Kabanata VI

17.6K 58 3
                                    

Temptasyon

Madilim na kalangitan at walang tigil pa rin ang malakas na buhos ng ulan. Katatapos lang namin maghapunan ni Blair at nagpapahinga na lang ako sa sala habang nanonood ng balita at may hawak na isang bote ng alak pantanggal ng lamig sa aking katawan. Kakatanggap ko lang din ng mensahe mula sa aking asawa na baka matagalan pa ito ng pag pirmi sa probinsya dahil pati doon ay malakis din ang bagyo.

Habang ako ay nakatutok sa pinapanood na balita ay naramdaman kong may tumabi sa akin sa sofa. Tiningnan ko ito at nakitang si Blair lang pala. Tangkang ibabalik ko na ang atensyon sa telebisyon ng bigla nitong ihilig ang kanyang ulo sa aking dibdib. Wala na rin akong nagawa ng yumakap ito sa aking katawan habang nakatutok na rin ang mga mata sa pinapanood namin.

"Bakit ka umiinom ng alak daddy? Hindi ba masama 'yan sa kalusugan mo?" nag-aalala na tanong nito. Hindi na kaila dito na mahina ang tolerance ko sa alkohol kaya kapag nakikita nila ako ni Alina na umiinom ng alak ay todo ang paalala na natatanggap ko.

"Ngayon na lang ulit ako iinom baby. Pag bigyan mo na ako. Namiss ko lang uminom kahit isang bote. Basta sikreto lang natin ito sa mommy mo ah" paki-usap ko pa dito. Mas isiniksik lang nito ang ulo sa aking dibdib. Naglalambing na naman ang dalaga kaya kusa ko na itong inakbayan at mas lalong pinasandig sa aking katawan. Habang pareho kaming nanonood ng balita ay bigla itong nagsalita.

"Daddy kwento mo naman kung paano kayo nagkakilala ni mommy" malambing na sabi nito at mas ibinaon ang pagkakahilig ng ulo sa aking katawan. Tumingin lang ako dito at ibinalik ang atensyon sa harap ng telebisyon. Tumungga ng alak na hawak ko at sinimulan na ang aking kwento.

"Nagkakilala kami ng mommy mo noong highschool pa lang kami baby" panimula ko. Nagpatuloy ako sa pagkukwento habang si Blair ay patuloy na nakikinig at nakayakap pa rin sa akin. Muli kong inalala kung paano kami nagkakilala at nagkatuluyan ng aking mahal na asawa.

Nagkakilala si Lucas at Alina noong highschool pa lamang sila. Sikat ang dalaga sa eskwelahan nila dahil bukod sa matalino ito ay biniyayaan din ng magandang mukha. Halos lahat ng kaklase nitong lalake ay may gusto sa kanya pero walang nagtatangkang magpahayag ng damdamin dahil sa ito ay suplada.

Habang palabas si Alina ng eskwelahan nila ay mayroong biglang lumapit sa kanya. Grupo ito ng mga sigang estudyante at pilit na kinukuha ang cellphone number niya. Inirapan lang ito ng dalaga at lalagpasan na sana pero biglang hinaltak ng sigang leader nito ang braso ni Alina.

"Ang arte mo naman Miss Beautiful. Kami na nga ang lumalapit sa iyo aayaw-ayaw ka pa. Kilala mo ba kung sino ang iniirapan mo?" pananakot pa nito sa kanya.

"Wala akong paki alam kung sino ka! Wala akong oras para sa mga kagaya mong pangit na, basagulero pa!" mataray na sagot nito sa lalake.

Dahil sa pagka pahiya ay akma na nitong sasampalin ang dalaga ng may humawak sa kamay ng sigang lalake ay tinulak siya palayo kay Alina.

Lumingon ang lalakeng siga at gagantihan na sana ang nagtulak sa kanya pero bigla itong nahintakutan ng makita kung sino ang kaharap niya.

Ito ang leader ng frat ng eskwelahan nila. Si Lucas De Guia. At alam ng lahat na kung sino ang kumalaban dito ay uuwi na bali-bali ang mga buto.

"Ano lalapit ka pa?" mayabang na sabi ni Lucas.

"Sa susunod na makita kong binabastos nyo si Alina ay hindi ko na kayo palalampasin pa" dagdag pa nito.

Hindi kaila sa lahat na may gusto si Lucas sa dalaga pero sadyang walang paki alam dito si Alina dahil wala siyang interes at hindi niya ito lubos na kilala. Aalis na dapat ang dalaga nang nagsalita ang binatang nagligtas sa kanya.

TuksoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon