Maraming tao sa loob ng audi. Mukhang may program ata. Pero wala akong pakelam sa kung anumang lintek na program yan. Kelangan mahanap ko si Danroe.
“Excuse me. Excuse. Padaan lang.”
Palingon-lingon ako sa paligid habang nakikisiksik sa kumpol ng mga tao.
Hinahanap ng mga mata ko si Danroe. Pero sa dami ng mga tao, nahihirapan akong hanapin sya. Idagdag nyo pang may diprensya ang mga mata ko.
Tumigil na ako sa paglalakad.
ASAN NA KAYA YUN?
( -_-)
(-_- )
( -_-)
(-_- )
*POKE.POKE*
“Excuse me Miss.”
“Ano?!”-___- naiirita kong tanong dun sa babaeng kumakalabit sa ken.
“Tawag ka.”
“Hah? Anong tawag?”
May nginuso sya sa likuran ko.
“Tawag ka nung emcee.”
Pumihit ako paharap dun sa direksyong tinutukoy nya kahit hindi ko nagets sinabi nya.
And the next thing I know, may nag-a-usher na sa kin papunta sa stage.
Ang sabi nung emcee game daw yun. Magpapakita daw ako ng talent at pag nagustuhan daw nila, bibigyan nila ako ng cash prize.
Hindi ako interesado sa laro o sa cash prize na ipinagmamalaki nila. Hindi naman yun ang ipinunta ko dito eh. Nandito ako para hanapin si---
Natigilan ako nang makita ko di kalayuan sa stage si Danroe.
AT SI ALICE.
Masaya silang nagtatawanan.
Habang ako, heto at parang hinihawa ang dibdib ko dahil sa sakit.
Gusto ko nang tumakbo palayo. Tumakas. Pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Mahal ko si Danroe eh…
Mahal na mahal ko sya…
“Miss, anong talent ang ipapakita mo?”
Nilingon ko yung baklang emcee ng program na nasa tabi ko.
Inagaw ko ang hawak nyang microphone atsaka humingi ng gitara.
For the last time, ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa lalaking gusto ko.
Pagkatapos nito, bahala na.
Magpapakamatay na lang siguro ako.
(NP: Ok lang Ako by Parokya ni Edgar)
I started strumming the guitar.
Ayoko nang malaman pa
Kung sino sya at
Kung saan ka nagpunta
Hindi na lang tatanungin
Para hindi mo na kelangan pang umamin
Ok lang ako
Ok lang ako…
Napatingin sa direksyon ko si Danroe. Maging si Alice ay nakatingin na din sa ken.
Lahat ay aking gagawin
Pikit matang tatanggapin
Mas kayang masaktan paminsan-minsan
Wag ka lamang
Mawala ng tuluyan…
Makinig ka sa kanta ko Danroe.
Please. Pakinggan mo ang sinasabi ng puso ko.
Maniniwala nalang ako
Sa lahat ng sasabihin mo
Di na kita kukulitin
Para di na kelangan pang magsinungaling
Ok lang ako
Ok lang ako…
Nakatingin ng diretso sa kin si Danroe. Hindi ko mabasa ang nakasulat sa mga mata nya.
Pero ako, heto. Unti-unti nang nagbabagsakan ang mga luha ko.
Lahat ay aking gagawin
Pikit-matang tatanggapin
Mas kayang masaktan paminsan-minsan
Wag ka lamang
Mawala nang tuluyan…
Hindi ko kakayanin
Mawala ka sa akin
Kahit na magmukha akong tanga
Sa mata ng iba…
Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan lang ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.
Nagpadala na lang ako sa agos ng kanta…
Kantang parang sadyang ginawa para sa ken.
Lahat ay aking gagawin
Pikit-matang tatanggapin
Kung merong magtanong tungkol sa akin
Sabihin mo
Ok lang ako
Ok lang ako…
Nang imulat ko ang mga mata ko at natapos na ang kanta, tahimik na ang buong auditorium. At nakita kong tumayo sina Danroe at Alice at tinungo ang pinto.
Nabitawan ko yung gitara at muli na naman akong naiyak.
Si Alice ang pinili nya…
Si Alice ang mahal nya…
Kahit anong gawin ko, talo pa rin ako.
Goodbye Danroe.
I LOVE YOU LABIDABS KO.
BINABASA MO ANG
The Martyr's True Love
Short StoryMartir. Yan ang pinakamagandang word na pwedeng isulat sa “Describe Yourself” section ng slumbook kung si Rian ang papipirmahin mo. Lagay mo na din ang mga salitang “baliw”, “topakin”, “abnoy”, “may tililing” at “masokista” para kumpleto ang descrip...