[LAWSON UNIVERSITY]
Room 156. Habang nag-iintay sa prof. namin, panay lang yung observe ko sa mga kaklase ko. Opening palang ng pasukan pero parang magkakakilala na sila. Kung sabagay, ano ba ang bago? Sanay naman akong maging outcast.
May isang grupo naman ng babae na pinagkukwentuhan si Travis.
[Conversation at the background]
GIRL #1: Kanina nilapitan ko si Travis kaso 'di na naman niya ako pinansin bes.
GIRL #2: Kelan niya kaya tayo papansin?
GIRL #3: Siguro, kung sakaling pansinin na niya ako tapos isasakay niya ako sa kotse niya. Grabe, bes. 'Di ko yata kakayanin. Gosh! Ngayon palang, kinikilig na ko.
GiIRL #2: Oo nga, ako rin e...
(Mas matinde pala tung mga to kaysa sakin. Kahit crush ko siya, may konting hinhin pa rin naman ako. Hanggat maaari kase, 'pag nagka crush ako, 'di ko pinapaalam at di ko masyadong pinapahalata.)
Nga pala, speaking of Travis. Sana kahit one time lang, maging classmate ko siya.)
...
Pagkalipas ng ilang minuto bago ang time, napansin namin na bumukas yung pinto.
Si Travis!? Nung pumasok siya, natahimik ang lahat at napatingin sa kanya.
Di nga?! Kaklase namin siya??
Bigla siyang napatingin dito sa pinagpupwestuhan ko. Tapos, nagsimula na siyang maglakad papunta dito. Napapatitig lang ako sa kanya.
Makikita mo sa kanya yung angas niya. Yung itsurang napakaseryoso at walang pakielam sa paligid niya. Kahit na, maraming nakatingin sa kaya.
Doon siya umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Grabe talaga. Di pa rin ako makapaniwala na kaklase ko siya at nakaupo pa sa harapan ko. Artistahin talaga siya kaya lahat halos ng mga mata napapatingin sa kanya. Lalo yung mga babae kanina na pinag-uusapan siya, sobra ring makatingin sa kanya.
[2 HOURS LATER]
Naglalakad ako sa labas at nakita ko si Travis na naglalaro ng soccer. Busy ako sa pagtanaw sa kanya nang biglang may sumulpot sa harapan ko.
SHAYNE: HI! MY PRINCESS!
(Ano na naman kaya ang trip nito?)
SOPHIE: Ikaw na naman?
(Nginitian niya ako.)
SHAYNE: It's funny, you know. Eversince nung nakita kitang natutulog sa armchair, lagi na tayong nagkikita.
SOPHIE: Oo nga e. [Sarcastic]
SHAYNE: You look mad. Is it because of what happened yesterday?
SOPHIE: Pagtawanan mo ba naman ako nang sobra, 'di ba, kaya panung di ako maasar dun.
SHAYNE: Actually, I've never expected to hear such a thing that time kaya sobrang napatawa ako. Pero sige na nga, I'm sorry.
SOPHIE: Tss. Sorry sorry...
(Parang 'di naman ako maniwala sa pagsosorry nyang iyon.)
SHAYNE: By the way, I'm Shayne McNulty.
(Nakita kong gusto niyang makipag-shake hands. Pero 'di ko pinansin.)
SOPHIE: Oo, kilala na kita.
SHAYNE: Mukhang inis ka pa rin sakin ah.
(Ibinaba na niya yung kamay niya.)
SHAYNE: Anyway, that's nice na kilala mo na ako. You know what, matagal na kitang gustong kausapin. It's just that, wala lang akong chance to formally introduce myself to you. Katulad last time, sa mall. Lalapitan sana kita pero bigla ka na lang nawala when I'm about to approach you.
BINABASA MO ANG
DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)
Teen FictionSophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her university. She must choose which man has genuinely captured her heart after experiencing both love a...