Chapter 16

15 2 0
                                    

"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tila nabingi ako sa kanyang sinabi. Nanginginig ang boses ko sa pagtatanong. Ilang sekundo akong natulala sa kanya. Awang ang labi.

Mula sa maskarang nakatakip sa kanyang mukha, nagbaba ang aking paningin sa mga daliri niyang inumpisahan na namang laruin, paikutin ang baril sa kanyang mga daliri.

Kapag ginagawa niya ang bagay na iyon, mas lumalakas ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko matandaan pero parang nakita ko na 'yon. Hindi ko maalala kung sinong tao ang palagi kong nakikita na gumagawa niyan.

Pinilit kong maalala pero wala talagang pumapasok sa isipan ko kung sino. O, baka naman paranoid lang ako at talagang mannerism niya iyon? O, kahawig lang sa taong hindi ko maalala kung sino rin ang gumagawa ng bagay na 'yon?

Hindi nagsalita ang lalaki. Mariin lang itong tumitig sa akin. Nailang ako. Akmang bubuka ang labi ko para sana ulitin ang tanong nang kumurap-kurap ang screen.

Nanlaki ang mga mata ko. Kumukutitap ang screen ng laptop. Nagsasalita ang lalaki pero hindi ko maintindihan. Sagarak ang boses na para bang putol-putol ang signal.

Nataratanta ako at pindot-pindot ang escape button pero ayaw mapindot. Kahit anong pindot ko sa ibang pindutin ayaw gumana hanggang sa malakas akong suminghap nang magblock out ang screen.

"Oh, shit! Anong nangyare?"

Taranta kong kinuha ang charger at isinaksak sa laptop at sa outlet. Mariin kong naipikit ang mata nang magpop up sa black screen ang zero percent.

Lowbat!

Ano ka ba naman Ariana! Kinalimutan mong icharge!

Halos kutusan ko na ang sarili sa katangahan. Napakagat pa ako sa koko nang makaramdam ako ng kaba. Baka sabihin ng lalaking 'yon ay basta ko na lamang siyang pinatayan!

Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Pero hindi pa man umiinit ang pwetan ko sa pagkakaupo nang may malalakas na katok sa pintuan.

Nilukuban ako ng takot. Gabing-gabi na? Sino naman ang kakatok ng ganitong oras.

Sa takot na masamang tao iyon, hindi ko binuksan. Napasiksik ako sa gilid nang lumakas ang mga katok sa pintuan.

Tinakpan ko ang mga tenga para wala akong marinig kahit na imposible iyon, sa lakas at halos magigiba na ang pintuan.

"Damn, Ariana! Open this fucking shit!"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Napatayo ako bigla. Parang may sariling pag-iisip ang mga kamay at paa ko nang kumilos sila para mapagbuksan si Ivan. Huli na nang mapagtanto ko ang aking ginawa. Bumungad sa akin ang hinihingal na na si Ivan. Kasing dilim ng gabi ang lukot nitong mukha. Naglalabasan ang ugat sa mga kamay na mariin na kumukuyom. Nag-iwas ako ng tingin nang magtagpo ang aming paningin at salubungin niya ng matalim at nagbabagang mata.

Nag-aakusa ang mga mariin nitong titig sa akin.

"I-Ivan..."

"May anak ba ako sa'yo?" Matigas na sabi nito.

Halos marinig ko ang pagbangga ng mga ngipin nito sa tigas at riin niyang magsalita.

Mangiyak-ngiyak akong umiling. Bigla akong natakot sa kanya.

Umangat ang dulo ng kanyang labi. Bahagya iyong nanginig sa galit bago niya mariing kinagat iyon na para bang nagtitimpi siya.

"May anak ako sa'yo." Derektang sabi niya.

Suminok ako. "Hindi mo siya tanggap..."

Nanghihinang sabi ko. Nanlabo ang mga mata ko sa pag-ipon ng luha dito. Pero kahit gano'n, hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglambot ng mukha niya ngunit mabilis lang iyon at napalitan ng walang emosyon.

"Nasa'n siya?"

Hindi katulad kanina na para niya akong lalamunin ng buhay, ngayon mahina na ang pagkakatanong niya at malumanay.

Napatakip ang palad ko sa mukha at doon humagulgol ng iyak. Parang sa isang iglap, ang sama ng loob ko ay bumuhos. Ang bigat sa dibdib ko ay tuluyan ng kumawala.

Panay ang iling ko sa kanya. Hindi na nga siguro ako makapag-isip ng tama at sinabi ko sa kanya ang lahat. Kung nasaan ang anak namin. Na may kumidnap dito. Ang tungkol sa mga pinapagawa niya sa akin.

Hindi siya nagsalita. Hinayaan niya akong umiyak ng umiyak at magsalita.

"Tubig?"

Napapitlag ako ng magsalita siya. Ilang minuto ang nakakaraan ng akayin niya ako paupo sa sala. Hinayaan niya akong mahimasmasan. Napatulala na lang ako at hindi ko namalayang umalis siya sa tabi ko.

Nag-angat ako ng ulo. Nakatayo siya sa harapan ko habang inilalahad sa akin ang baso na may tubig.

Bahagya ko siyang nginitian bago tanggapin ang baso.

"S-salamat."

Mahinang sabi ko. Muli siyang umupo sa tabi ko.

"I want to see that fucking ashole."

Napalunok ako sa malutong niyang mura. Sumulyap ako sa laptop na nakasaksak sa gilid. Umiling ako kay Ivan.

"Nalowbat kasi ang laptop kanina. Hindi ko rin alam kung paano siya makokontak. Siya kasi ang tumatawag sa akin. Paiba-iba pati ang gamit niya."

"Mag-aantay ako hanggang sa kontakin ka niya. Gusto ko siyang makaharap."

Marahas akong lumingon sa kanya habang panay ang iling.

"Hindi pwede. Malalaman niya na may nakakaalam na. Mapapahamak ang anak ko."

"Anak natin. Anak natin, Ariana." Matigas niyang sabi.

Bayolente akong lumunok at umiwas na lang ng tingin sa kanya.

"Mag-aantay ako."

Tumango na lang ako sa kanya. Muli kaming natahimik. Nakakabingi ang katahimikan. Panay ang lunok ko at hindi mapakali ang kalooban ko habang katabi siya sa mahabang upuan.

Bawat sekundo na lumilipas, pabilis rin ng pabilis ang pagtibok ng puso ko knowing na katabi ko lang siya. Hindi ako makahingi sa sobrang katahimikan.

"What's her name?"

Natigilan ako. Kumibot ang labi ko. Napayuko ako at marahang pinisil ang isang palad. Nangilid ang mga luha sa mata ko.

Ayaw kong makita niya ang reaksyon ko. Ayokong makita niya na papaiyak ako. Ayokong makita niya na nasasaktan ako.

Sa kada araw na iisipin ko na yung pangalan ng anak ko ay kapangalan ng babaeng mahal niya, nasasaktan ako. Tapos ngayon na tinatanong niya kung ano ang pangalan ni Riella, nadudurog ang puso ko.

Mas masakit na sabihin sa mismong harapan niya ang pangalan na iyon kaysa sa araw araw kong naiisip na kapangalan ng anak ko ang pangalan ng babaeng mahal niya. Nahihirapan akong tanggapin pero kailangan.

"Mariella Ally..." halos bulong na sabi ko.

Ramdam ko ang pagkabato niya sa kanyang kinauupuan. Hindi ko siya kayang lingunin.

Mas masasaktan ako. Tumulo ang luha sa kaliwang mata ko kasabay ng mas lalong pagkasakal sa puso ko.

BEAT OF LIES (COMPLETED)Where stories live. Discover now