2 : The blue-haired chick

7 0 0
                                    


Hindi makahulagpos,

Tinatangay ako ng agos

Nilulunod ng bawat alon

Paulit-ulit na sinusubok,

Ngunit laging magpapatuloy

***

"Reon... Reon..." Tangina hindi ko maalala kung anong buong pangalan niya.

Marahas kong nagulo ang buhok mula sa likod at napasinghal sa frustration. Ayaw kong tanungin si Kuya Xander tungkol kay Reon, kaya heto ako at mag-isang nasisiraan ng ulo.

Ngunit bukod sa mga tanong ko bukod sa kung sino siya, ang nag-iisa at natatanging tanong na hindi ko talaga mabigyan ng dahilan ay ang pagkakaroon niya ng pakialam.

Ano ngayon kung nagpakamatay ako roon? Ano ngayon kung nakita niya ako? Pwede naman niya akong balewalain katulad ng madalas niyang ginagawa sa lahat ng bagay ah?

Reon...

Isa pa... kanina ko lang siya nakitang naging ganoon ka-emosyonal... at kahina. Hell, I heard her cry! Hindi ko alam kung dahil ba sa takot sa akin o para... sa akin. And damn it, I was only just realizing that she made the first move! O counted ba iyon?

Gago ka, Lex! Masyado lang kayong emosyonal pareho kanina! Don't romanticize every-fucking-thing!

Mabilis at halos iritable akong umiling nang paulit-ulit sa sarili. Ang mga karagdagang masasakit na salitang natanggap ko pagkauwi ay tila balewala na ngayon. 'Pag naaalala ko ang nangyari kanina sa tulay, parang ang dali na lang isantabi ang lahat nang masasamang nangyari at maaaring mangyari.

It's fucking strange.

Kinabukasan nang naglalakad ako patungong faculty ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Dahil sa tangkad ko, sa sugat ko o dahil likas akong nakakatakot o ano pa man ay wala na akong pakialam bakit. Basta ang alam ko, sinabi ni Dad, na siyang ginatungan ni Xander, na magtungo ako rito para humingi ng tawad. Kahit nakapag-usap na naman sila kahapon at nakahingi na rin ako ng pasensya, kahit labag iyon sa loob ko.

I'm probably doing the right thing now. Good shit, huh?

Feeling like Moses with the sea of people parting just because of my presence, parang gusto kong matawa. Wala naman akong ibang ginagawa rito kundi ang maglakad? Anong nakakatakot do'n?

Ngumisi ako sa sarili bago tuluyang binuksan ang pintuan ng faculty. Dire-diretso akong pumasok roon at nagtungo sa desk ng teacher na nasapak ko kahapon. Ilang singhap ang narinig ko sa hindi pangkaraniwang katahimikan ng paligid. Ang teacher na sadya ay napatalon pa sa gulat nang nakita ako sa tapat mismo ng lamesa niya.

"F-Fabregas, anong ginagawa mo rito?" Tumikhim ito at ang takot ay hindi ko na kailangang pangalanan pa, dahil nakaguhit na ito sa buong mukha niya. At kahit may benda iyon ay halata pa rin ang pamamaga ng panga.

Tumitig ako sa kaniya at hindi nagsalita ng ilang sandali. Remembering the days he made fun of me as if I was the classroom's clown. Hindi ko alam anong problema niya sa akin at pinagkakatuwaan, at pilit niyang sinusubukan ang reputasyon ko sa eskwelahan.

Kuryoso marahil siya kung kaya ko ba talagang manapak ng teacher? Kaya tinuya niya ako hanggang sa maranasan niya iyon first hand? O edi ito na nga? He fucking deserved it so why should I have to apologize again?

Between a Rock and a Hard PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon