Kabanata V

15.3K 52 4
                                    

Haplos

Pagka gising ko kinabukasan ay agad kong nilingon ang pwesto ni Blair. Nakita kong wala na siya at kulimlim pa rin ang panahon sa labas. Ibinalik ko ang tingin sa gitnang parte ng kama at muling naalala ang ginawa ko sa kanya. Kung paano ako nag-init na dulot ng aking kapangahasan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang dalaga dahil magka halong kaba at taranta ang aking nadarama.

Pagka bangon sa kama ay napagpasyahan kong hanapin ang dalaga. Tiningnan ko ito sa kwarto niya pero wala akong nakita. Bumaba ako ng hagdan baka sakaling matagpuan ko siya sa sala. Hindi pa ako tuluyang nakakababa ay naamoy ko na ang masarap na amoy ng nilulutong kaldereta. Bigla akong nagutom sa naamoy ko kaya nagtungo ako sa kusina. Dito ko nadatnan ang dalaga habang abala sa pagluluto at sumasayaw sayaw pa.

Napatitig ako sa likuran nito. Muli kong naalala kung paano ito dumikit sa harapan ko at naghatid ng init sa katawan ko. Hindi ko mapigilang mapatulala sa ganda ng hubog ng kanyang katawan na aakalain mong coke mismo. Pababa ng pababa ang naging tingin ko hanggang sa napahinto ako sa napaka laki nitong pwetan. Unti-unti ko na namang naramdaman na tumigas ang sandata ko.

"Shit Lucas, ano na naman yang iniisip mo" sa isip-isip ko. Tatalikod na sana ako upang iwasan ito nang bigla itong dumukwang para lakasan ang apoy kaya nanlaki ang mga mata ko dahil lalong umumbok ang napaka laki nitong pwetan. "Tang *na" bulong ko at tuluyan nang tumalikod sa kanya para ibaling sa iba ang atensyon ko.

Pagsilip ko sa bintana ng sala ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Hindi na ito kasing lakas ng kagabi pero patuloy pa rin ang pag bagsak.

"Mukang hindi ako makakapagbukas ng hardware ngayong araw" ang sabi ko pa sa aking sarili.

Nagpasya nalang ako na tawagan ang aking asawa upang kamustahin kung ano na ang lagay nito sa probinsya pati na rin ang aking mga biyenan. Nakaka tatlong ring palang ng telepono ay sumagot na ito.

"Hello mahal napatawag ka" bungad na sagot sa akin ni Alina.

"Mahal kamusta na kayo diyan? Si nanay, maayos na ba ang lagay?" pangangamusta ko dito.

"Hindi pa rin bumababa ang lagnat ni inay mahal. Balak na nga namin dalhin ni itay sa ospital mamaya."

"Ganun ba? Gusto mo bang sumunod kami diyan para matulungan ko kayo sa pagbabantay kay nanay?" ang sabi ko pa.

"Hindi na mahal, nabalitaan ko rin sa telebisyon na hindi maganda ang lagay ng panahon sa Maynila kaya mas makabubuting manatili nalang kayo ni Blair sa bahay."

"Sigurado ka mahal?" paninigurado ko pang tanong dito. Iniisip ko rin ang kalagayan nito lalo na't alam kong mahirap ang transportasyon sa probinsya at malayo ang ospital sa bahay nila.

"Oo mahal. Kamusta pala ang baby natin?" pag-iiba ni Alina.

"Nagluluto sa kusina mahal. Tinanghali na kasi ako ng gising dahil sa lamig ng panahon kaya napasarap ang tulog ko tapos sobrang napagod pa ako sa store kahapon" paliwanag ko dito kahit na si Blair lang naman ang kinakamusta nito. Hindi ko alam pero parang dapat akong magpaliwanag sa kanya kung bakit ako tanghali nang gumising.

"Ang dami mo naman sinabi mahal. Hahahaha. Pakausap nga sa kanya, namimiss ko na agad ang baby natin" dinig ko ang bahagyang pagtawa nito dahil sa paliwanag ko.

"Eh ako mahal hindi mo na-miss?" sinandya kong palungkutin ang boses ko para lambingin ako nito bago magtungo sa kusina para tawagin ang dalaga.

"Ikaw mahal ah, huwag mong sabihin na pinag seselosan mo pati ang baby natin. Syempre na-miss ko ang napaka sipag, napaka pogi at napaka macho kong mister" tatawa-tawa pa nitong sagot kaya napangiti rin ako.

TuksoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon