Nagsisimula ang araw ko sa gabi
Sa puntong paglisan ng araw
Para magningning ang buwan sa dilim
Isang ilusyon tulad ng natatanging tagpo
Kung kailan ko natanto
Na dahil iyon sa pag-ikot ng mundo
***
Did you ever felt so fucking useless to the point that you just want to die and disappear? 'Yong pakiramdam mo wala kang silbi? Na bukod sa kulang-kulang ka na, kulang na kulang ka pa? That you're never going to be enough? That you're just an irrelevant bloke who's wanted to be gone by everyone?
"Wala kang kwenta, Alexis!"
"Wala ka nang ginawang tama, Alexis!"
"'Tang ina mo, Alexis, bakit ka pa nabuhay?!"
Siraulo akong humagalpak ng tawa matapos isigaw ang mga salitang narinig kay Daddy kanina lang. At least the first two. Kung hindi lang iyon nahiya ay malamang pati nang pangatlo at huling isinigaw ko'y ipinamukha niya rin sa akin, katulad ng araw-araw niyang ginagawa. Ang pagpapamukha sa aking isa akong malaking pagsisising hindi na dapat hinayaang maipanganak.
Gago ba siya? Bakit hindi niya sisihin ang sarili niya sa paggawa ng gagong katulad ko? Sinabi ko bang ako ang buuin nila? Ginusto ko bang maging katulad ko ang kumbinasyon ng mga genes nila? Kung sana kasi pinahid na lang ako sa pader ng 'di na ako nabuo pa. Who else would want to live being me, anyway?
Tumawa ako nang tumawa roon at natigilan lamang nang muntikan na akong malaglag mula sa haligi ng tulay na inuupuan. I hissed and touched the cut in my lip with the back of my hand only to confirm that it was bleeding again. Dahil yata ito sa pagtawa ko, o siguro dahil mamamatay na ako. Tangina. Sana nga mamatay na lang ako. Parang mas madali iyon kaysa ang mamatay nang paunti-unti katulad nito.
Mapait akong natawa sa mga naiisip.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang maramdaman ang paninikip ng lalamunan. Pagkaangat ng tingin ay natanaw ko ang kulay kahel at papalubog nang araw. Hudyat ng pagtatapos ng isang simula.
Hindi nag-aalis ng tingin mula sa pamamaalam ng liwanag, unti-unti akong tumayo at nagbalanse sa sementadong haligi ng tulay. Para akong nahihipnotismo ng tanawing nasa harap. Ang nag-aagaw na liwanag at dilim, mga ibong malayang nagliliparan sa himpapawid, at ang pagtama nang natitirang sinag ng araw sa rumaragasang ilog. Nakakatawa. Dahil kasalungat sa ganda ng nakikita ko ngayong tanawin ang nararamdaman kong pagguho ng mundong kinalalagyan ko.
"Hey, kid!" Galit na boses ng isang babae.
Dahan-dahan kong iniangat ang magkabila kong braso hanggang sa naidipa ko ito kapantay ng ulo. Sinalubong ko ang mabining pag-ihip ng hangin at binalewala ang lahat matapos.
"Hoy sabi!"
Bahagyang kumunot ang noo ko ng marinig ang parehong galit na boses. Ngunit muli ko lamang din itong binalewala. Abala pa ako sa pagtanaw ng natitirang liwanag nang bigla na naman itong nagsalita, mukhang pursigidong magpapansin.
"Kung balak mong magpakamatay, pumili ka ng ibang lugar!"
Tuluyang kumunot ang noo ko pagkalingon sa babae. Kasabay ng pagbagsak ng mga braso ko ang pagtama ng linya ng mga mata namin. Ang galit sa kaniya ay katumbas naman ng iritasyon sa akin.
BINABASA MO ANG
Between a Rock and a Hard Place
RomanceCarpe Noctem Duology #2 Youngest in the three Fabregas brothers, Alexis is known as the black sheep of the family. Growing up in a political ménage where his parents compelled him to be like them, he always felt like he's been in the wrong place his...