Chapter 25 IVAN RIOS

16 1 0
                                    

Note: this is the full chapter 25, read it again. Thank you! Just a half pov of Ivan Rios.

IVAN RIOS

Muli silang nagkantiyawan. Umiling na lang ako sa katarantaduhan ng mga kaklase ko.

"Ikaw Ivan? Bakit ayaw mo pang maggirlfriend? Pwede naman na ah?" Sabi ng kaklase kong babae.

Pwede? For fucking sake! We are just seventeen years old and turning eighteen, alright. But,

"Oo nga, Ivan. Available itong si Ana!" Ani ng kaklase kong lalaki.

Bahagya kong sinulyapan ang nagngangalang Ana. Halos mangamatis ang mukha nito sa kantiyawan ng mga kaklase namin. Napailing na lang ako bago ngumisi.

We are currently in second year college. Halos sa buong section namin ay may kanya-kanyang girlfriend or boyfriend pero ako? Nah!

Namulsa ako at tumayo sa aking kinauupuan. Natigil ang kantyawan nila.

Nginisian ko sila. "Ako ba?" Maloko akong ngumisi pa lalo. "Baby pa 'yong gi-girlfrenin ko. Baka kapag niligawan ko ay matakot sa akin."

Malakas akong humalakhak ng halos mahulog ang panga nila sa gulat. Namimilog ang mga mata nila at nakaawang ang mga bibig.

Walang nakapagsalita sa kanila. Iniwan ko silang lahat sa classroom na nakatanga sa akin.

Bahala na sila sa buhay nila. Pero totoo naman ang sinabi ko. Baby-ing-baby pa ang aasawahin ko. Baka kapag niligawan ko sa murang edad, kumaripas ng takbo.

Napailing na lang ako. Nakalabas ako ng school. Tumawid ako sa kabilang kalsada at doon tumambay sa bilihan ng mga fishball.

Private college school ang pinapasukan ko pero sa kaharap na tawid nito ay may public school for elementary kaya minsan kapag uwian na, naghahalo ang mga college at mga elementary sa kalsada.

"Ariana, kain tayo fishball. Libre namin ni Mark!"

Nabitin ang akmang pagsubo ko sa fishball nang marinig ko ang bagay na iyon. Napantig ang tenga ko sa narinig. Nakasimangot na nilingon ko ang gawi nila.

Mga batang 'to! Grade six palang pero ang haharot na! Tsk.

Tumitig ang paningin ko sa batang babae na may mahabang buhok. May headband itong suot sa ulo.

Bata ka pa pero ang dami ng nagkakainteres sa'yo. Tsk!

Sinubo ko ang huling fishball na nasa stick bago humalukipkip. Hindi pa rin naalis ang titig ko sa kanila.

"Ayoko, hmm! May pera akong pambili. Baka sabihin niyo na naman wala akong pera na pambili!"

Ngumisi ako. Ganyan nga baby. Tanggihan mo lahat. Ako lang dapat. Dapat ako lang Ariana!

Imagine? Second year college na nagkagusto sa grade six student? What a jerk. Tsk.

"Kuya!"

"Fuck!" Inis na mura ko ng dambain ako ni Mariella mula sa likuran. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya.

"Alam kong nandito ka." Malaki ang ngiti niya. Tinaas taas pa nito ang dalawang kilay.

Napatawa ako sa kanya. Tsk. Inakbayan ko siya.

"Ewan ko sa'yo. Chismosa ka talaga ng buhay ko."

Sabay kaming natawa sa sinabi ko pero napahinto din sa narinig namin.

"Halika na, Ariana. Umuwi na tayo. Magagalit si Papa. Ang bagal bagal mo!"

"Pero kuya,"

"Gusto mong mabugbog?" Maangas na sabi ni Enzo.

BEAT OF LIES (COMPLETED)Where stories live. Discover now