Chapter 6

21 2 0
                                    

'Ganito lang siguro siya kapag sa trabaho... Seryuso. Para siyang ibang tao na.'

"Ganon ba? Sige susunod ako." Mahina ngunit mariin nitong sabi.

Nagpaalam si Reyes at iniwan kaming dalawa ulit. Tahimik lamang kami habang muli niyang pinaglaruan ang aking mga palad. Panay ang bilog niya doon ng kung ano. Seryuso pa rin ang mukha niya tila may kung anong bagay siyang iniisip.

"C-captain..." mahina kong pagtawag sa kanya ngunit sapat na iyon para madinig niya.

Natigilan ito at dahan-dahan na nag-angat ng mukha sa akin. Bahagya akong ngumiti na nauwi sa isang ngiwi nang wala siyang ibang reaksyon kundi ang tumitig sa aking mukha. Tila ba pinag-aaralan ang bawat sulok ng aking mukha. Tumikhim ako.

"C-captain... u-uwi na ako..."

Kumunot ang noo nito pero mabilis ding nawala at napalitan ng isang ngisi. "Damn, baby. Ang sarap sa tenga ng boses mo. Pero...."

Nahigit ko ang hininga ng ilapit niya ang mukha sa aking mukha. Itinagilid niya ang ulo at sexing bumulong sa aking tenga.

"I prefer you to call me, Mahal ko, baby, or my name, Ivan. I'm sure. Mas maganda iyong pakinggan sa aking tenga. Lalo na kapag umuungol ka."

Napasinghap ako sa gulat ng mabilis niya akong hinalikan sa labi at hinila patayo. Mariin niyang hinawakan ang aking kamay habang hila-hila ako palabas. Nang makalabas sa kanyang Office, nadaanan namin ang Police kanina at ang mga taong kasama kong nahuli sa paglabag. Kapwa nakaupo ang mga ito sa mono-block at sa harapan nito ang Police kanina at nagsasalita. Nagpapangaral sa mga ito. Huminto si Ivan kaya napahinto din ako.

"Alcazar!"

Natigilan ang lahat at napalingon sa amin. Lumunok at namula ang aking mukha nang makuha ko ang atensyon ng iba. Ang iba'y nagtataka. Ang iba naman ay may ngising nakapataw sa kanilang mga labi.

"Captain?" Ngising utas nito.

"Balato mo na sa 'kin 'tong girlfriend ko. Ako na ang magtuturo ng leksyon dito. Pagkatapos niyan, pauwiin mo na ang mga 'yan."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ivan. Naghiyawan ang mga Police kaya lalo akong nahiya at kagat labing yumuko. Halos itago ko na ang aking sarili sa likuran ni Ivan.

'Hindi niya ako girlfriend!'

Piping tanggi ko.

"May girlfriend ka pala, Cap?!" Ngising pang-uuyam ni Alcazar.

"Naman!" Balik na sigaw ni Ivan bago ako hilain palabas ng quarters.

Panay ang congrats ng mga Police na nakakasalubong namin. Hindi pa rin nawala ang panunukso at hiyawan nila. Tinatawanan lamang sila ni Ivan habang ako ay wala ng mukha na maihaharap sa pagkapahiya. Pulang-pula ang aking mukha.

Buong byahe tahimik lamang kami sa loob ng kanyang sasakyan. Panay ang silip ko sa kanya sa gilid ng aking mata. Kung titignan siya ngayon parang ibang tao na naman siya.

Seryuso ang kanyang mukha at pa-iba-iba ng expression. Minsan malungkot ang kanyang mata at mamaya-maya, mababakasan ito ng galit pagkatapos malulukot ang mukha niya at tipong nagtitimpi lamang siya. Panay rin ang pagtiim-bagang niya. Pero maya-maya ulit balik na naman sa seryuso at malamlam ang kanyang mukha.

Patago akong bumuntong-hininga. Hindi ko siya maintindihan. Ganyan ba talaga siya? Napakamoody. Ang hirap niyang espelingin.

Sabagay? Hindi ko rin naman talaga siya kilala.

"Nandito na tayo...."

Natigilan ako at napatingin sa labas.

Huh? Kunot-noong tumitig ako sa school na pinapasukan ko.

Sinabi ko ba sa kanya kung saan ako nag-aaral? Parang wala naman akong matandaan na nabanggit ko iyon.

"Baby?"

Lumingon ako sa kanya. Bumalik na naman ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. Pabago-bago naman ang mood nito. May alter ba siya?

"Hey!" Napaintad ako nang hawakan niya ang aking hita. "Ba't di ka nagsasalita?"

Ngumiwi ako at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa aking hita ngunit hindi ito maalis. Nagsimulang pumisil ang kanyang kamay sa aking hita. Napasinghap ako nang ilusot niya ang kamay sa ilalim ng aking mini skirt.

"B-bastos ka talaga!"

Nanggigigil na sabi ko sa kanya pero nginisian niya lang ako. Patuloy itong humimas sa aking hita na naghatid ng kakaibang init sa akin. Marahas akong lumunok nang may kaunting ungol na lumabas sa aking labi.

"I-itigil mo na 'yan. N-nasa school tayo."

Akala ko hindi niya ako susundin kaya gano'n na lang ang paghinga ko ng maluwag nang tanggalin niya ang kamay sa aking hita.

"Alright, baby. Pumasok ka na. Susunduin kita mamaya."

Nanlaki ang mga mata ko at sabay iling sa kanya. "B-bakit mo ako susunduin?"

Natawa siya. "Bakit hindi? Girlfriend kita di ba?"

Nangatal ang aking labi. "P-pero hindi naman tayo-"

"Ibang klase ka rin baby. Nagsex na tayo lahat lahat, ayaw mo pa rin ng may label." Natahimik ako. Ngumuso siya na tipong pinipigil ang ngising isinusupil ng kanyang labi. Umiling siya. "Sige na. Pasok na sa school. Mag-aral ng mabuti para kapag naging mag-asawa na tayo, kaya mo na akong buhayin." Binuntutan niya iyon ng tawa.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nakasagot nang ipagtulakan niya ako palabas ng kotse. Gulantang ako sa kanya. Kung makatulak siya parang excited siyang paalisin ako. Ni hindi nga siya lumabas ng kotse para pagbuksan ako ng pintuan.

Nang makalabas ako basta na lamang niyang pinaharurot ang kotse pa-alis.

"Grabe.... napakabastos talaga ng lalaking iyon sa kahit anong paraan." Nanggigigil kong sabi.

BEAT OF LIES (COMPLETED)Where stories live. Discover now