Epilogue

796 27 15
                                    

Nagdiretso ako sa backstage, sumalampak sa sahig at dun umiyak nang umiyak.

          May mga taong lumalapit sa kin at tinatanong kung ok lang daw ba ako.

Hello?! Bumili kaya kayo ng common sense sa palengke at nang hindi nyo ako tinatanong ng ganyan? Magdadrama ba ako dito kung OK LANG AKO?

Tae. Yung kantang yun na naman! Mas naaalala ko lang si Danroe eh. T_______T

Bwiset na Alice naman kasi yun eh. Bat kasi nipinanganak pa sya sa mundong to? Pede naman dun na lang sya sa Jupiter at namuhay bilang bato eh. Bat dito pa sya ipinadala sa Earth?!

Nakakaasar sya! Panu nya nabihag ang mailap na puso ng lalaking pinakamamahal ko? Ano bang meron sya na wala ako? Maganda din naman ako, matalino, mabait at higit sa lahat walang boyfriend na panget na mukhang gangster at lalong hindi ako two-timer!

Pero bakit hindi yun makita ni Danroe? Bakit si Alice pa din ang mahal nya? Bakit?!  TT0TT

Isang kamay ang nag-alok sa ken ng panyo. Kinuha ko yung in-offer nya pero hindi ako nag-angat ng tingin dahil nahihiya ako sa itsura ko. Mukha akong trapo sa mga oras na to eh.

“S-Salamat.”pinahid ko na ang luha sa pisngi ko. Pero bat ganun? Parang may unlimited supply ako ng luha ngayon? Bat di sila maubos-ubos? TT_____TT

TAE NAMAN OH. KAASAR!

“Wag ka nang umiyak. Lalaki lang yan.”

Napaisip ako dun.

OO NGA. LALAKI LANG YAN RI. MAKAKA-MOVE ON KA DIN!

Pero hindi eh! Hindi lang basta kung sinong lalaki si Danroe eh! Buti sana kung di ko sya kilala, kung isa lang syang pulubi sa labas ng Mcdo o isang tindero ng fishball sa labas ng school, edi sana hindi sya masyadong significant sa life ko.

Eh ang problema, masyadong mahalaga para sa ken si Danroe. Mahal ko sya eh. MAHAL NA MAHAL. T.T

Ilang years akong patay na patay na Danroe tas sasabihin ng ‘taong’ to na ‘lalaki lang yun?’. Sapak, gusto nya? Tss.

“First love mo sya?”tanong nya.

Bat ba andaming sinasabi ng taong to? Bat nya ba ko kinakausap? Close ba kami? Porke pinahiram nya sa ken panyo nya feeling nya best friends forever na kami?! Bwiset!

 “Kung oo, kelangan maging handa ka dahil hindi ganun kadali lumimot ng first love. It never dies eh.”

ALAM KO YUN! Leche! Kaasar lang eh! Ipamukha daw ba talaga? >.<

 Alam ko namang hindi lang basta madadaan sa tulog tong nararamdaman ko eh.

Tanggapin pa nga lang yung katotohanang hindi nya ako kayang mahalin anhirap na eh. Ano pa yung kalimutan sya diba? Kasi naman… Bat sya pang minahal ko? >0<

“Pero kahit mahirap kelangan mong tanggapin na hindi lahat ng lovestories may happy ending”

Eh lovestory nga bang maituturing yung akin? The martyr’s story ata dapat  itawag dun eh. Kasi martir yung taong gusto ko. Kaya ako, nagpakamartir na din.

Syemaaaayyyy. Heto na naman ang mga luhang to. Tae! Bat ba hindi maubos-ubos to?! T____T 

“Tumingin ka lang sa paligid, mahahanap mo rin ang lalaking tunay na nagmamahal sayo.”

At kelan ko naman kaya sya makikita? Pag nakalimutan ko na si Danroe? Eh ang tanong, makalimutan ko nga ba yung labidabs ko na yun? Kaya ko ba?

“Kakayanin mo yun. Tutulungan kita.”

Dun lang ako nag-angat ng ulo para tignan ang mukha ng lalaking mukhang mind reader pa ata na kanina pa umeepal sa pagmomoment ko.

“Sino ka ba? Ano namang role mo dito ha? Kasali ka ba sa cast of characters? Kasi hindi ako informed eh. Hindi kita kilala.”pagtataray ko.

Porke kasi tinanggap ko yung panyo nya akala nya pwede na syang maki-level sa main character eh. Psh. >.<

Pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa.

He squatted infront of me atsaka ngumiti ng tipid.

Yun yung tipo ng ngiti na parang misteryoso pero…

Pero nakakagaan ng loob.

Yung klase ng ngiting kahit tipid, makakapagpatigil naman sa normal function ng isip mo.

Yung pakiramdam na dala nun yung parang wala ka nang iba pang gustong gawin kundi ang tumunganga na lang , tumitig, maglaway at maghintay hanggang sa malaglag ang panty mo dahil sa sobrang kilig? 

Pero teka! Syemay naman! Ano ba tong pinagsasasabi ko dito? Nag-eemote ako dapat eh at hindi nagpapantasya sa gwapong nilalang na nasa harapan ko!

RIAN MAGTINO KA NGA!

Pero syet lang talaga! Bat kasi ang lapit ng mukha nya? Bat ambango nya? Bat ang ganda ng mata nya? Bat antangos ng ilong nya? Bat kissable yung lips nya? At bat---

BAT GANITO ANG TAKBO NG ISIP KO?! AAAAAAAAAAAAAAH! THE HELL WITH THIS STRANGER!  >3<

          Magsasalita na sana ako para paalisin sya sa harapan ko dahil masyado na akong distracted sa presence nya, pero naunahan nya ako.

“Kung akala mo kayo lang ni Danroe ang nagpapakatanga sa kwentong to, mali ka.” he patted my head.

Napa-angat naman bigla ang kilay ko.

Ano ako, aso???! ~_______~

Tsaka, pinagsasasabi naman ng taong to?

“Kasi tatlo tayo.”

“Hindi kita magets.”-__-

Ngumiti lang sya ulet.

Tae. Natatangay ata puso ko ah. F****.

“I’m Art.”

“So? Nagtatanong?”

Pasensya na lang tong si Kuya dahil badtrip ako ngayon. Wala ako sa mood makipagplastikan.

“Rian Ashley Rosales.”

SYET! PANGALAN KO YUN AH! BAT NYA ALAM?!

ANAK NG-! STALKER KO BA TO?!

          “Hoy! Bakit mo---”

“Because I’m in love with you.”

          THE HELL? O.o?

******

Oo nga. Maraming mga TANGA SA PAG-IBIG dito sa mundo.

At kabilang na ako, si Danroe at si Art sa listahang yun.

Pero katunayan, kung imumulat lang natin ang ating mga mata, makikita natin na habang abala tayo sa paghabol sa taong gusto natin, ay naroon naman ang taong ibinibigay din ang lahat, makahabol lang sa matulin nating pagtakbo…

And who knows? Kung di man sya ang first love ko, eh sya naman pala ang ONE AND ONLY TRUE LOVE ko. <3

*end*

property of: IAMROBERTOW

The Martyr's True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon