Kabanata III

16.1K 57 1
                                    

Katuparan ng Pangarap

"Iha pasok ka"

"Salamat po nanang Alicia" sagot ng dalaga.

Kanina pa ako nakatingin sa kanya. Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Inaalala ko kung saan ba pero hindi ko talaga maalala. Dumiretso na kami ni Alina sa aming kwarto. Habang nag aayos ng gamit ay nagsalita ang aking asawa.

"Mahal, nakakaawa naman si Blair. Bukod sa wala na ang mga magulang ay wala pa rin matirhan" tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

"Tuloy pala tayo bukas papuntang orphanage?" pagiiba ko sa sinabi niya ng maalala ko na isa ito sa mga balak namin puntahan.

"Oo mahal, gusto nga rin sumama nila inay at itay. Na miss na rin daw nila ang mga bata pati na si sister Theressa"

"Sige mahal, sabihan mo lang ako kung anong oras tayo aalis para maihanda ko ang sasakyan" ngumiti na lang siya at nagpatuloy sa pagaayos.

Pagkatapos mag ayos ng aking asawa ay dumiretso na rin kami sa kusina. Naabutan naming nakahanda na ang hapag kainan at nakaupo na rin sila inay at itay kasama si Blair.

"Mga anak, pumarito na kayo para makakain na tayo" tawag sa amin ng inay.

Habang kumakain ay nakikinig lang kami sa mga kwento ni Blair tungkol sa naging buhay niya. Kung paano ito humantong na naging pakalat kalat sa daan at kung wala na ba itong kamag anak na mapupuntahan.

"Wala na po akong mga kamag anak na kakilala, pareho po kaseng nagiisang anak ang aking mga magulang at ako lang din po naging anak nila" saad pa ng dalaga.

"Buti nalang pala ay nakilala ka namin iha. Nakapa delikado para sa isang babae at dalagang katulad mo ang pakalat-kalat sa daan lalo na sa panahon ngayon" ang sabi naman ni tatay Rey kaya napatango kami sa sinabi nito.

"Salamat po sa inyo nanang at tatang. Kung hindi nyo po ako nakita ay baka hindi ko na alam kung saan ako pupunta" Hinawakan pa nito ang kamay ng itay at mangiyak-ngiyak na pahayag nito.

"Walang anuman iha. Nakita naman namin na mabait kang bata kaya habang wala ka pang matutuluyan ay dumito ka muna pansamantala" dagdag pa ng itay.

Pagkatapos namin maghapunan ay nagtungo na kami ni Alina sa aming kwarto para makapag pahinga dahil kinabukasan ay maaga kaming pupunta sa orphanage. Pinaplano rin namin kung ano ang pwedeng ipasalubong sa mga bata at sa mga madre na nag babantay dito.

"Mahal paano kaya kung isama natin si Blair sa Maynila. Nabanggit niya sa akin kanina na gusto niyang makatapos sa pag-aaral. Mukha naman siyang mabait na bata at saka baka siya na ang bigay sa atin ng maykapal" bahagya pa akong nagulat sa sinabi ng aking asawa.

"Ano ang ibig mong sabihin mahal?" naguguluhan ko pang tanong sa kanya.

"Diba mahal may mga scholar din tayo sa Maynila? Bakit hindi natin isama si Blair doon para makapagpatuloy siya ng pag-aaral. Mahal, kahit sa maigsing panahon natin siyang nakasama ay magaan na ang loob ko sa kanya." naka ngiting sabi nito sa akin na may pangungusap sa mata.

"Ibig mo bang sabihin ay ituturing natin siya na parang anak Alina?" seryoso at diretso kong tanong dito.

"Oo mahal, matagal ko na rin napag isipan na mag ampon tayo pero ikaw lang ang tumatanggi dahil ang sabi mo ay marami pang gagawin na proseso. Pero kung si Blair ang ating isasama ay wala na tayong iintindihin pa" paliwanag nito sa akin.

Napatingin na lang ako sa kanya at pinag isipan ng mabuti ang kanyang ideya. Hindi nagtagal ay tumango nalang ako para pagbigyan siya. Bigla ako nitong niyakap at pinupog ng halik sa labi. Alam na alam talaga ng aking asawa kung paano ako mapapasaya.

TuksoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon