Chapter 14

16 2 0
                                    

"Ito, inumin mo muna,"

Tinanguan ko siya kasabay ng pag-abot ko sa mineral water na inabot niya. Nagbaba ako ng ulo. Hindi ko siya magawang tignan.

Tila nagbabaga ang bawat titig niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ang itsura niya sa akin.

Kung naiinis siya dahil napagod sa paghabol sa akin, edi sana hindi na lang siya sumunod.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang gilid ng parke. Dinala niya ako dito matapos namin makaalis sa lugar na iyon.

"A-ano nga palang ginagawa mo doon?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Obvious ba? Edi may niraid." Iritang sabi niya.

I pouted. Oo nga naman. Ano nga naman ang gagawin ng isang Police sa gano'ng lugar? Pero pwede naman magbar siya, hindi ba?

Bahagya akong napasulyap sa suot niya. Nakauniform ito pang-Police. Mabilis ko ring iniwas ang paningin sa kanya. Mas lalo atang bumatak ang katawan niya?

Bahagya akong umiling at pilit na iniwasan ang lumingon at humanga sa kanya. Lalo kasi siyang gumwapo at lumaki ang katawan.

Bayolente akong lumunok.

"And you? What the fuck are you doing in that kind of place?"

Namutla ako. Parang ngayon ko lang naalala ang lahat. Hindi ko nagawa ang ipinagagawa sa akin. Nanlulumong bumuntong hininga ako. Paniguradong magagalit siya.

"W-wala," wala sa sariling sagot ko.

"Is that so?"

Tumango ako. Tumayo siya sa pagkakaupo.

"Kung gano'n, aalis na ako."

Tinalikuran niya ako at nagsimula ng umalis. Napatitig ako sa likuran niyang papalayo na sa akin. Kumibot ang mga mata ko. Nabahiran ng kalungkutan.

Kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kay Riella, matutulungan niya ba ako? Maililigtas ba namin ang anak ko? Police siya at alam kong matutulungan niya ako.

Pero paano kung malaman ng lalaking 'yon? Paano kung sa bawat galaw ko may nakabantay pala siya sa akin? Baka mapahamak si Riella! Ang kabilin-bilinan pa naman niya ay wala dapat makaalam dito. Lalong- lalo na sa mga Police.

Mangiyak-ngiyak akong pumikit ng mariin kasabay ng pagtulo ng luha ko. Pagbukas ng mga mata ko, hindi ko na matanaw si Ivan. Mapait akong ngumiti.

Maybe pauwi na siya sa pamilya niya. Siguro asawa na niya si Mariella ngayon. At inaantay na siya pauwi sa bahay nila.

Huwag mo na siyang guluhin Ariana. At isa pa, halata naman na ayaw ka niyang kausap kanina. Mas lalong ayaw ka niyang kasama.

Napatakip ako sa bibig. Pinigilan ko ang humikbi.

'Mahal ko pa rin siya...'

Magdamag kong inantay ang tawag ng misteryusong lalaki pero nakatulog na ako lahat-lahat, hindi pa rin siya tumatawag.

Maghapon kong inantay ang tawag niya kinabukasan pero wala akong natanggap. Bigla akong natakot na baka may ginawa na siyang hindi maganda sa anak ko.

Hindi na ako mapakali habang nakatutok sa screen ng laptop at nakaabang sa tawag niya.

Isa pang ipinag-aalala ko ang hindi pag-uwi ni Enzo at ni Papa.

Nasaan na ba sila? Naiinis ako dahil wala talagang pakialam ang mga iyon sa kanila ni Riella.

Hindi na rin ako pumapasok sa trabaho. Sinong makakapagconcentrate kung ganitong nawawala ang anak mo?

Napapitlag ako nang malakas na umalingawngaw sa buong bahay ang tunog ng tawag na kanina ko pa inaantay.

Mabilis kong pinindot ang accept button. Unang dumako ang paningin ko sa kamay ng lalaki na pinapaikot na naman ang baril sa kanyang daliri. Tila nahipnutismo na naman ako sa ganoong bagay na ginagawa niya.

Nahimasmasan na lang ako ng tumikhim siya.

Tulad ng dati nakamaskara ito.

Marahas akong lumunok. "A-ano..."

Tumigil ang lalaki sa pagalalaro ng baril sa kamay nito. Ang magkabilaang kamay nito ay ipinatong sa magkabilaang tuhod ng paa at bruskong umupo. katulad ng dati nakaupo siya sa ibabaw ng kama. Ang kaibahan lang wala ang anak ko.

Naalarma ako. Kinabahan.

"Ang anak ko?" Malat ang boses na sabi 

Ngumisi ito. "Opps, bawal magdemand. Ligtas siya pero bawal mo siyang makita. Ni hindi mo nga nagawa ang gusto ko."

"K-kasi may nangyar-"

"Enough!" Pagputol niya sa sasabihin ko. "Marami pa kasi akong gagawin at itong ipapagawa ko sa'yo, kailangan magawa mo ng tama." Mariin na sabi niya na nakapagpalunok sa akin.

Tumango ako.

"Pangalawang tao..."

Hindi ko maintindihan kung bakit lumalakas ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang mga sasabihin niya sa akin ngayon.

"Densyo Fuentes..."

"Ano?!"

Nagimbal ako sa sinabi niya. Walang emosyon na nakipagtitigan ako sa kanyang mga mata. Tigalgal ako. Nanghihina.

"A-anong kasalanan ng Papa ko sa'yo?" Namula ang gilid ng aking mata. "Kaya ba ako dahil may kasalanan siya sa'yo?"

Hindi ito nagsalita. Nakatitig lang ito sa akin. Gano'n pa rin. Wala siyang reaksyon sa sinabi ko.

Nanunumbat na nagsalita ako. Mahina ngunit mariin at alam kong narinig niya. "Sana sinabi mo na lang sa akin. Hindi mo kailangang idamay ang anak ko."

"Magsalita ka please? Anong kasalanan niya sa'yo?"

"Sundin mo na lang ang gusto ko. Mamayang gabi, sa hotel na itetext ko. Nando'n siya. Nando'n din ako. Ang gusto ko, gumawa ka ng paraan kung paano mo siya madadala sa akin. Room 308. Naiintindihan mo? Huling chance mo ito. Huwag mo akong ginagalit at baka hindi mo magustuha  ang mga gagawin ko."

Tumango ako. Kasabay no'n ang pagkawala ng tawag.

Nanlulumong napasandal ako sa likuran ng inuupuan ko.

BEAT OF LIES (COMPLETED)Where stories live. Discover now