Chapter 19

15 1 0
                                    

Halos mapanganga ako sa bahay na hinintuan ng owner jeep type na sasakyan ni Ivan. Sa sobrang laki, matatawag mo na ito na mansyon.

Automatic na bumukas ang higanteng gate at tumuloy ang sasakyan namin papasok sa loob. Limang minuto lang nakarating na kami sa tapat ng malaking pintuan.

Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakababa sa sasakyan. Nakanganga lang ako sa malaking bahay. Namamangha sa laki at ganda nito at the same time, kinikilabutan.

Para siyang hunted house. I mean, malaki siya katulad ng mga napapanuod ko sa mga palabas sa TV. Tipong panghunted house na para bang walang nakatira, though maganda ang paligid at malinis pero nakakatakot. Masyadong tahimik sa malaking bahay. May nakatira ba dito? Parang wala? Sobrang tahimik!

Marahas akong lumunok. Pakiramdam ko kapag pumasok ako sa loob, mahihimatay ako sa takot.

"Lets go?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita mula sa likuran ko si Ivan. Nanlalaki ang mga matang hinarap ko siya. Kunot na kunot ang noo niya. Nagtatanong rin ang mga mata niya na para bang sinasabi niya na kung ano ang nangyare sa akin.

Pilit akong ngumiti at tumango sa kanya. Malakas na kumabog ang dibdib ko at parang kakapusin ako ng hininga nang hawakan niya ang kamay ko at hilain papasok sa loob ng bahay.

Mabibigat ang paa na sumunod ako sa kanya. Panay rin ang paglunok ko sa takot. Samahan mo pa na hindi ako mapakali dahil hawak hawak niya ang kamay ko.

"Welcome to my home..."

Natigilan ako. Huminto si Ivan nang makapasok kami. Napahinto rin ako pero nanatiling hawak niya ang kamay ko.

"S-sayo 'to?" Mahinang tanong ko.

Lumingon siya sa akin. Kumuyom ang isang kamao ko nang malungkot siyang ngumiti sa akin at tumango bago nag-iwas ng tingin.

Napatitig ako sa kanya. Namigat ang dibdib ko. By just seeing how sad he is, parang sinasakal ang puso ko. Masakit. Mabigat. Nasasaktan din ako.

Pakiramdam ko, no, nakikita ko ito dati pa. Minsan nakikita ko na malungkot talaga si Ivan. Hindi ito ang unang beses na nakita ko iyon pero hindi niya pinapahalata.

"You want to rest?"

Muli niya akong nilingon. Tinanguan ko siya. Hinila niya ulit ako paakyat sa mahabang hagdanan hanggang sa buksan niya ang isang kwarto.

Akala ko kanina, kapag nasa loob ka na, madumi or luma ang loob pero mali pala ako. Sobrang ganda. Mahihiya ang alikabok sa makikintab na sahig at fornitures.

"Ikaw lang ba ang tao dito?" Anang ko pagkapasok namin sa loob ng isang master bedroom.

Room niya ba 'to?

"Yep. Maligo ka muna bago ka magpahinga." Kinunutan ko siya n g noo nang talikuran niya ako.

Mabilis kong hinawakan ang braso niya at pinigilan ang pag-alis niya.

"S-saan ka pupunta?" Kinakabahang tanong ko.

Bukod sa ayaw kong iwanan niya ako, natatakot din ako dito sa bahay niya na mag-isa! Jusme! Baka may multo sa laki nito.

Napabitaw ang pagkakahawak ko sa braso niya nang lingunin at humarap siya sa akin. Malalim niya akong tinitigan kaya nailang ako at napayuko pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Na para bang manghang-mangha siya.

"You scared?"

Lumunok ako at mabilis na umiling sa kanya. Ngumisi siya. Malakas ang pagtibok ng puso ko. Nataranta ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Umantras ako nang umantras hanggang sa bumangga ang binti ko sa kama. Bahagya ko iyong sinulyapan.

"I-ivan!" Nangatal ang labi kong naisigaw ang pangalan niya.

"What? Wala pa akong ginagawa." Ngising turan niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Gusto kong ipakita sa kanya na galit ako. Ayokong isipin niya na naaapektuhan ako sa tuwing malapit siya sa akin.

"Uuwi na ako." Mariin kong sabi.

"Says who?" Nakakalokong sabi niya.

Napasimangot ako. Inis kong binangga ang gilid niya para makaalis na pero gano'n na lamang ang singhap at gulat ko nang mabilis niyang nahawakan ang braso ko at hilain patulak sa kama. Sa gulat ko, nahila ko ang damit niya at sabay kaming bumagsak sa kama.

Ako habang nakahiga sa kama habang si Ivan ay nakapatong sa akin. Parehas na awang ang labi namin. Parehas na hindi inaasahan ang nangyare.

Kulang na lang lumabas ang puso ko sa lakas ng kalabog nito. Nahigit ko ang hininga nang kuhain niya ang dalawang kamay ko at pagsaklubin ito bago ilagay sa uluhan ko.

"I-ivan," malat ang boses na ulit ko pa.

Nanunuyo ang lalamunan ko. Dinilaan ko ang labi para mabasa iyon at maibsan ang panunuyo nito pero mali ata ang ginawa ko dahil napasunod doon ang tingin ni Ivan. Kitang-kita ko kung paano siya lumunok at kung paano umalon ang adams apple niya. Umuwang ang labi ko nang dumilim ang mukha ni Ivan at rumiin ang titig sa aking labi.

"I-ivan..."

Muling tawag ko sa pangalan niya. Ilang beses akong lumunok ng sariling laway sa sobrang nerbyos ko. Umakyat ang tingin ni Ivan sa mga mata ko. Halos maduling ako sa pagtitig sa mga mata niya.

"Isang kasalanan na kailanman ay hindi ko pinagsisihan."

Makahulugang sabi niya. Nagtaka ako. Bumuka ang labi ko para sana magtanong pero nawala ang lahat ng wisyo ko sa katawan at tila na blanko ang utak ko nang bumaba ang ulo nito at ilapat ang malamig niyang labi sa aking labi na nagdulot ng bulta-bultahing pakiramdam sa akin. Bagay na si Ivan lang ang nakakagawa sa akin.

BEAT OF LIES (COMPLETED)Where stories live. Discover now