gaya ngayon. Namumula na naman ng bonggang-bongga ang mukha at leeg nya. May mga tao din kasi sa paligid eh. Pero di naman masyadong marami. Maaga pa din naman kasi. 8:30 am pa lang.
“You’re smart. You know what I’m talking about.”
Nanlaki ang mga mata ko, tumaba ang puso ko at parang lumapad din ata ang atay ko nang marinig ko ang sinabi ni labidabs.
“Talaga? Naniniwala kang matalino ako? Alam mo,yun din pakiramdam ko eh. Hehehehe.”
Unang compliment yun mula sa kanya ah. Tsk. Sabi na eh. Pakipot lang to pero ang totoo ded na deds din sa kin to. Wahahahahaha!
MANGARAP KA RIAN! MANGARAP KA!
-_________- --ganyan lang ulet muka nya.
Hayyys. Kelan ko ba mapapangiti ang taong to?
“Stop following me.”
“Mukha ba tayong naghahabulan dito? Nag-uusap lang naman tayo ah.”
“Why do you always have to be so sarcastic?” ( ~~, )
“Kasi talented ako.”
“You’re very annoying. Why can’t you just leave me alone?”
“Pasensya na hindi ako marunong umintindi ng English eh.” ^_______^V
“Look Miss--”
“Rian. Call me Rian, Danroe.”
“Ok. MISS,”
So kelangan talaga ipagdiinan yung ‘Miss’? Psh. Mahirap bang i-pronounce pangalan ko? Juskoo! Para two syllables lang eh. =.=
“Pwede ba, tigilan mo na ko?”patuloy nya. “Maghanap ka ng taong matutuwa sa kalokohan mo. Masyado mo na akong iniistorbo at nababadtrip na ko sayo.”
“Ang drama naman neto.”
“Miss!”
“Call me by my name first, then I’ll think about it.”
For a while nagsukatan lang kami ng tingin. Iniisip ko na malamang wala talaga syang balak na tawagin ako sa pangalan ko, o di kaya, kung meron man, siguro hinahalukay nya pa ang memory nya ngayon para hanapin kung san nakasiksik yung pangalan ko.
Kaya nagulat ako nang bigla ay—
“Rianne Ashley.”he said coldly.
I gasped and unconsciously placed my right hand on my chest.
Anla! Ang puso ko nagwawala na! Naku Lord! Aatakihin na ata ako sa puso dahil sa tuwa!
Syet lang! alam nya ang whole first name ko? Kyaaaaaaaaaaaa! *O*
“H-How did you… know my real name?”
“I know a lot of things.”
“Talaga?! Ibig sabihin alam mo din ang last name ko?!”excited kong tanong.
“Rosales.”sagot nya sa tonong parang hindi interesado.
“Eeeeeeeeeeee! Pinapakilig mo naman ako eh! Nagresearch ka tungkol sa ken noh?! Siguro crush mo din ako noh? Noh?” tinapik ko sya sa braso. (Pasimpleng chansing. Hehe.)
“Sus! Sabi na eh! Pakipot ka lang talaga. Wahahaha! Oo na. Sige na. Sinasagot na kita labidabs ko.” ^________^
He sighed and shook his head.
“May mental disorder ka ata. Subukan mong patingin sa doctor, baka may pag-asa pa.”
Tinalikuran nya na ako at naglakad na ulet sya palayo.
MENTAL DISORDER DAW. SUS. IF I KNOW, PATAY NA PATAY KA DIN SA KEN DANROE! HAHAHA!
“Danroe! Gusto mo date tayo?!”sigaw ko.
Hindi sya sumagot kaya tumakbo ako ulet para habulin sya. Pero binilisan nya din ang paglalakad kaya huminto na lang ako.
“Uyy labidabs! Kelangan nating mag-celebrate! Date tayo mamya hah!”sigaw ko ulet. Wapakels kahit maraming tao sa paligid. Hehehe.
“Go to hell.”rinig kong sabi ni labidabs.
“Sus! Kahit san pa yan pupuntahan ko, basta ikaw ang kasama ko Danroe!”
Tumigil sya sa paglalakad at nilingon ako saglit.
Ewan kung pinaglalaruan lang ako ng malalabo kong mga mata o kung pinagtitripan lang ako ng imagination ko, but I think I saw him smile when he glanced my way before he went on his way.
Pero mukhang imposible eh. Ako? Ngingitian ni labidabs ko? Tsk. Siguro nga nag-iimagine lang ako.
OKS LANG YAN RIAN. MAHABA PA RIN NAMAN ANG HAIR MO DAHIL ALAM NI DANROE ANG REAL NAME MO. FUFUFUFUFUFU~
*______________________*
AT DAHIL JAN, IDEDATE KO TALAGA ANG LABIDABS KO MAMAYA! SANA MATYEMPUHAN KO SYA AFTER CLASS. LORD, NEED HELP. PLEASE! -0-
BINABASA MO ANG
The Martyr's True Love
Short StoryMartir. Yan ang pinakamagandang word na pwedeng isulat sa “Describe Yourself” section ng slumbook kung si Rian ang papipirmahin mo. Lagay mo na din ang mga salitang “baliw”, “topakin”, “abnoy”, “may tililing” at “masokista” para kumpleto ang descrip...