Chapter 15

15 2 0
                                    

Katulad ng sinabi ng lalaki, sinunod ko ang gusto niya. Nalaman ko na Casino pala ito at sadyang may hotel sa kabilang building kung saan, doon niya ako pinapapunta kasama si Papa.

Namuhi ako kay Papa. Nandito lang pala siya nagpapakasaya tapos ano? Ako naghihirap. Napakaselfish niya.

Hinanap ko siya sa loob ng Casino. Halos mangiyak-ngiyak ako nang matagpuan ko siya.

Masayang masaya ito habang naglalaro ng baraha at may babae sa magkabilaan niya at nakaakbay siya sa mga ito.

Nagdilim ang paningin ko sa nakikitang tawa nito habang may sinasabi sa mga babae at tila bulate na binudburan ng asin kung kiligin.

Nawala ako sa sarili. Mabilis kong nakuha ang isang baso ng tubig na nakita ko sa isang lamesa. Lumakad ako sa table nila at mabilis iyong isinaboy sa mga babae niya.

Malakas na nagsinghapan ang mga tao sa table nila. Napatayo silang lahat sa gulat. Nagulo ang mga baraha at mga chips na taya nila. Halos tumaob ang lamesa sa pagkabigla nila. Ang ilang mababasaging baso ay nahulog at nabasag.

Gulat na gulat na napatitig sa akin si Papa. Nanlalaki ang mga mata. Matalim ko siyang tinitigan.

Awang ang labi nito pero saglit lang iyon dahil bumakas ang galit sa mukha nito.

"Ariana!"

Malakas akong suminghap ng sa isang iglap nakarating siya sa pwesto ko. Mariin niyang hinigit ang braso ko at kinaladlad palabas. Parang nahimasmas ako. napasigaw ako sa sakit ng ginagawa niya.

"Papa, m-masakit po!"

Galit niya akong nilingon at tinulak ng malakas. Dumaing ako sa sakit ng pwet ko. Mabilis akong tumayo at hinarap siya. Hindi ininda ang masakit kong pwet.

Nakarating kami sa hallway na walang katao-tao.

"Buwiset kang bata ka! Sinira mo ang gabi ko! Wala ka talagang kwenta! Pera na naging bato pa!"

Kumibot ang labi ko. Mangiyak-ngiyak ko siyang dinuro-duro.

"Ang sama mo talaga! Nagpapakasaya ka dito samantalang ako, iyong anak ko, nahihirapan sa bagay na ikaw mismo ang gumawa! Ikaw ang walang kwenta!" Paglalabas ko ng hinaing sa kanya.

Naguluhan ito. Pero bumakas ulit ang galit sa mukha nito.

"Oh, e, ano naman ngayon? Kung may utang na naniningil at hindi ko mabayaran, kasalanan mo na 'yon! Pakialamera ka! Panalo na sana ako!"

Napailing ako sa kanya.

"Hinahanting ka niya."

Natigilan ito at kunot-noong tumitig sa akin. "Ano?"

"Anong ginawa mo, Pa?" Mariin na sabi ko. "Kinidnap niya ang anak ko dahil sa ginawa mo sa kanya! Pa, utang ng loob, sumama ka sa akin. Iligtas natin ang anak ko!" Pagmamakaawa ko sa kanya.

Nabakasan ng takot ang mukha niya. Bahagya pa siyang umantras.

"S-sino?"

Napaiyak ako. Umiling ako sa kanya. "Hindi ko kilala. Pa, anong kasalanan ang nagawa mo? Ano ba talaga ang ginawa mo sa lalaking iyon?"

Mas lalong nalukot ang mukha at tila napatulala saglit. Kalauna'y nabahiran ng sobrang takot ang mukha niya.

"M-magsumbong tayo sa Police." Nanginginig na sabi nito.

Inilingan ko siya. "Huwag! Baka mapahamak ang anak ko."

"Kaysa naman ako ang mapahamak!"

"Sinasabi niyo talaga 'yan? Napakawala niyong puso sa anak ko!"

Nabahiran ng galit ang mukha ko pero tinapatan iyon ng galit na mukha ni Papa.

"Wala akong pakialam sa inyo! Magsusumbong ako sa Police!"

Akmang aalis siya nang taranta kong hinawakan ang braso niya at galit na sinigawan siya.

"Don't you dare, Papa! Iyong Police nga na tatay ng anak ko hindi ko ipinaalam tapos sasabihin niyo pa sa iba? Maawa ka naman sa anak ko!"

Malakas akong suminghap. Malakas niyang tinampal ang braso ko. Nabitawan ko siya.

"Pap- ah!" Malakas niya akong itinulak.

Tumakbo siya. Sinigawan ko siya ngunit patuloy itong tumakas.

Bumwelo ako sa pagtayo. Akmang hahabulin ko siya nang makarinig ako ng tikhim mula sa likuran ko.

Marahas ko iyong nilingon. Namutla ako. Halos matuod ako sa kinatatayuan. Ang madilim na awra nito ang sumalubong sa akin. Nagbabaga ang bawat titig niya sa akin. Umiigting ang perpektong bagang. Nakakuyom ang mga kamao.

P-paanong nandito siya?

"Anong sinasabi mo na Police ang Ama ng anak mo? Anong problema niyo? Sa anak mo? Sinong Ama?"

Nanlaki ang mga mata ko. Sa taranta ko mabilis akong napatakbo palayo sa kanya. Galit niyang tinatawag ang pangalan ko pero mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Rinig ko pa ang malalakas niyang mura.

Mabilis na mabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Bakit narinig niya pa iyon? Bakit nandon siya? Narinig niya ba ang sigawan namin ni Papa?

Inis kong sinabunutan ang sarili ko sa kakaisip na sa dinami-dami ng lugar, oras, araw, bakit nandon pa siya mismo kung nasaan kami nag-uusap ni Papa.

Mangiyak-ngiyak akong nakarating sa bahay. Magkakalahating oras na mula ng makauwi ako.

Nag-iisip ako kung paano magpapaliwanag sa lalaking 'yon. Idagdag mo pa sa problema ko ang tungkol kay Ivan. Paano kung hanapin niya ako? Paano kung usisain niya ako lalo na't isa siyang Police.

Naguguluhang sinabunutan ko ang ulo. Ang sakit na ng anit ko sa kakasabunot sa sarili. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa maraming problema na kinahaharap ko.

Napaintad ako sa malakas na tunog na nagsasabing mag tumatawag. Suminghap ako sa takot. Nanginginig ang katawan ko. Dumadagundong ng malakas ang kaba sa dibdib ko. Nahigit ko ang hininga sa pagpindot ng accept button.

"Ta*****! g*nag*go mo ba 'ko?!" Ang pagbungad nito sa akin sa screen.

Malakas akong umintad sa nagngangalit niyang paghampas sa lamesang nasa kanyang harapan. Nanginginig ang kamay kong tinakpan ang aking mukha at umiyak ng umiyak. Pakiramdam ko wala ng pag-asa. We are trapped in him. I am trapped in him.

"P-please... h-huwag mong sasaktan ang anak ko..." pagmamakaawa ko sa kanya.

Wala akong nadinig mula sa kanya. Muli akong tumingin sa malaking screen sa aking harapan. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya dahil sa maskarang nakatakip sa kanyang mukha. Tanging ang kanyang matatalim na mata lamang ang aking nakikita.

Sa isang iglap, parang bigla itong kumalma.

"You know, I like beautiful girls. Nasabi ko naman sa'yo na maganda ka at gusto ko iyon."

Marahas akong lumunok nang magdekwatro ito ng upo at humalukipkip.

"You dissapoint me nang hindi mo nagawa ang gusto ko. Alam mo naman na nasa akin ang anak mo at kayang-kaya ko siyang.... hmmm... alam mo na."

"P-please.... h-huwag ang anak ko..."

"I'll give you a chance to make it up for me."

Hindi ko man nakikita ang kanyang mukha pero alam kong nakangisi siya. Kinabahan ako sa balak niya. At tuluyan kong nahigit ang aking hininga sa mga salita na kanyang sinambit.

"Have s** with me and you'll be forgiven...."

BEAT OF LIES (COMPLETED)Where stories live. Discover now