Chapter 1

84 6 0
                                    

"Bilisin mo! Tatanga-tanga ka na naman! Masyado kang mabagal!" mahina ngunit mariin na sambit ng kanyang Ama.

Makailang ulit na bumuntong-hininga si Ariana. Kanina pa kasi gano'n ang reklamo ng kanyang ama. Halos marindi na ang kanyang tenga sa kada dada ng bibig nito, samantalang hindi pa naman sila late sa party na kanilang dadaluhan.

Sa pagkakaalam nya, despidida party ito ni General Ryker Monterealez. Nagresigned na kasi ito bilang General. Siguro dahil na rin sa gusto nito ng tahimik na buhay. Mahirap nga naman na araw-araw nasa hukay ang iyong isang paa. Na araw-araw isipin mong may banta sa'yong buhay.

Hindi naman talaga sya dapat nandito. Hindi naman ni Ariana gano'n kilala ang General o kahit sino sa pulisya gano'n din ang kanyang Ama. Medyo nakilala ng kanyang Ama si General dahil sa kaso ng pinagtatrabahuhan nito ngayon. Isa kasing Marketing staff ang kang Ama sa isang new beauty products ng Company na inilunsad. Bago lang ang kumpanya at nagkaroon ng kaso kaagad. Hindi nya alam ang dahilan o ano ang kaso pero naayos na ito at wala naman ng problema.

They are not even invited here but her father still pursuing to attend and thank the General. She took a deep breath again.

"Dalian mo nga Ariana! Jusko, Napakabagal mo. Ipakikilala kita kay General."

Ariana secretly rolled her eyes "Hindi naman na kailangan, Papa."

"Anong hindi kailangan? Nag-iisip ka ba talaga? Gamitin mo nga 'yang ganda mo para makabingwit ng mayaman. Tatanga-tanga ka naman, eh. Kaya hanggang ngayon wala ka pa rin, wala parin tayo dahil dyan sa katangahan mo."

Nag-iwas sya ng tingin dito. May kung ano ang nagbara sa kanyang lalamunan. Namimigat ang dib-dib nya sa nga pinagsasabi nito. Ever since na namatay ang kanyang ina, tatlong taon na ang nakakaraan, ganyan na ang pakikitungo nito sa kanya. Namatay ang kanyang ina sa malubhang sakit. Mahirap lamang sila kaya hindi nagawang ipagamot ang ina. Kaya mula noon, lagi syang binubugaw ng kanyang Ama sa mayayaman nitong nakikilala. Maganda daw siya at maputi. Gamitin nya daw ng makaahon sila sa kahirapan. Tutol man siya ngunit ni minsan wala siyang nagawa. Ni hindi siya nag karoon ng boses para tumutol sa Ama.

Maraming manliligaw si Ariana pero ni isa sa kanila, wala siyang sinagot. Wala pa sa kanyang isipan ang mga bagay na iyon. Sa ngayon, tanging pag-aaral muna ang kanyang iniisip at kung paano nya ito magagamit upang maka ahon sa kahirapan.

"Pero, Papa... may asawa na po si General at may mga anak na rin po. At isa pa, thirty na si general habang ako ay mag twenty one pa lang. Ayoko sa gano'n katanda sa akin. Isa pa rin po, hinding-hindi ako makikita o magugustuhan ni General dahil mahal na mahal nya ang kanyang asawa."

"Edi akitin mo! Lahat ng lalaki kapag inaakit may tumatayo! Tatanga-tanga ka na naman. Ariana! Kaya di tayo umaahon sa hirap. Wala ka kasing kwenta. Hindi mo talaga ginagamit 'yang utak mo. Ewan ko sa'yo! Ang Kitid mo talaga."

Ilang beses siyang kumurap para hindi mag landas ang luhang namumuo sa kanyang mata. Ang sasakit ng mga salitang binitawan nito pero wala siyang lakas na labanan ang Ama. Hindi nya magawang sabihin ang mga hinanakit niya dito, kahit ilang beses, kahit ilang taon na itong ganito sa kanya, at ipinagduduldulan sa kanyang muka na wala siyang kwenta, hindi parin siya masanay-sanay.

Minsan hinihiling na lang niya na sana maging manhid nalang ang kanyang puso para hindi na masaktan sa mga salita ng Ama.

"Ayon si General! Dalian mo habang mag-isa pa siya at wala ang kanyang asawa. Ayusin mo nga 'yang dress mo! "

Malakas ang singhap ni Ariana ng ibaba ng kanyang Ama ang parte ng kanyang dress sa bandang dib-dib.
Nakasuot siya ng black na dress na hapit na hapit sa hulma ng kanyang katawan. Sobrang iksi nito at sa hinuha kapag siya ay yumuko. Makikitaan na siya ng panty. Ang manipis na strap ng dress sa kanyang balikat ang nag sisilbing dahilan para hindi siya makitaan ng dib-dib. Kaunting halbot lamang, mapipigtas na ito at makikitaan siya ng dib-dib.
Wala siyang suot na bra dahil mayroon ng nakalagay sa kanyang dress. Litaw na litaw ang kaputian ni Ariana. Kung sa iba ay para siyang isang tunay na Diyosa sa kanyang itsura at ayos, para naman sa kanya isa siyang mababang uri ng babae sa kanyang ayos.

Yumuko siya sa kahihiyan. Pakiramdam niya isa siyang prostitute. Pinagtitinginan siya ng lahat. Sino bang hindi? Pormal ang suot nila tapos siya parang isang babaeng kalalabas lamang sa isang bar. Daig pa niya ang mga ito.

Hinihiling na lamang niya na sana ay walang masama o kakaibang mangyari sa gabing ito.

Sana talaga matapos na kaagad ang party. At sana talaga makaalis na siya kaagad dito.

BEAT OF LIES (COMPLETED)Where stories live. Discover now