4 : The misfits

4 0 0
                                    


Humiling ako noon sa mga bituin

Na sana muli tayong pagtagpuin

Hindi para may baguhin

Kundi para may baunin

Sa pagtanggap na ang pagsisisi

Ay laging nakarugtong sa huli

***

Pasado alas onse ng gabi nang matagpuan namin ang mga sariling pasuray-suray na naglalakad sa kalsada, at parang mga siraulong nagtatawanan. Halos pinatos na namin ang lahat ng pwede niyang pag-apply-an, pero ewan ko ba anong balat sa pwet mayroon ang babaeng ito at talagang ang ilap ng swerte sa amin. Kaya heto at nauwi kami sa pag-inom bilang pampalubag loob. It was her idea and I wasn't strong enough to hold my ground.

"Tangina, masamang damo ka siguro nang nakaraan mong buhay, kaya ka minamalas ngayon!"

Natawa siya sa kalagitnaan ng pag-inom sa sariling in-can, kaya't halos mawisik sa akin ang beer ng naibuga niya iyon. Mabuti na lang at kahit pa bahagya na 'kong may tama ay mabilis pa rin ang reflexes ko at nakaiwas.

"Gago ka ah!" tatawa-tawa niyang asik sabay sapak sa braso ko.

"Baboy mo naman!" mabilis kong alma.

Nang napadaan kami sa police station at muntik nang masita ng pulis na nakakita, ay nagkukumahog kaming nagtatakbo sa takot na mahuli.

"Shit! Bilisan mo!"

"Ang sakit na ng legs ko!"

"They'll caught you, idiot! Run!"

"I'm fucking running! Sa haba ng biyas mo, 'yung takbo ko hakbang mo lang!"

"Kasalanan ko bang 'yan ang genes na ipinamana sa 'yo?"

"Teka nga! Sino bang humahabol sa 'tin?!"

Napahinto ako bigla sa pagtakbo kaya't bumundol siya sa likuran ko at napatigil rin.

"Aray ko!" sapo ang mukha niyang angil.

"We lost them," kumpirma ko nang walang sinumang makitang nakasunod sa amin.

Tahimik ang madilim na kalsada at halos wala nang tao. Tanging mumunting tahol na lang ng mga aso sa malayo ang rinig, bukod sa pagkakahingal naming dalawa.

Nilingon niya ang tinatanaw ko. "Gago ni wala ngang humahabol sa 'tin! Tumakbo ka bigla kaya tumakbo rin ako!" angil niya. "From a scale of one to ten, gaano ka kalasing?"

Sa kabila ng malamig na hangin ay ramdam ko ang pamumuo ng pawis mula sa noo, nang nagbaling ako ng tingin sa kaniya.

"Isa ka rin eh. Bakit ka sumunod sa 'kin? Ikaw ang lasing!"

"Number lang hinihingi ko daming sinabi?"

Babanat pa sana ako ngunit tinamad na akong mag-isip dahil sa pagkakahingal. Nagkatitigan kami roon at kalauna'y sabay na lamang natawa sa kaniya-kaniyang kabulastugan.

"Siraulo ka, Lex, pinagod mo lang ako sa wala!" reklamo niya pagkabalik namin sa 7eleven.

"That fucking sobered me up," tawa ko na lang. Pagkainom ko mula sa bote ng mineral ay nahagip ng paningin ko ang parehong crew. May naisip ako bigla kaya siniko ko ang nakayukyok na namang si Reon sa lamesa.

Between a Rock and a Hard PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon