Chapter 24

18 1 0
                                    

"Wala na siya. Iniwan niya na ako. Iniwan niya na ako, Ariana!"

Nanghina ako. Napaiyak ako nang makitang ganito ang kuya ko. Hindi kami close pero mahal ko sila ni Papa. Ayokong makita sila na ganito.

Padausdos na sumalampok sa sahig si kuya. Sinabunutan niya ang kanyang sarili at doon humagulgol ng iyak.

"Kuya... hindi ko maintindihan. Sino kuya? Sino?"

Umiling siya. "Wala na siya. Patay na ang babaeng mahal ko. Wala na ang pangako niya sa'king lalaban siya. Wala na siya. Hindi na namin matutupad ang aming pangarap. Iniwan niya na ako. Patay na siya. Patay na ang Mariella ko."

Namanhid ang lahat sa akin. Hindi pa man ako sure pero parang natrauma na ako sa pangalan na iyon kaya kapag nakakarinig ako ng pangalan na iyon, iisang tao lang ang sa tingin ko na siya.

Nanginginig na pinagpantay ko ang mukha namin ni kuya. Patuloy siyang umiyak ng umiyak.

"M-mariella, kuya? Sinong Mariella? Kuya... i-ikaw ba si N? Ikaw na siya kuya?" Mangiyak ngiyak kong sabi.

Namamaga ang matang tumitig ito sa akin. "I'm sorry... pati ikaw nadamay. Pati kayo ni Ivan nadamay. Patawarin mo kami ni Papa, Ariana. Patawarin mo kami."

Umiling ako sa kanya. Hindi iyon ang gusto kong malaman. Hindi iyon ang sagot na gusto ko.

"Sagutin mo ako kuya." Mariin na sabi ko.

Umiling ulit siya sa akin. "Puntahan mo si Ivan." Suminghap siya. "Kailangan ka niya. Damayan mo siya."

"Kuya..."

"Wala na si Mariella. Mas nasasaktan si Ivan. N-nawala sa kanya ang kapatid niya..."

Suminghap ako sa gulat. "K-kapatid niya si Mariella? T-totoo na kuya?"

"Bunsong kapatid..."

Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Napatakip ako sa mukha at doon umiyak ng umiyak.

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin. Naguguluhan ako. Nasasaktan ako.

Kaya pala ganoon ang pagmamahal niya kay Mariella dahil kapatid niya ito. At ang dahilan kung bakit nawala kay Ivan ang kapatid niya ay ang pamilya ko.

Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa hospital na sinasabi ni kuya.

Nakarating ako sa morgue ng hospital.

Sa malayo palang ako dinig ma dinig ko na ang sigaw at iyak ni Ivan.

Napaiyak ako. Napahawak ako sa dibdib kung saan banda nakalagay ang puso. Nilakumos ko ang damit sa sakit na nararamdama ko.

Bawat sigaw. Hinagpis at iyak ni Ivan mas duble ang balak na ibinigay sa akin.

Bakit kailangan na ganito? Bakit kailangan si Ivan pa at ako? Kung hindi ba kami nagkakilala, hindi ba ito mangyayare sa kapatid niya at sa kanya? Kung hindi ba nagkakilala ang mga pamilya namin masaya pa rin kaya si Ivan?

"Mariella! Huwag mo akong iiwan. Gumising ka! Huwag mo kong iwan! Ahhhh!"

"Ivan!" Dinig ko na sigaw ni dating General Ryker. Maging ang mga kabigan nitong sila leutenant at General Arnold ay sumigaw na din.

Umintad ako at halos mapatalon sa gulat nang makarinig ako ng mga lagabog at sigawan.

Kinabahan ako. Mabilis akong napatakbo sa pintuan at sumilip.

Humikbi akoat impit na napaiyak ng makita ang kalagayan sa loob. Umaagos ang dugo sa kamao ni Ivan sa pagsuntok sa pader. Pilit na nilalayo nila Ryker si Ivan dahil gusto nitong magwala.

"Umayos ka Ivan! Hindi ito magugustuhan ni Mariella!" Madilim na mukha na ani ni Ryker.

"Putang-ina, Ivan! Masakit, oo pero kailangan mong bigyan ng katahimikan ang kapatid mo." Arnold.

"Ivan... bigyan na natin ng magandang libing ang kapatid mo. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na makitang ganito ka..."

Muling ni yakap ni Ivan ang wala ng buhay na si Mariella at muli na namang lumakas ang iyak nito.

Kinagat ko ang nanginginig na labi ko. Hilam ng luha ang aking mata at namamaga pa. Nag-iwas ako ng tingin kay Ivan. Hindi ko kayang makita na ganito siya.

Wala sa sariling dumako ang paningin ko kay Ryker. Halos mamulat sa gulat ang namimikit kong magang mata nang magtama ang paningin namin.

My lips parted a bit. He shook his head as if, he was telling me na huwag magpakita kay Ivan.

Kumibot ang labi ko tumango. Dahan-dahan akong napaalis sa pintuan. Tumalikod doon at nagsimulang lisanin ang lugar na iyon.

Sa bawat hakbang ko pabigat ng pabigat ang dibdib ko. Sa bawat pag-apak sa tiles, palakas ng palakas ang aking hikbi.

Tama naman si Sir Ryker. Hindi ako dapat magpakita kay Ivan. Sigurado ako. Kamumuhian niya ako. Kinamumuhian niya ako.

Isang linggo ang lumipas nang mailibing na si Mariella. Wala akong narinig na kahit ano patungkol kay Ivan.

Nanatili akong nasa loob ng aking kwarto sa lumipas ng mga linggo. Natatakot akong alamin ang mga bagay tungkol sa kanya. Pero mas natatakot akong magpakita pa sa kanya.

Dumako ang paningin ko sa aking cellphone ng tumunog ito. Mabilis ko itong dinampot.

From kuya Enzo:

Tutuloy ka?

Kumibot ang aking labi. Nireplayan ko si Kuya.

Ariana:

Oo. Buo na ang pasya ko.

Bahagya akong napasulyap sa di gulong na maletang nasa gilid.

Napagdesisyunan ko kasing sa Probinsya na muna ako. Gusto kong ipahinga na muna ang isipan ko sa lahat ng bagay kahit pa alam ko naman na malabo iyon.

Ang kapal ng mukha ko no? Ako pa ang may ganang lumayo at magpakalimot samantalang mas may higit pang nasasaktan kaysa sa akin.

Si Riella, ang sama ko ring Nanay dahil iiwan ko siya ng hindi man lang magpapaalam. Alam kong maaalagaan at mabibigyan siya ng magandang buhay ni Ivan kaysa sa akin. Alam kong kamumuhian niya ako dahil sa pag-iwan ko. Ngayon palang nasasaktan na ako.

Masakit ang mundo para sa amin ni Ivan. Hindi kami pwede. Hinding hindi kami magiging pwede.

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking pisngi.

Inopen ko ang message ng may magpop up ulit.

From kuya Enzo:

Mag-iingat ka.

Napangiti ako.

Ariana:

Ikaw rin...

Message sent!

Huminga ako ng malalim. Ilang araw ng wala si Kuya. Alam kong hindi pa rin niya tanggap na wala na si Mariella kaya gunagawa siya ng paraan para malibang siya at makalimot.

Sana dumating din ang araw na maging masaya na si kuya, at sana ako rin.

Akmang aalis ako ng kama nang mapahinto ako. Napahawak ako sa aking bibig ng para akong masusuka. Bumaliktad ang sikmura ko.

Pinigilan kong hindi masuka pero hindi ko nagawa at mabilis na napatakbo sa lababo ng CR. Matapos kong masuka nagmumog ako. Stress na nag-angat ako ng ulo at napatitig sa mukha ko sa salamin. Horror filed in my whole face.

H-huwag mo sabihing buntis ako?



Next chapter Ivan pov. Thanks for reading!

BEAT OF LIES (COMPLETED)Where stories live. Discover now