Chapter 13

14 2 0
                                    

Kaya ko 'to!

Mabilis kong sinundan si Andrew nang makita ko siyang umalis papunta sa CR. Pasuray-suray ito kung maglakad. Lasing na lasing na ito. Mas lalo akong natakot. Nag-antay ako sa labas ng CR.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung ano ang kailangan ng lalaking 'yon sa Andrew na ito.

Mukha namang hindi mayaman ang matanda na ito. Mas mukha siyang lasenggero. So ano ang makukuha niya? Hindi ko maintindihan.

Umayos ako ng tayo nang makita ko siyang lumabas sa Cr. Bawat hakbang nito, mas lalo akong kinakabahan sa mga gagawin ko. Tumikhim ako nang makalapit siya sa gawi ko.

Nag-angat ito ng ulo. Nginitian ko siya ng mapang-akit. Halos ngumiwi ako sa pagkapilit nito pero parang hindi ito alintana ng matanda dahil nakuha pa nitong lumunok.

Tila nagulat siya sa presensya ko. Ang gulat sa mukha nito ay napalitan ng isang ngisi. Umayos ito ng tayo.

"Ariana..."

Natigilan ako. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ako makahinga. Bigla akong natakot sa pagbanggit nito sa pangalan ko.

"K-kilala mo ako?" Nalilito na tanong ko.

Sigurado ako na never ko pang nameet ang taong 'to. Mas lalong lumawak ang ngisi nito.

"Oo naman! Hindi ba't anak ka ni Densyo? Ang magandang anak ni Densyon." Mabagal na sabi nito.

Kinilabutan ako sa pagsasalita niya.

"A,ahm. S-sige. Aalis na ako."

Mabilis ko siyang tinalikuran pero halos mapasinghap ako nang hawakan niya ako sa braso. Kaagad kong kinuha ang braso ko mula sa kanya. Mabilis na mabilis ang paghinga ko.

"Huwag ka munang umalis. Magsaya muna tayo."

Dinilaan niya ang labi na nagbigay sa akin ng kilabot. Pinasadahan niya ako mula paa hanggang sa tumigil at natuon na lamang sa aking dibdib ang paningin niya. Nataranta ako.

"H-hindi na. Aalis na ako."

Akala ko makakaalis na ako pero halos mapasigaw ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likuran. Sa inis at pagkagulat ko. Nasiko ko ito ng malakas. Nagawa ko ring sipain ito. Malakas itong napahiyaw sa sakit.

Hindi ko siya nilingon. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Galit nitong sinisigaw ang pangalan ko. May pagbabanta. Hinahabol niya ako. Mangiyak-ngiyak kong binilisan ang paglayo sa kanya.

"Aray!"

"Ano ba!"

Hindi ko pinansin ang mga nababangga ko. Ang mga hinaing nila. Malakas ang ingay ng tugtog sa paligid. Hindi ko napansin na napunta na pala ako sa dance floor.

"Humanda ka sa'king babae ka!"

Sa lakas ng tugtog sa paligid, dinig na dinig ko pa rin ang sigaw niya. Hindi ako makahinga sa sobrang hingal. Halos pigilan ko na ang paghinga.

Mas natakot ako nang malapit niya na akong maabutan.

"Puta kang babae ka!"

Napasigaw ako ng nasa likod ko na siya. "Layuan mo ako!" Umiiyak na sigaw ko.

Akmang dadambain niya ako nang malakas akong napasigaw gayon din ang paligid. Maging ang matandang si Andrew ay napasigaw din. Nagkagulo sa buong paligid. Sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid.

Pumalahaw ako ng sigaw at iyak nang madapa ako. Masakit ang paa ko. Napaupo ako. Pagod na ako!

"Huli ka!"

Napasinghap ako sa takot. Nahigit ko ang hininga sa taong ngayon ay nakatayo sa aking harapan. Ang nakakadiring pagnanasa sa mukha nito.

"H-huwag please..." mangiyak-ngiyak kong pagmamakaawa sa kanya.

Mas lumapad ang ngisi sa mukha nito. Akmang hihigitin niya ako nang may magpaputok ulit ng baril malapit sa pwesto ng matanda. Nataranta ito at nagtago.

Kinuha ko ang pagkakataon at muling tumakbo papalayo sa kanya. Nakisiksik ako sa mga taong papalabas ng bar.

Wala na akong pakialam kung hindi ko magawa ang inuutos ng lalaki iyon basta makaalis lang ako sa lugar na ito.

Akala ko matatakasan ko na si Andrew pero halos mamutla ako nang marinig ko na naman siya mula sa aking likuran.

'Tantanan mo na ako! Ba't ayaw mo akong lubayan!'

Nakalabas ako ng bar. Mas binilisan ko ang pagtakbo. Malalim na ang gabi kaya kakaunti na lang ang mga tao.

"Buwiset kang babae ka! Papatayin kita sa sarap kapag nahuli kita."

Nanginginig ako sa takot. Nanlalambot ang mga binti ko. Kumikibot ang labi ko sa takot. Nanlalabo na rin ang paningin ko.

Pumasok ako sa isang iskinita para iligaw siya. Lumiko ako sa kanan at pagkatapos sa kaliwa.

Patuloy ako sa pag-iyak at pagtakbo. Hindi ko na marinig ang galit na boses ni Andrew. Tila naging bingi ako kung simisigaw ito pero alam kong kasunod ko siya. Naririnig ko ang paghabol niya sa akin. Ang mga yabag nito.

Muli akong lumiko sa kaliwa pero halos manigas ako ng dead end na ang napuntahan ko. Nanghina ako. Ilang beses akong himikbi sa kawalan ng pag-asa.

Hinahabol ko ang aking paghinga. Puno luha ang mata ang pisngi ko. Pinunasan ko ito pero ayaw tumigil.

Lumibot ang paningin ko sa dead end na lugar na ito. Sa gilid nito ay maraming basura. Nakakita ako ng bakal. Mabilis kong kinuha iyon at humarap sa mga yabag ng paa papalapit sa gawi ko.

Humigpit ang hawak ko sa bakal. Malapit na siya. Malapit na malapit na siya. Tila nabingi ako at tanging malakas na tibok ng puso ko na lamang ang naririnig ko.

Mas humigpit ang hawak ko sa bakal nang may sumulpot na lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko. Umuwang ang labi. Ang mahigpit na hawak ko sa bakal ay unti-unting nanghina hanggang sa mabitawan ko ito.

Gumawa iyon ng malakas na ingay.

Malakas ang paghinga ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Tagaktak ang pawis sa mukha. Dumadaloy mula sa makinis nitong noo ang pawis papunta sa pisngi at leeg nito. Ang mukha nitong iritado at madilim. Ang itim nitong mata ay lalong naging itim mula sa kadiliman ng gabi.

Ang sinag sa kanyang direksyon na nagmumula sa buwan ang nagsasabing hindi ako nananaginip.

Nahigit ko ang hininga. Tila nabingi na ako. Hindi ko magawang makagalaw sa kinatatayuan ko. Nagbara ang aking lalamunan.

Ang luha sa aking mata ay tila naubos na. Sa malat na boses. Sa ilang taon na lumipas. Hindi ko akalain na muli kong mabibigkas ang pangalan niya sa kanyang harapan mismo.

"I-ivan..."

BEAT OF LIES (COMPLETED)Where stories live. Discover now