Iniwan na 'ko ng mga salita
Tulad ng mga pangako
Na itinaga sa bato
Ngunit sa huli ay itinapon,
Hinayaang ipaagos
Hanggang sa tuluyang maglaho
***
"At least put some ointment on your wound!" iritable at halos nandidiring utas ni Mommy, nang maupo ako sa dining table isang gabi ng weekend. "You're old enough to take care of yourself, Alexis. 'Wag mong hintaying ako pa ang gumawa niyan at hindi ka na bata!"
Wala sa sariling nakapa ko ng dila ang loob ng pisngi, habang pinapasadahan ng tingin ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Mukhang masarap ang dinner pero mas matutuwa siguro ako kung ititikom nila ang mga bibig nila.
"You're late again. Kung sana may katuturan ang anumang pinagkakaabalahan mo'y ayos lang. Ano bang plano mo sa buhay, Alexis?" sarkastikong ani Dad, ni hindi man lang muna ako hinayaang hawakan ang sariling kubyertos.
And it started again. Ganito ba sila ka-interesado sa buhay ko para ilipat ang usapan nila sa politika patungo sa 'kin? I just want to eat in peace, alright. Mahirap bang balewalain ang presensiya ko rito? Bakit sa tuwi na lang nakikita nila ako, wala na silang ibang bukang-bibig kundi ipamukha sa 'kin ang mga ito? Na para akong dispalinghadong bagay at kating-kati silang idiretso at ayusin ako, dahil hindi sila matatahimik hangga't nakikita nila akong ganito.
It was as if they wanted to alter and mould me into someone I'm completely not, so that I could pass their fucking standards. So that I could be one of them. At sino ba sa tingin nila ang niloloko nila rito? Mas mabuti nang mamatay na lang kaysa ang maging kagaya nila!
Minsan na nga lang mapansin, sa mga walang kwentang bagay pa. Sa bagay, wala talaga kasi akong kwenta!
Ngumisi ang nasa tabi kong si Xander pagkasulyap sa akin. "Ang dami ngang gustong mag-recruit dito na athletic club, Dad. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon, wala pa rin siyang sinasalihan maski isa. Such a waste."
Hawak ko pa lang ang sariling kutsara ay nawalan na agad ako ng gana. Madilim kong binalingan ng tingin ang kapatid sa tabi. Nahirapan pa akong pigilan ang sariling itulak ito paalis ng sarili niyang silya, kaya't imbes ay kuyom ang kamaong pinantasya ko na lang na sinasapak ko siya ngayon.
"O, iyon naman pala? If you're just wasting your time, might as well use it on things benefitial to you! Being an athlete wasn't a bad idea if you're bad in the head." Nakuha pang tumawa ng matanda sa sariling biro. Ang gulpi-sarado nang si Xander sa isip ko ay nakitawa rin doon. Si Mommy ay walang pakialam at abala lang sa pag-inom mula sa kopita ng wine.
"Hindi mo gayahin ang mga kuya mo. Si Xavier sumusunod na sa yapak ko at tatakbo na rin sa susunod na eleksyon. Itong si Xander presidente na ng student council at SK kagawad pa! Ikaw, Alexis? Ano bang plano mo sa buhay at puro kagaguhan ang nababalitaan kong pinaggagawa mo? Kung hindi ka makakatulong kahit sa imahe lang ng pamilyang 'to, mas mainam siguro kung ipatapon na lang kita sa malayong probinsya?"
Natigilan ako sa narinig at ilang sandali pang nakipagtalo sa sariling tumahimik kahit gusto kong sumagot. Ipapatapon? Anywhere is fucking better than here! Ang saya ko lang siguro kung gawin niya nga iyon. Pero hindi ko sasabihin at baka magkaroon pa siya ng ideyang gusto ko iyon. Yamang wala siyang ibang ginawa kundi isubo sa akin ang mga bagay na ayaw ko.
BINABASA MO ANG
Between a Rock and a Hard Place
RomanceCarpe Noctem Duology #2 Youngest in the three Fabregas brothers, Alexis is known as the black sheep of the family. Growing up in a political ménage where his parents compelled him to be like them, he always felt like he's been in the wrong place his...