May mga paalam palang tila pagkamatay
Tulad ng pagtigil sa paghinga at pag-usad
Kahit ang mga paa ay nanatiling lapat sa sahig
Isang magandang musika
Na nagtapos sa palyadong nota
***
"Nababaliw ka na ba?!" Isang malutong na kutos ang iginawad ko sa kaniya, baka sakali lang na magtino ang takbo ng isip. "Anong pinagsasabi mong tinanggap mo 'yu—ARAY!"
Bahagya akong napatungo dahil sa natamong malakas na hampas sa ulo. Ang ugat sa noo ko'y mabilis na pumintig sa iritasyon, habang nandidilat ko siyang inaangilan at halos higitin na sa kwelyo.
Sapo ang sariling tuktok ng ulo'y mangiyak-ngiyak niyang sinalubong ang galit ko. "Hoy, ang sakit ng kutos mo! Ba't mo naman tinotoong mananakit ka?!"
Anong klaseng ekspresyon 'yan?
Suminghal ako kahit natatawa na. "Masakit? Gusto mo ng isa pa? Ulitin mo 'yung sinabi mong tinanggap mo 'yung offer ng ungas at makakaulit ka talaga!"
"Pangit ka-bonding! Nakarinig ka na ba ng joke?! Hindi pa 'no?!"
"'Wag kang sumigaw tangina 'di ako bingi." Sabay ngisi nang nakitang nanggigilid pa rin ang luha niya. Mukha siyang batang napikon sa asaran.
At akalain mong sa tigas ng ulo niyang 'yan nasaktan pala siya sa kutos ko?
"O, pwede ka nang kiligin. Ikaw na ang nauna." Mas lalo akong ngumisi para lalo siyang mainis. Nakakatawa kasi 'yong mukha niya. Lalo 'pag naaasar.
Pamatay na ang tingin ng babaeng may saltik sa akin nang pabulong na umismid. "Shit ka."
Bukod sa height difference namin, para talaga siyang bata. Lalo sa isip.
"Sigurado ka bang kumpleto ka sa buwan?"
Nang umakma siya ng paghampas ay dali-dali akong nagtatakbo palayo sa panganib, hanggang sa makarating at makalabas ako ng gate. Pikon siyang tumakbo pasunod pero dahil maikli ang biyas niya'y nagkandahirap pa siyang makahabol. Edi nakaganti rin ako!
"Habol, bonsai!" Nakakainis ang pagtawa ko maging sa sarili kong pandinig.
"Sir."
Libang pa ako sa pagtawa habang pinapanood ang nagkakandarapang paghabol ni Reon, nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"Sir."
Pagkalingon ay nakita ko kaagad ang isa sa mga tauhan ni Dad. Natigilan ako at animong sinampal para magising. Wala na ni bakas ng ngisi sa mukha ko pagkakitang nasa likod nito ang isa sa mga sasakyan namin. Ang tuwang kaninang nararamdaman ko'y ganoon lang kadaling naglaho.
"Bakit? Anong kailangan mo?" I could taste the sourness in my mouth as I gritted my teeth.
Ano na naman ang mayroon? May nagawa na naman ba ako at kailangan pang sinusundo? O may katarantaduhan na namang okasyon?
"Pinapasundo ka ni Sir Alex dahil may gaganaping party mamaya kina Gov—"
"Anong kinalaman ko ro'n? Sabihin mo sa kanila hindi ako interesadong maki—"
"Oh. Hey, Reon! Are you with Lex? We're just about to pick him up." Mabilis akong napalingon sa isa pang boses na narinig. At hindi nga ako nagkamali kung sino iyon pagkakita sa malademonyo nitong ngisi.
BINABASA MO ANG
Between a Rock and a Hard Place
RomanceCarpe Noctem Duology #2 Youngest in the three Fabregas brothers, Alexis is known as the black sheep of the family. Growing up in a political ménage where his parents compelled him to be like them, he always felt like he's been in the wrong place his...